CHAPTER 12

1.9K 30 6
                                    

[ERIS]

Kroo kroo. Boring. Boring Boriiiiiing!

Paano ba na man kasi? Hindi ko nakakausap ng matino 'tong si Billy. Mapapanis laway ko sakanya e. 

"Oy Billy. Nagsasalita ka ba talaga?" Napatingin agad siya sa akin. Andito kasi kami ngayon sa living room. Okay na man 'tong Condo namin. Chor! Condo.

Hindi niya ako pinansin at nag-focus siya sa pinapanood niya. Wala na bang bago? Tsk. 

Teka! Baka deaf siya?

"Deaf ka ba, Billy?" Panimula ko ulit. Malay niyo diba? Kaya pala tahimik. 

"Hindi." Wooooooooo! Sa wakas. Nag-salita na rin siya. HAHAHA!!

*ring ring* 

Sinagot ko ang tawag kahit di ko pa nakita kung sinong tumatawag.

"Oh?" 

"ERIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIS!!!!" Bigla kong nilayo ang phone sa tenga ko. Kahit kelan talaga 'tong bading na 'to walang hiya kung maka-sigaw e.

"Umingat ka sa akin pag nakasalubong kitang bakla ka! Sisirain mo pa ata eardrums ko eh." Narinig kong tumawa si Billy. Ang cute. Okay. Tama na ang kilig Eris. Baka san mapunta yan. Hue hue. 

"Si Zyshiee kasi. May ginagawang kababalaghan dito sa Secret Place. Punta ka nga dito. Malapit na ata 'to mabaliw e." 

"Ano nanaman pumasok sa utak niyan?"

"Pumunta ka na lang dito." 

Tinignan ko ang suot ko. Ice lang. Naka-uniform na rin ako. Di kasi pwedeng lumabas or maglakad around the campus kung nakapambahay o naka-panlakad ka. Maliban na lang kung dito lang sa building na to.

"Oy Billy. Tara!" 

"Saan?" Tamo to. Ang tipid talaga sumagot. Tsk.

"Secret place." Ginaya ko lang po. HAHAHA!

"Ge." Okay. Laslas na Eris. Binawian ka. Huhubells. 

[SECRET PLACE]

Pagdating namin. Tahimik na man. Pero magkasama silang naka-upo dun sa isang sulok. May ginagawa. Tsk. Ano 'to? May project? Himala gumawa sila. Pero, wala na mang teacher na pumapasok sa amin. Baka mga baliw na 'to?

"Ano meron?" Tanong ni Billy. Achievement yun! 2 words. HAHAHA!

"Uy. Anjan na pala kayo. Ito kasing si Zyshiee. May ginagawang contract eh. Para daw mapawala yung bisa na bawal daw ma-inlove dito sa Campus. Ewan anong nakain nito e." Sabi ni Yesha. 

Nagkatinginan kami ni Kiana. God! I miss her. Di na man siguro namin kasalanan na manligaw sa amin ang isang lalaki diba? Tsk. Makikipag-bati or what? Medyo nagkasakitan kami ni Kiana e. Hayy.

"Oy Zyshiee. Ano bang pakulo yang gagawin mo?" Tanong ko. Ang dami na kasing bond paper na nagkalat dito sa SP.

"Shh." Tapos nag-sulat nanaman siya uli. Tsk. Ano kayang pumasok sa utak nito?

"Oy ikaw Zy baka na man may nagugustuhan ka na dito sa school?" Napatigil siya sa pagsusulat dahil sa tanong ni Aaron at nag-death glare. Siguro nga. baka may nagugustuhan na siya. Tsktsk.

"WALA NO!!" Pagta-tanggi niya.

"Sus! Denial ka pa. Umamin ka na!! Gusto mo si Charles no? Ayiiiiii!!!" Panunukso ni Zoe kay Zy sabay tusok sa tagiliran. Haha! May point siya. Malay niyo may gusto talaga.

"Aminiiiiiin!" Pandagdag tukso ni Yesha. Ang saya.

"Labidabs mo na ba si Charles? Ayeeeeeee!!!" Dagdag ko. Ang pula ng mukha ni Zy kung alam niyo lang.

"O baka na man may gusto ka sa akin?" Suggest ni Dylan. Kahit kelan makapal talaga 'tong mukha ng pinsan ko e. Paminsan ang sarap niya rin sapakin ng sampo. HAHA! Pero wag na. Sayang gwapo e.

"ISA PA!! MASASAKTAN KO NA TALAGA KAYO!!"

"Shishi! Walang ganyanan. Sayang feslaks ko. Ang beauty ko kung sasaktan mo lang kami. Ohmygosh!" Sabay paypay ni Martin gamit ang kamay niya. Kahit kelan talaga 'tong bading na 'to. May atraso pa 'to sakin e! 

"Wag nga kayo! Ang daya na man kasi. Lahat pwede gawin. Pero ma-inlove hindi pwede? Ano 'to? Sawi yung may ari ng school sa pag-ibig kaya tayo damay din? Tsk. Sapakin ko siya e!" Hahaha! Leche. laughtrip.

Mga medyo isang oras bago siya matapos sa ginagawa niya at bigla siyang tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Sa Principal's Office. Siya na man may ari diba? Ge. Bye!!" Hindi niya hinintay ang sagot namin kasi umalis siya kaagad.

SERYOSO TALAGA SIYA DOON? -______-

[PRINCIPAL'S OFFICE]

"Wag mo na ituloy yan. Baka mapahiya ka lang." Sabi ni Kiana. Hayyy. Makikipagbati rin ako sakanya. Siguro hindi pa sa ngayon. Basta. Tsk.

"Manahimik nga kayo jan! Ge. Pasok na ako!" Tapos ayun na nga. Pumasok na siya. Dito na lang siguro kami sa labas. Medyo wala ata sa katinuan si Zy ngayon e. Haha.

"Sa tingin niyo papayagan siya?" Tanong ni Sapphire. 

"Siguro. May tama na man kasi siya e. May tama sa utak. HAHAHA!!" Langyang Aaron 'to. Nag-mana talaga kay Zoe eh. Parehong sira ulo.

"Bwisit ka talaga Aaron!" Sabi ni Yesha. 

"Mapapahiya lang yan." Sabi ni Charles. 

"Malay niyo papayagan pala siya diba? Hintayin na lang natin." 

"Pero sa tingin niyo may gusto talaga si Zyshiee kay Charles?" Tanong ni Aaron. Napaisip ako.

Posibleng magkagusto si Zyshiee kay Charles. Pero may chance. Kasi magkasama lang sila sa isang condo e. CONDO TAWAG NAMIN DON! DEAL WITH IT.

Napatingin ako kay Charles na nags-soundtrip. Buti na man walang narinig 'to kaya gora lang ang conversation. Haha!

"Meron na man siguro e. Tang*na. Dalaga na si Zyshiee! BWAHAHAHAHA!!" Sabay tawa ni Jaili. Langya. Nakitawa na lang ako. HAHA!

"Pag may gusto talaga si Zyshiee kay Charles at kung sakaling magkatuluyan sila. Gagawa tayo ng Fans Club! ZyRles Shipper!" Pagsa-suggest ni Dylan. Kita mo 'to. Kahit kelan playboy talaga.

"OO NGA! ZYRLES SHIPPEEEEEEEEERSSSS!!" Sabay apir namin. Si Charles, nakapikit na pala. Nyemas. Walang kwenta talaga 'to na lalaki. Paano kaya 'to nagustuhan ni Zyshiee? -_-

Nag-usap usap kami ng mga common things. Kasama na rin namin si Daphney ngayon pero medyo tahimik lang siya. Pareho ata sila ng attitude ni Sapphire e. Pero ang kulang lang sa amin ngayon e si Luke. Talagang imba rin ang pride nung lalaking yun ah? HAHA!

Mga 30 minutes din kami nag-hintay dito sa labas. talagang ganun katagal sila nag-usap. Baka na man may ginagawa silang kababalaghan? Lalaki kasi yung principal namin. Pero medyo matanda na. Yung wala na sa kalendaryo ang lugar niya. Pero gwapo na man. Hue hue. Ang adik ko sa gwapo ge.

Napatayo kami ng lumabas na si Zyshiee.

"Oh ano na? Positive ba?" Agad kong binatukan si Zoe. Sabi sa inyo. Medyo sira din 'to e.

"Ano yan? Nagpa-doktor siya para malaman kung buntis o hindi? Konting utak na man Zoe. Ubos na ubos na ata e." Sabi ko. Medyo hard pero ayos lang yan. Wala na mang personalan sa amin e. Haha.

"Uhmm.."

**

Twitter: @MPepperWatty

KINGSTON UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon