CHAPTER 29

1.3K 22 2
                                    

"Zy, gising na." Naramadaman kong ina-alog alog ako ni Yesha. Dito pala ako nakatulog sa room nila. Dala na rin siguro ng pagod at sobrang depress. Napansin ko ring ang dami ko nang band-aid at kung anu-ano pa.

"Ang sakit ng katawan ko. Nyemas. Bakit ako nandito?" Tinignan ako ni Yesha at ngumiti. Weird talaga nitong babaeng to.

"May pauso nanaman kasi ang K.U. Rotating rooms daw. Every week. Eh nag-simula kahapon yun. Kaya dito ka na lang muna. Gamitin mo na lang yung kwarto nung kumag na yun. Buti na lang at wala siya dito. Tngna niya!" Napapikit ako sa pag-mura ni Yesha. Bihira lang mag-mura itong babaeng to eh.

"Kayong love birds kayo, nakakadiri. Sinabihan na kita dati Yesha. May masamang balak sayo yang Drew Ocampo na yan. Tsk." Napasimangot naman siya agad sa sinabi ko.

"Oo na. Alam ko na. Ako na yung tanga. Tsk. Kaya mo bang tumayo? Nagpatawag ng meeting si Eris eh. Sa Ssecret Place pa. Ang layo. Tsk." Napasalampak naman siya sa upuan niya at nagmurmur. Kahit kelan pa-cute. Kadiri.

"Hanapin mo nga cellphone ko. Tatawagan ko yung babaeng yun." Tinignan naman ako agad ni Yesha ng masama at sinimangutan ako. Problema nito?

"Duh. Tinapon mo kaya. Tsk. Use my phone na lang." Tinapon niya sa akin ang 5s niya at ni-scan ko ang contacts.

Calling Eris..

[Yes, Yesha?] -_-

"Si Zy 'to. Ano nanamang trip mo? Kita mo na ngang hindi ako makalakad tapos mag-yayaya ka pa ng meeting jan sa Secret Place. Dito na lang sa kwarto ni Yesha. Bilis." Binaba ko na ang tawag at tinapon sa gilid yung cellphone ni Yesha. Wala na mang pakialam 'tong babae sa mga gamit niya eh. Minsanan ko na ring nakita yung isang drawer niya na puno ng gadgets. Puro iPad, Macbook at iPhone na hindi na niya ginagamit. Gastadora kahit kelan. Tsk.

"Haynako magkakalat nanaman yung mga yun dito. Kuha na lang ako ng snacks."  Umalis na si Yesha. Nilibot ko ang mata ko sa kwarto ni Yesha. Simple lang naman ang kwarto ni Yesha. Plain white. Ang sakit sa mata. Buti pa yung akin, girly. Nakakamiss tuloy matulog dun. Nakakamiss si Charles.

Kamusta na kaya siya? Ang sabi kasi ni Anne, di pa daw nagigising si Charles. Ako pa nga sinisi nun eh. Tsk.

Naaalala ko tuloy nung sinabi ko na hindi ko papatulan si Charles. Mamamatay muna ako. Pero anong nangyari? Eto na, kami na. Magpapakamatay na ba ako? Corny mo, Zy. Tigilan mo yan. Bawas-bawasan mo kakasama kay Dylan.

Speaking of Dylan, ano kayang pinakain nun kay Sapphire at bigla pinatulan yun? Kung sabagay pogi naman kasi si Dylan. Isang kagat labi lang at kindat sa iyo niyan tignan natin kung di ka makatili ng sobra jan. Tsk. Buti na lang tumino na yung gagong yun. Si Sapphire lang pala makakapagtino s playboy eh.

"Hi! We're here." Nagulat ako sa pag-litaw ni Martha. Kahit kelan ang ingay ng bading na 'to.

"Alam ko. Di ako bulag. Tsk." Nag-pout naman ang bading.

"You're so bad talaga ever shishi." Nag-roll eyes lang ako sakanya.

"Bakit kayo nagpapatawag ng meeting?" Antok na sabi ni Aaron. Siguro kakagaling lang nito sa tulog. Medyo magulo pa yung buhok eh.

"Tungkol ito kay Charles." Napatingin naman ako agad kay Eris dahil sa sinabi niya. Wag niyang sabihin na hindi mabubuhay si Charles, kahit di pa due date nung doctor ni Charles papa-meet ko sakanya ang tunay na satanas.

"Bakit? Anong nangyari sakanya?!" Tanong ko.

"Kalma lang Zy, di pa patay yung tao." Sabi ni Jaili. Tsk. -_-

"Umayos nga kayo. Seryoso nga, dapat may plano tayong pambawi kay Gette. Andun siya ngayon sa Mansion ng tatay niya. Malamang nagsususumbong na yun." Napaisip agad ako sa sinabi ni Eris. Wala pa ngang balita na nakulong si Gette. Kung sabagay, underage kasi siya. To think na anak siya ng Mafia.

"Daphney, may magagawa ka ba?" Tanong ni Kiana.

"Marami. Ewan ko nga bakit pa kayo nag-aalala. Kahit kelan walang kwenta ang Mafia nila Gette. Babalak na lang ng kidnap mahuhuli rin. Bobo moves kahit kelan."

"Correct ka jan Sister!! Ano na ba balak niyo?" Tanong ni Martha.

"Wala. Hintayin niyo na lang na yung mga tauhan namin ang gumalaw." Sabi ni Daphney. Paminsan nagtataka ako sa babaeng 'to. Ano ba talagang meron sayo?

Nanahimik na lang ako dito sa kinahihigaan ko. Nag-movie marathon pa sila pero di na ako naki-join. Baka ma-bitter lang ako sa mga love birds dun. Si Dylan pasimpleng chansing kay Sapphire eh. Tsk. Manyak pa rin kahit kelan.

Nung naramadaman kong medyo nakakatayo na ako. Tumayo ako at dumiretso sa bathroom ni Yesha. Kumpleto naman ang gamit niya. Makikihiram na rin ako ng damit. Ang layo pa ng room ko sa room dito eh. Pagkatapos kong maligo nag bihis na ako at kinuha yung wallet ko sa gilid.

"Guys, aalis lang ako." Hindi nila ako pinansin at patuloy lang sila sa panonood. Tsk. Bahala nga sila.

"Bahala nga kayo. Tsk." Sabi ko bago ako umalis sa room.

Paglabas ko sa K.U. Napansin kong di ko coding pala ako ngayon. Magtataxi na lang ako. Pumara ako ng taxi at sabi ko sa mall ako pupunta.

Pagkapasok ko sa Mall hinanap ko agad ang iCenter. Nung nakita ko na ang iCenter dumiretso agad ako sa Customer Sevice nila.

"Miss, ano pong gusto niyo?" Ngumiti naman sakin yung babae.

"Dalawang iPhone 5s." Sabi ko.

"Ano pong kulay?" Tanong niya.

"Gold and Gray." Pumunta naman sa Stock Room yung babae at paglabas niya may dala na siyang box. Binigay ko naman sakanya ang Credit Card ko.

Pagkatapos ko sa iCenter magtataxi nanaman ako pauwi sa bahay.

Oo, uuwi ako sa bahay ngayon. Ipapakita ko sa nanay ko kung anong klaseng anak ang pinalaki niya. Kung anong klaseng anak ako.

**

Twitter: @MPepperWatty

Si Dylan nga po pala sa Multimedia Section.

KINGSTON UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon