CHAPTER 24

1.6K 25 5
                                    

Inalis ko ang kamay niya na humihamas sa ulo ko. Kahit masakit ang ulo ko, wala akong pakialam. Ang gusto ko lang umalis sa paningin ko 'tong bwisit na anak-araw na 'to.

"Sabi ko anong ginagawa mo dito?!!" Hindi niya ako sinagot instead ngumiti lang ang g-ago. May gana pa siyang ngumiti.

Humiga pa siya sa kama ko at niyakap ako! ABA! Chansing 'to! Pumayag na nga ako dito sa pagtira sa K.U pero yung chachansingan ako ng ganito!!

"HOY! Ano ba! Wag mo nga akong yakapin! Bwisit 'to!" Aalisin ko na sana yung braso niyang nakayakap sa akin kaso bigla niyang hinigpitan ang yakap niya. Napatalikod tuloy ako. Ang awkward ng position namin ha! Parang nakahigang backhug.

Naramdaman kong siniksik niya ang ulo niya sa may batok ko.

"Ahihi. Nakakakiliti. Anoberr." Bwisit. Nakakakiliti na man kasi.

"Zy." Bwisit. Ano ba 'tong ginagawa ko! Dapat pumapalag ako eh!!

"Kung may kailangan ka pwedeng bitawan mo muna ako?! Di pa tayo bati ano ba!" Pinapalo ko na ang kamay niya pero parang wala lang sakanya. Haynako. Nakakasawa rin pala maging sadista at maging masungit. Pahinga na man ngayon please!

"Sorry kagabi." May parang biglang kumurot sa puso ko. Hindi lang ata puso ko kundi buong katawan ko! Biglang nagflashback mga nangyari kagabi.

Yung pag-iloveyou niya. Yung halik. JUSKOPO!

Bigla kong kinurot ang kamay ni Charles at tumayo ako kaagad.

"Hoy ikaw na anak-araw ka! Bakit mo ako hinalikan kagabi?!!!" Umayos siya ng higa at tinignan ako. Napatingin na man agad ako sa suot niya. Naka-white shirt lang siya at naka-boxers. To think na pareho kaming naka-boxers. Yung binigay niya sa akin.

"Suot mo pala yung binigay ko. Bagay sayo. Hot." Aba! May pa-hot hot pang nalalaman 'to ah! Bwisit na Dylan yun! Masabihan nga si Charles pag bati na kami layuan ng konte si Dylan. Napapasukan ng green stuffs itong utak ni Charles eh.

"Sagutin mo nga kasi ako!!"

"Okay. Tayo na." Napanganga na man ako kaagad sa sinabi niya. Ano daw? -_-

"Anong tayo na? Ha?" Takte. Di ko gets. Pasensya na man.

"Sabi mo sagutin na kita. Edi tayo na. Wala nang bawian yan, Zy ah!" At ngumiti siya ng normal. Ngayon ko lang nakita 'tong ngiting 'to. Nakakawala ng problema ang ngiti ni Charles. Teka. Asan ba panty ko? Baka nalaglag na. Ang pogi. Shet.

"Tss. Mga iniisip mo! Ako yung nililigawan mo. Utot mo. Hindi pa tayo bati." Umupo ako sa bean bag ko at ngumiti ng palihim. Sira ulo na ata ako. Kinikilig ako. Walanghiya.

"Bakit ka nandyan? Lapit ka nga dito. Girlfriend na kita eh." Napatingin na man ako sakanya agad. ABA! Makapal talaga pagmumukha nitong anak-araw na 'to eh!!

"Hoy anong girlfriend?!! Manahimik ka nga jan!!" Tapos nag-cross legs ako at nag-cross arms tapos ini-snob siya. Aba! Kailangan ko rin magpakipot kahit atat na atat na akong sagutin 'tong anak araw na 'to!

Tumayo siya at hinila ako patayo. Mas matangkad ng konte sa akin 'tong si Charles eh. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako.

"Hindi maganda ang ugali mo. Ang gulo gulo mong matulog. Nakakabwisit ang bunganga mo pag umaga. Nakakainis ang mga ginagawa mo. Naiinis ako pag sinasaktan mo ako physically. Nabu-bwisitn ako pag ako lagi ang pinapaluto mo nang makakain natin. Ako pa minsan naglilinis ng kwarto mo. May nakita pa nga akong undergarments eh." Pinalo ko siya ng mahina sa braso niya pero tumawa lang siya. Hindi ko alam na nililinisan niya pala 'tong kwarto ko. "Kahit parang katulong na ako dito masaya ako. Masaya ako kasi nandiyan ka palagi. Kahit na naiinis ako sa ugali mo napapasaya mo ako at the same time. Zy, hindi man ako perpektong lalaki pero sana intindihin mo ako paminsan. Sorry kung hindi ko napigilang halikan ka kagabi. You're so cute and I can't resist the urge. Tulad ngayon kaya pigilan mo ako. Sorry kung ibang pangalan yung nabanggit ko kagabi. Siguro nga hindi pa ako naka-move on pero sinusubukan ko. Kaya nga anjan ka lang diba? Hindi mo ako pinapabayaan. Sa kabila ng lahat ng pinapakita mong pambu-bwisit sa amin napapamahal ka na rin. At tandaan mo. Dito." Tinuro niya yung dibdib niya which is sa heart part. "Napamahal ka na rin."

Niyakap ko siya at ngumiti. Takte. Ang dami-daming sinasabi nitong lalaking 'to. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin. Kainis na man kasi eh!!

"I love you, Zy. I really do."

"Pagmamahal ba talaga yan?" Tanong ko. Imposible na man kasing agad-agad eh.

"Kumbaga sa puno, tumutubo pa lang siya. Hayaan mo magiging puno din 'to at bubunga. Mukha mo ang bunga." Pinalo ko ang likod niya at tumawa. Baliw baliw talaga 'tong si Charles paminsan eh.

Kaso, bigla kaming napatigil sa pag-tawa nang bigla kong napansin na nakabukas pala ang kwarto at nandun si Martha.

"OMAYGOLLINESS! What the hell is happening here?!!" Napahiwalay na man kami agad ni Charles at tinignan si Martha.

"Hoy bading! Napakapakialamera mo talaga eh. Alis ka nga dito. Kita nang naglalambingan pa eh!!" Napangiti na man si Martha. Yung ngiting nakakaloko.

"Kayo ah! Labing labing agad!! Yie. I'm so like kinikilig here. Emegerrd." Tapos pumalakpak pa siya.

"Ano ba?! Bakit ka ba nandito?!" Sigaw ni Charles. Napansin kong nakahawak siya sa bewang ko. Lakas talaga maka-chansing eh.

"Kasi na man po hihiramin ko lang ang kilig moments niyo at ilipat dun sa boylet ni Yesha. Gwapo atengs! Tara na nang masaksihan natin!!" Pumasok si Martha sa kwarto ko at hinila-hila ako. Naalala ko na mang bawal lumabas sa kwarto pag hindi naka-uniform.

"Hoy ano ba! Nasasaktan si Zy. Tsaka hindi mo ba nakikita? Wala pang ligo at amoy laway pa 'tong girlfriend ko. Bitawan mo nga kung ayaw mong bangasan kitang bading ka!" Napabitaw na man agad si Martha at sumimangot. Ang arte talaga ng bading na 'to.

"Maliligo na lang muna ako. Ikaw bading jan ka muna. Landiin mo muna ang boyfriend ko." Pumasok na ako sa kwarto ko kasi nga nahila ako ni Martha palabas ng kwarto ko. Lalaki ata 'tong si Martha eh. Nakaya niya akong hilain palabas. Imba.

Pagkapasok ko sa CR ko inalala ko bigla si Yesha. T-angina. Sakit talaga sa ulo eh. -_- Ipapakilala pa ata sa amin yung boyfriend niya. Ewan ko ba kung boyfriend niya na ba yun. Tsaka nakalimutan ko na ang pangalan at wala akong pakialam.

Ginusto ni Yesha 'to. Binalaan ko na siya. Alam niyo ba kung anong gusto kong gawin? Ang masapak to the moon and back si Gette! Kating-kati na talaga ang kamay ko sa babaeng yun eh. Ang sarap niyang hambalusin. Yung tipong mawawalan siya ng mukha. Yung hindi na siya makakalakad pauwi. Nakakainis. Ang sarap niyang patayin!!

**

Twitter: @MPepperWatty

KINGSTON UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon