CHAPTER 14

1.8K 30 14
                                    

 "Oy Zyshiee. Punta tayong classroom." Kasama ko kasi ngayon si Dylan. Ewan ko ba kung bakit sumama ako dito. Kainis lang.

"Maka-oy ka. Sapakin kita jan." Ngumiti na lang siya at inakbayan ako. Nadaanan pa namin si Charles pero di ako pinansin. Kasama niya si Aaron at si Billy. Nag-hi sa akin si Aaron pero di ko pinansin.

"Umamin ka nga sa akin tibs. May gusto ka kay Charles no?" Panimula ni Dylan sa akin. Andito kami sa lobby at maraming tao dito. 

Siniko ko siya at napa-aww na man siya. "Ulul! Mamatay muna ako bago ako magkagusto sakanya." Inalis ko ang kamay nya at tumungo sa classroom namin. Amoy usok. Langya na man tong si Sapphire. Ilang kaha ba nauubos nitong babaeng to? Kasama niya pa si Daphney. Bagay talaga sila. Parehong pabulok bunganga. 

"Kamusta kayo ni Charles sa kwarto? Este sa bahay niyo pala?" Tanong ni Zoe. Sinapak ko nga.

"Sira ulo. Wala na man. Binigyan niya lang ako ng boxers." Napalaki agad ang mata ng mga kasama ko. Mga sira ulo talga to. Sigurado nanaman akong tatanungin nila ako ng milyu-milyong tanong.

"Did you.." Tinusok tusok ako ni Martin sa tagiliran ko.

*pak*

"Aray na man shishi. Why are you hurting me ba?!" Dapat lang yan sakanya. Sakit niya makakiliti sa tagiliran. Diin na diin e!

"Ew--"

"Zyshiee." Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko. Pag-lingon ko. Si Charles lang. Ano nanamang trip nitong lalaking to? "D-date tayo."

Lahat ng kasama ko nagulat sa sinabi ni Charles. Kahit ako na man. Napalingon din yung dalawang sunog baga sa gilid. Leche. Natutulog ba ako. Pakisapak nga ako. One time lang sige na! SAPAKIN NIY--!! 

"*sapak* Di ka nananaginip girl. Gora na. Ibabalato ko na lang si Fafa Charles sayo." Mamaya papatayin ko si Martin. Paki-take note yan.

Hinila ako ni Charles as in hila. Hindi kaladkad kundi hila tapos ang higpit pa ng pagkahawak nya sa kamay ko. Pero teka lang bakit.. bakit.. MAY SPARK? -____- New year na ba? Pakiremind nga ako. Di ko na alam kung anong date ngayon eh. 

Nakalabas kami ng gate at tumungo sa sasakyan niya. 

"Sakay." Hindi na ako sumagot at sumakay na lang ako. Ano bang trip nitong si Charles? Bigla bigla papasok sa classroom tapos yayayain ako makipag-date. Naka-drugs ba to?! Sumakay na siya at pinaandar ang sasakyan at ako na man itong walang alam sa mga pangyayari. Nasa gag show ba ako? Asan ang mga camera? Wooo! Artista na ba ako? Hahaha.

"Saan ba tayo pupunta?!" Hindi niya ako sinagot at bumilis ang pagtatakbo nya ng sasakyan. Hahaha! Natatawa ako. Tinakbo ang sasakyan. Ge tawa kayo. Hahahahah.

"Andito na tayo." Lumingon ako sa labas at nakita kong nasa luma kaming restaurant.

Lumabas ako ng sasakyan ayaw kong hintayin na pag buksan pa ako ni Charles ng pintuan. Siguro kahit amagin ka di ka niya pagbubuksan ng pintuan eh. Wala man lang ka-gentle gentleman tong anak-araw na to.

"BAKIT BA NA MAN SA LAHAT LAHAT NG RESTAURANT NA PWEDE MO AKONG DALHIN. DITO PA SA BULOK NA TO?!!" Reklamo ko. Mkikipag-date na nga lang bakit dito pa? Sabi ko na nga ba eh! Sira na tong utak ni Charles.

"Wag ka na lang aangal. Basta surprise!" Hinila niya ako at pumasok na kami sa restaurant. Pagkapasok ko. SINO NGA MAY SABING PANGIT ANG RESTAURANT? MASASAPAK KO!!

KINGSTON UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon