CHAPTER 15

1.8K 30 13
                                    

[ZOE]

"Goodmorning Zysh--" Hindi ko na lang tinuloy yung sasabihin ko kasi halatang halata sa mukha ni Zyshiee na galit.

"Bad morning ata si Shishi e." Binatukan ko na lang si Martha tapos tinignan namin siya papunta kay Aaron.

"Aray na man Zy!! Bakit ka ba nananapak? Kita mo na ngang natutulog yung tao eh!!" Napatayo kasi kaagad si Aaron at akmang susuntukin na niya sana si Zyshiee kaso nakita niyang galit ang mukha. Ngayon lang namin nakitang galit si Zyshiee ng ganyan. As in sobrang galit. Nakakatakot.

"Asan si Charles?" Kinuwelyuhan niya si Aaron. 

"Bakit? Kayo na no?" Bigla na mang tinapakan ni Zy ang paa ni Aaron kaya napabitaw agad siya sa pag-kwelyo niya sakanya.

"Kalma lang. Andun siya sa Secret place." Sagot ni Dylan.

Pumunta na agad siya dun at kami nakatingin lang.

"Anong nangyari dun?" Sabi ni Kiana.

[CHARLES

"Sige Gette. Okay ka na ba jan? Ibababa ko na tong tawag?" Ngumiti ako at binaba ko na ang tawag. Bigla daw kasi nagtatapon si Gette ng vase dun sa bahay nila. Ako daw ang rason kaya pinuntahan ko. Pag punta ko dun naka-bulagta lang sa sahig. Tsktsk. Sana okay na sya.

Bigla kong naalala. Nagpapatulong pala ako mag move on. Aish!!!

"OCAMPOOOOOOOOOOOO!!!" Napatayo ako kaagad sa boses ni Zyshiee. Napatingin ako kaagad sa pintuan. Tsk. Galit nanaman to. Panigurado.

 "Zys--" 

*boogsh*

"Aray na man. Kababae mong tao nanununtok ka." Sakit nung suntok niya sa pisngi ko ah! Badtrip. Natumba ako wala sa oras.

Nag lakad siya padabog sa akin. Nag squat siya at kinuwelyuhan ako.

"Sa susunod na magpapatulong ka. Wag sa akin. NAIINTINDIHAN MO BA YON?!!!" Tinignan ko lang siya sa mata at napansin kong galit na galit talaga siya. Kasalanan ko bang kailangan lang ako ni Gette kagabi?

Hihingi na sana ako ng sorry kaso bigla siya tumakbo paalis. Tumayo ako at pinagpag ang mga puti sa pantalon ko. Tsk. Papatapon ko na to. 

--

"Bro, galit na galit kanina si Zy. Parang mangangain ng tao eh. Ano bang ginawa mo?" Tanong sa akin ni Aaron at ininom niya ang juice niya. Asar. Sasabihin ko ba? Sasapakin ako ng mga to e.

"Pinuntahan ko si Gette." Nabuga agad ni Aaron ang juice sa mukha nung dumaan sa canteen at hinarap niya ako.

"Sira ulo!!" Binatukan ako ni Dylan at sinamaan ko siya ng tingin. Tngna. Sakit nun ah! "Asan ba talaga utak mo Charles? Nasa pwet o nasa ulo? Nasisiraan ka na ba ng bait? Niloko ka na nga, pinuntahan mo pa." Bwisit na Dylan to. Maka-advice kala mo magaling e. 

"Paano na yan? Galit na galit si Zy kanina. Kulang na lang dumikit yung dalawa niyang kilay." Dinikit ni Aaron ang kilay niya at ginaya si Zyshiee. 

"Hahaha. Sira!" Binato ko siya ng Fries at sinalo niya yun tapos kinain. Kadiri talaga 'to. 

"Humingi ka na lang ng tawad." Napatingin kaming lahat kay Billy. 

"Bro, achievement yan! Nagsasalita ka na! Paamoy nga ng bunganga mo!!" Inalog alog ni Aaron si Billy at nilapit niya ang ilong niya sa bunganga ni Billy pero nilayo ni Billy ang mukha ni Aaron. Lakas talaga makabading nitong kapatid ni Zoe. Kadiri.

 "Gusto ko mag-sorry pero di ko kaya." Inakbayan ako ni Dylan at agad kong tinanggal. Baka kahit sino o ano na lang hinahawakan nitong lalakeng to. 

"Alam mo kung anong gawin mo? Bumili ka ng bulaklak sa labas tapos i-alay mo sakanya. Yung pang patay para kakaiba." Inuuto nanaman ako nitong si Aaron e.

"Bumili ka ng Ferrero Rocher tapos ipakain mo sa akin. Akong bahala." Sabi ni Dylan.

"Lapitan mo at mag-sorry ka na lang." Sabi na man ni Billy. 

"Mga ulol. Umayos nga kayo. Nasa isa kaming room. Hindi ko na man kaya na hindi ako pansinin nung babaeng yun."

"Kung anong pumasok jan sa utak mo." Napaisip ako agad sa sinabi ni Billy. Tsk. Hirap na man niyo. Bwisit! Badtrip!

[ZYSHIEE]

Dapat lang kay Charles yung ginawa ko sakanya! Hmm! Tignan lang natin kung may mukha kang mahaharap sa akin mamaya sa room. Bwisit ka sa buhay. Leche.

"Eww. Look at that girl. Taga K.U siya. Ang cheap na man. Mga walang sense of breeding." Bwisit na Charles kasi yan! Magpapatulong na nga lang mag move-on. Di na man pala kaya. Edi sana di na lang siya nagpatulong diba? 

"Kaya nga girl eh. Ohmygosh. Mukha siyang kawawa." Napalingon ako sa dalawang babae na kanina pa nagbubulong-bulungan pero sinisigurado nila na maririnig ko. T-angina ples!

Tumalikod ako at hinarap silang dalawa, "HOY KAYONG DALAWA!" Napalingon agad sila sa akin. Ngumiti ako at nilapitan sila.

"What do you want from us, Miss?" Tinaasan niya ako ng kilay. ABA!! Mataray itong babaeng to. Subukan natin powers mo. 

"Wala akong kailangan sayo kasi kahit pagkatao niyo kaya kong bilhin." Umikot ako sakanilang dalawa at halatang nanginginig na sila. Sa lahat ba na man kasi ng lugar na pinili nila sa labas lang ng K.U. Taga-AGS siguro tong mga panget na to.

"Oh talaga? Ang cheap cheap mo nga eh." Sabi nung isa na naka-ponytail. Mukha siyang unicorn na panget. 

"Sigurado kang cheap ako?" Tumawa ako ng sarcastic at hinila ang buhok nung babae papasok sa K.U at sinundan siya nung isa niyang kasama.

Nandilim ang paningin ko at agad ko siya sinuntok sa mukha kaya natumba siya. Susugurin na sana ako nung isa niyang kasama pero napansin kong hinawakan siya nung ibang taga-K.U. Nice. 

Umupo ako sa bandang tiyan ng babae at sinuntok suntok ko siya. Tignan lang natin kung sinong cheap ngayon. Naramdaman ko na lang na may humila sa akin patayo at tinignan ko yung babae. Halos naligo na to sa dugo. 

Napansin kong mahigpit yung hawak sa akin nung umawat sa akin kaya nilingon ko to. 

Si Charles. 

Bwisit. Inalis ko ang kamay niya at tinapakan yung babae.

"Sa oras na magpaparinig ka tungkol sa akin o sa school na to. Siguraduhin mong hindi ko maririnig at wag kang makisabay pag badtrip ako." Sinapak ko siya ulit at umalis na ako.

Hindi ako pumasok sa school na to para problemahin si Charles. Bahala siya kung gusto niya mag move on. Wala na akong pakialam sa kanya. Mag sama sila ng Gette niya. 

**

Twitter: MPepperWatty

KINGSTON UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon