𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 1

5.5K 84 48
                                    

𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀'𝐒 𝐏𝐎𝐕

    “Oy, thank you, accla. Mami-miss kita.” Sabi ng katrabaho kong si Lanie.

    “Ako rin,” emosyonal na saad ko dahil magsasarado na yung kumpanya na pinapasukan namin dahil wala ng nag-iinvest dito.

    “Ano nang plano mo n’yan?” tanong ni Lanie.

    Huminga ako ng malalim saka sumagot. “Sa totoo lang.. hindi ko pa alam. Ikaw?”

    “Magpapahinga muna ako habang naghihintay ng result ng exam.”

    Napatango ako. Next month na nga pala yung resulta no’n. Nasa ikatlong linggo na kasi kami ng buwan ngayon.

    “Good luck satin, padayon future CPA!” Nakangiting saad ko.

    “Sayo din. Ingat ka palagi ha. See you soon. Keep in touch accla!” Paalam nito na siyang tinanguan ko.

    Mayamaya pa, naghiwalay na kami. Magkaiba kasi kami ng daan pauwi. Sa huling pagkakataon bago ako maglakad, tiningala ko ang mataas na building sa harap ko.

    Thank you for all the learnings.

    I know I’m going to miss it. Yung mga katrabaho ko, yung bondings. I’d been here for almost 2 years as a finance associate after all. Kaya talagang mamimiss ko sila dahil hindi rin sila toxic.

    Sometimes, growth can be found in the small circle of a company.

    Huminga ako ng malalim at nagsimula na akong maglakad palayo dito. Kahapon pa ang last day namin may kailangan lang kami i-turn over sa company kaya kami nandito. Since hapon na at wala na akong trabaho naisipan ko munang maglibot-libot dito sa Cubao at gamit yung last pay ko, naisipan kong kumain muna sa fast food, just to celebrate my day.

    Small wins matter.

    Nag ikot-ikot muna ako sa mall at pagkatapos kong kumain, nag window shopping na rin ako at naglaro sa Arcade. Pagkatapos kong maglaro umupo muna ako sa tabi kung saan walang gaanong tao to think what I am going to do with my life since wala na akong trabaho ngayon.

    Ilang oras rin akong tulala at hindi kumikilos. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Sinubukan ko ng mag apply sa ibang company a month ago pero wala pa silang feedback.

    Gusto kong magpahinga pero hindi pwede kasi marami kaming bayarin.

    Kalilipat lang kasi namin ng bahay dahil na foreclosed na yung bahay namin dahil hindi na namin nabayaran kaya nagri-rent na lang kami ngayon. Inoperahan rin kasi si Mama last month dahil sa myoma niya. Si Papa naman, driver sa isang logistic company na under agency kaya hindi rin sapat yung kinikita niya.

    Kaya dapat makahanap agad ako ng trabaho. Kahit ano basta tuloy-tuloy ang income at marangal.

    Yung dalawa ko kasing kapatid nag-aaral pa mabuti nga at scholar sila sa Clifford Academy kung saan din ako nag-aral nung college ako—na pagmamay ari ng pamilya ng best friend ko. Kaya thankful na kami doon.

    Gusto na rin nilang magtrabaho habang nag-aaral sila pero hindi ako pumayag. Gusto ko mag-focus sila sa pag-aaral nila. Mas mabuti iyon. Kaya pa naman namin. Kaya ko pa naman saka kailangan ko rin sila para mag asikaso kay Mama dahil tatlo lang naman kaming magkakapatid.

    Huminga ako ng malalim saka kinuha yung mini notebook sa tote bag ko. Binuksan ko ito tumambad sa akin ang listahan namin ng utang. Dito nakasulat ang lahat ng pumapasok at lumalabas na pera namin. Nanubig ang mata ko pero pinigilan kong umiyak. Yung ibang gamit namin nakasangla na rin, yung iba natubos na namin, yung iba hindi na.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon