CHAPTER 18

1.7K 25 17
                                    

Pagbigyan niyo ho muna ako. Ngayon lang ulit ako mag-au-author's note!

Neko, kahit bully ka salamat sa ginawa mo. Alam mo bang nakakaiyak yun? Minessage ako ni Ate iDangs sa Facebook. Nag-post sa Message Board ko sa Ate Denny a.k.a HaveYouSeenThisGirl tapos sinakop ni asrah028 ang inbox ko at finollow niya ako at naka-skype pa natin siya kagabi.

Alam mo bang nakakatats yun? Ilang months pa lang tayo magkaibigan pero feel ko long-lost bestfriend kita. Problema lang sayo yang detachable mong bangs eh. Nakakainis. HAHAHAHA! Nakakagulat kasi biglang bangs ka. Anong pumasok sa utak mo? 

Tapos yung mga kanta mo sa Skype kagabi. Kanta ka ng kanta ng "Ang ganda ko" ni Sandara. Yung totoo Neko? Asan mo hinugot yang Confidence mo?

Nakakatatlong dedication ka na sa aking babae ka! Yang Operation: Tiara mo, hinihintay ko! Hahaha. 

Yun lang. Loveyou! Patangkad na. 

--

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nasa isang puti akong room. 

"Nasaan ako?" Naramdaman kong mas lalong humigpit yung hawak sa akin ng Ate ko. Andito pala siya.

"Nasa hospital ka, Zy. Nawalan ka kasi ng malay pagkatapos ibato sayo ni Mama yung vase." Naalala ko nanaman yun. Hanggang kelan ba ako sasaktan ni Mama? Kung gusto niya akong patayin. Pwede na man niya siguro akong barilin diba? Hindi yung ganito. Pinapahirapan niya pa ako.

"Ilang araw na ba ako dito? Kailangan ko pang umuwi sa K.U" Sinubukan kong umupo pero hindi ko nakaya kaya nabagsak ako ulit pahiga sa kama.

"Dalawang araw ka nang naka-confine dito. Nakita ko rin yung Phone mo na ang daming tawag mula sa mga kaibigan mo. Maya-maya darating daw sila dito para bisitahin ka." Hinimas-himas na man ni Ate ang ulo ko. Sana siya na lang naging nanay ko. Siguro ang swerte ng magiging pamilya ni Ate. Mabait, Matalino, Maganda at Mayaman. Ano pang hahanapin nila? SIgurado akong masayang pamilya pag nagkataon na mag-aasawa na si Ate.

"Nasaan si Mama?" Nilibot ko ang tingin ko sa Room pero wala akong nakita ni isa sa kanila. 

"Zy, wag mo na silang hanapin. Umalis sila Mama kagabi lang. Kinonsensya ko pero ayaw ata paawat eh. Tama na. Wag mo na silang hanapin." Pinunasan ko na man ulit ang luha ko.

Hanggang kelan ba ako papahirapan ng magulang ko? Si Papa, wala na man siyang pakialam sa akin eh. Spoiled ako sakanya dati pero bakit ganun? Simula nung umalis sila sa ibang bansa dati hindi na niya ako pinapansin. Hindi ko na nga maramdaman ang pagmamahal nila sa akin. Kahit humingi man lang siguro sila nang tawad papatawarin ko na man sila eh.

Napansin kong ang daming maiingay sa labas. Pagbukas ng pinto. Bumungad agad sa akin si Dylan. Ayos na rin to. Atleast gwapong bungad. Kesa sa pagmumukha ni Martha. Nakakasawa na rin.

"Hi Shishi!" Ayun na nga ang sabi ko eh! Kotang-kota na talaga sa akin si Martha. Hanggang kelan ko pa ba makakasama tong bading na to? Tsk.

"Hi Babe! Okay ka lang ba? May masaki-- oww! Ang ulo mo oh!!" Hinipan-hipan na man ni Dylan ang ulo ko. As if na man na mapapagaling agad ako nun diba? 

"Kamusta ka na, Zy? Tagal ka din naming hindi nakikita sa school. Pachill chill ka lang pala dito." Sinamaan ko ng tingin si Jaili. Hanggang kelan ba magsusungit sa akin tong babaeng to?

"Sige, Zy. Uwi muna akong bahay ha? Kukunan lang kita ng gamit. Bukas ka pa raw makakalabas sabi ng doctor eh." Hinalikan ako sa noo ni Ate at nagba-bye na sakanila.

"Sino yun Babe? Pakilala mo na man ako. Chix e." Tamo 'to si Dylan! Kahit kelan ang landi. Babe ng babe sa akin pero lalandiin pa Ate ko. Tsk. Old Abuse din yun oy!

"Ate ko. Sira ulo. Off limits. May shota na yun." Sabi ko sakanya. Nag-pout na man siya at umupo sa tabi ko. Ang cute cute niya. Sarap niyang itapon sa Planetang Mars.

"Dinalhan ka namin ng prutas. Kahit wala kaming puso, kaibigan ka pa rin namin. Kamusta ka na pala, Zy? Ang dami mong galos. Papabelo natin yan! Gosh!" Tumabi na man sakin si Kiana. Kelan pa natuto mag-gosh gosh to?

"Hoy Kiana. Porket nasa hospital ako bawas-bawasan mo yang pag-sama sama mo sa bading na yan" Tinuro ko na man si Martha na busy makipaglandian sa BG. Landi talaga nung bading na yun.

"Wala lang. Nga pala bati na kami ni Eris! Wieee!" Pinalo palo niya ako kaya agad na man siyang nasigawan ni Zoe at Yesha. Teka. May kulang.

"Asan si Sapphire at Daphney?" Tanong ko sakanila. Di ko kasi sila nakikita.

"Nako! Alam mo na man yung dalawang yun. Mga sunog-baga. Naimpluwensyahan ata ni Sapphire tong si Daphney. Andun sila sa labas naninigarilyo." Masapak nga yung dalawang yung pagkalabas ko dito. Ang adik nun eh.

"HOY BG!! DI PA RIN BA KAYO BATI NILA LUKE?!" Napatigil sila kakapalo kay Martha dahil sa tanong ko.

"Kailangan pa ba yun? Tss." Tamo 'tong lalaking to!! Kung kaya ko lang makatayo kanina ko pa sinuntok tong anak-araw na to. Lakas mambadtrip eh!

"Wala na. Di na namin kailangan yun." Sabi ni Aaron. Andito rin pala si Billy. Same old, di pa rin nagsasalita. Nakita ko pa ngang nakatitig kay Eris. May namamagitan ba sa dalawang yun? Tsk. Magka-room mate pa man din yung dalawang yun. Baka kung ano nang kahalayan ginagawa nung dalawang yun. Di na ako magtataka kung balang araw malalaman ko na lang na buntis na tong si Eris.

"Yesha." Napalingon agad sa akin si Yesha at lumapit sa akin. Kausap niya kasi si Zoe at halatang kinikilig.

"Bakit yun? Istorbo na man neto oh." 

"Sabihin mo nga sa akin. Sino yung kalandian mo sa Garden dati?" Napansin kong nanigas siya. Oh bakit? Yun pa nga lang tinatanong ko. Tsk.

"Si.. Si.. D-Drew." Tama nga ang hinala ko. T-angina na man. Wala na ngang utak tong si Yesha. Pinairal pa kabobohan. Labo ng buhay.

"Layuan mo siya." Naningkit na man yung mata niya at tinitigan ako ng masama.

"Anong karapatan mo? Wala kang karapatan pakialaman ang buhay ko, Zy. Wala." Umalis siya sa room ko at napansin siguro ng grupo yun pero isinawalang bahala lang nila.

Ano bang gagawin ko sa babaeng yun? Ako na nga tong may malasakit sakanya. Tsk. 

Kung gusto niya magpakatanga sa lalaking yun. Bahala siya. Siya na nga tong tinutulungan eh.

--

Twitter: @MPepperWatty

KINGSTON UNIVERSITYWhere stories live. Discover now