CHAPTER 34

960 25 2
                                    

"Oy Zyshiee? Sama ka? Punta kaming heaven." Andito kami ngayon sa classroom. Kahit iba-iba ang sections namin kumpleto kami ngayon at nakapalibot ang upuan namin. Hindi naman pumapalag yung mga ibang studyante dito kasi alam nila kung anong kaya naming gawin sakanila.

"Umayos ka nga jan Kiana. Zy, sama ka. Punta kaming hell." Agad nabatukan ni Kiana si Aaron. Ewan ko sa inyo.

"Isa ka rin eh!" Kukurutin sana ni Kiana si Aaron nang bigla lumayo si Aaron at pumunta sa likod ni Zoe. Bading ang gago. -_-

"Zoe oh! Si Kiana, sadista." Kumunot agad ang noo ni Zoe. Magkambal talaga sila. Si Zoe ang dali mairita. Si Aaron naman daig pa bading.

"Ewan ko sayo. Wag ka nga jan sa likod ko. Di naman nangangagat yan si Kiana eh. Diba Kinkin?" Kinkin ang tawag ni Zoe kay Kiana. Anong magagawa natin? Mag-bestfriends eh.

Napatingin naman ako kay Kiana at nag-kunwaring parang tigre na may kasamang hand gestures pa.

"Tigre!!" Sigaw ni Aaron.

"Panget!!!" Sigaw naman ni Kiana.

"Tigreng panget!!" -________-

"Ikaw?!! Panget na sobrang panget!!" -________________-

"Hoy?! Ano ba?! Magbabangayan na lang ba kayo mag-damag?! Pag ako napikon sa inyo isasaksak ko 'tong ballpen na hawak ko sa lalamunan niyong dalawa!!" Sigaw ni Sapphire kaya nanahimik yung dalawa. Mas mabuti na ring nasigawan sila ni Sapphire. Wala kasing pumapalag dito sa babaeng 'to. Lalo na si Dylan. Under kay Sapphire. Kawawa naman.

"Babe. Kalma lang." Niyakap ni Dylan si Sapphire at hinalik-halikan ang leeg nito.

"Lalandi niyo. Umalis nga kayo sa harapan ko." Sabi ko.

"Bitter/Pait mo teh!/Uso move on/I'm fallin to pieeeeeces!!!" Agad kumunot ang noo ko sa pangangantyaw nila. Mga wala na ngang utak. Tsk. What am I ever gonna do with you guys?

"Ewan ko sa inyo! Ano ba yang pinagsasasabi niyo na outing?" Sumiryoso naman sila at napalitan ng tuwa ang mukha nila.

"Naudlot kasi yung plano ko dati sister! Kaya ayun ngayon na lang tayo nagkaron ng free time!" Sabi ni Martha.

Tumango naman ako para ipagpatuloy niya yung sinasabi niya. "So ayun nga since wala nang busy sa atin why not ituloy yung naudlot debaaah?" Sabay ngiti niya nang nakakaloko. Alam ko na nasa utak nito. Mga katawan ng lalaki. Tatanda ako ng maaga sakanila.

"Set the date, Martin." Sad ni Eris. Kaya tumango si Martha.

"Okay. Tomorrow, 9am. Sa Lake Sebu." Lake Sebu?! Where the hell is that?

"Asan yun? Sa cebu?" Pinalo naman ni Martha si Jaili sa braso kaya sinamaan ni Jaili si Martha ng tingitn.

"You're so tanga sissy. Sa mindanao yun. Don't worry may bahay naman kami dun tsaka ang lamig kaya. Magpapa-book na ako ng ticket natin today. Okay? Iwan ko muna kayo. Babush!!" At umalis na si Martha ng parang bula.

"Di kaya ma-massacre tayo dun?" Mga sira talaga -_-

"Oo nga. Mindanao yun. Sayang ang kapogi-an ko. Marami pa akong aanakan." Sabi ni Aaron. -_____-

"Tapos lake pa. Paano kung merong crocodile dun? Edi deads tayo?" Sabi naman ni Kiana.

"May tiwala naman ako kay Martha kaya guys okay lang yan. Saka malalaki na tayo for pete's sake." Sabi ni Eris. Sang ayon naman ako sakanya.

KINGSTON UNIVERSITYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora