𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 20

2.6K 44 2
                                    

DWIGHT'S POV

To: Kiera Ganda,

Kamusta ka beh? Sinabi ni Tita masama daw pakiramdam mo.

Naghintay ako reply niya sa text ko pero katulad kahapon, wala rin akong nakuhang sagot mula sa kaniya.

Dalawang araw na ang nakakalipas nung malaman ko yung result ng exam niya at hindi rin siya nagpapakita dito sa ospital kaya hinayaan ko lang siya. I think that's her coping mechanism-not to talk to anyone.

Itinuloy ko na ang paglalakad papunta sa room ni Tito nung masalubong ko si Yvonne.

"Dwight," huminto ako dahil tinawag niya ako.

"Hmm?" sagot ko.

"Could we talk now?" Tanong nito at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Sure," ipinasok ko na sa lab coat ko ang cellphone ko. "About what?"

"About the medical mission," mabagal lang ang paglalakad namin. "Pwede bang hindi na ako sumama sa Culion?" muli kaming napatigil sa paglalakad namin saka ko siya tinignan.

"Bakit?" Nagtatakang sagot ko. Nagulat kasi ako sa sinasabi niya. "You're the chief resident, kailangan ka do'n." Tuloy ko.

Huminga ito ng malalim, kaya nagsalita uli ako. "Hindi ka pinayagan ni Drake, kasi alam niyang ako ang makakasama mo?"

Umiling ito. "No, it's just that I don't want the idea of going there, you know, iniiwasan ng ilang doktor at nurses ang lugar na 'yon."

Culion is a leprosy island in Palawan. Also known as an island of no return because people with leprosy are brought there, where they are treated like prisoners because it is not that easy to cure their disease.

Bahagya akong natawa sa dahilan niya, kaya nagsalita ako. "Yvonne, we're doctors and not a judge. Culion is leprosy-free now."

Huminga ito ng malalim at napansin kong masama ang loob niya dahil doon, hindi ko na lang siya pinansin saka nagsalita, "we practice professionally here, but since it was a volunteer event, sige huwag kang sumama kung ayaw mo."

"Are you mad?" Tanong nito. Nag iwas ako ng tingin.

"No," saad ko dahil hindi naman talaga. Wala naman akong pakealam kung sumama siya o hindi, naiinis lang ako kasi pabago bago ang isip niya. Napaisip tuloy ako, either ayaw niya talaga pumunta kasi nga pinandidirian ng iba ang lugar na iyon o pinipigilan lang siya ni Drake dahil alam nitong ako ang makakasama ni Yvonne, "after all, it's your free will. Sa susunod, be sure of your decision na lang and don't let others dictate you."

Pinagmasdan ako nito saka tumango kaya nag iwas ako ng tingin dahil kailangan ko pang pumunta sa room ni Tito Gener to make some test on him nung magsalita siya, "nabanggit ni Alondra yung nangyari sa salon niyo."

Walang emosyong nagbaling ako sa kaniya, "and?"

"She met your girlfriend at yung girlfriend mo daw yung may kasalanan sa nangyari pero si Alondra ang pinagsorry mo.

"So?" sarkatikong natawa ako sa sinabi niya. "My girlfriend didn't mean what happened. It was an accident, and Alondra doesn't have the right to yell at her."

"But she's your friend, hindi mo dapat siya pinagsorry lalo na sa harap ng ibang tao. Napahiya daw siya."

Nawalan ako ng emosyon saka pagak na natawa, "No, she's not my friend, kasi kung kaibigan ko siya bakit pinagtakpan niya yung namamagitan sa inyo ni Drake noon, isa pa kung kaibigan mo siya she won't message your boyfriend that time to be her fubu. Real friends don't do that."

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon