𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 2

4.1K 70 33
                                    

𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀'𝐒 𝐏𝐎𝐕


    Bumaba na ako ng tricycle na sinakyan ko saka nagbayad sa driver. Isang oras rin ang binyahe ko bago ako nakauwi sa amin.

    Huminga muna ako ng malalim at inayos ko muna ang sarili ko saka binuksan ang gate. Naririnig ko na rin ang tahulan ng mga aso namin. Pumasok na ako sa kabahayan at hindi ko ipinahalata na umiyak ako.

    Agad kong nakita ko si Mama na naghahango ng mga sinampay namin kaya tinulungan ko ito.

    “Nand’yan ka na pala,” sabi nito.

    “Opo,” nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng mga sinampay namin. “Ako na po dito, mother.”

    Tumalima naman ito at umupo ito sa upuang kahoy namin. “Kamusta ang lakad mo?”

    Bahagya akong napatigil. Shocks! Nahalata niya ba na umiyak ako?

    “Ayos lang naman po.”

    “Ano na ang plano  mo ngayon?”

    Muli akong kumilos. “Hindi ko pa po alam. Siguro maghahanap na rin po agad ako ng trabaho. Hindi po ako p’wedeng matengga ng matagal. Hindi po tayo mayaman.”

    “Magpahinga ka na muna. H’wag mong biglain. H’wag mong pilitin. Baka maharipan ka.” Nilingon ko si Mama at dahil hawak ko na yung mga damit namin umupo ako sa tabi niya.

    “Kung pwede lang po e,” ngiti ko saka ko inisa isang tiklupin ang mga pangbahay na damit namin.

    Tinulungan rin ako ni Mama. “Pup’wede naman ’yon e. Kapag nakapagpahinga ka na.”

    Muli akong ngumiti. “Thank you, mother.”

    Napakaswerte ko dahil ganito ang magulang ko. Mas inuuna nila yung damdamin ko. Hindi nila sinusumbat na sila ang bumuhay sa akin. Minsan nahihiya pa nga silang manghingi sa akin. Sobrang thankful ko rin kasi kung ano lang ang mabigay ko masaya na sila at never ako tinignan as a retirement plan. Kaya kahit ngayon na marami akong utang, ayos lang ang mahalaga okay sila. Ang mahalaga naoperahan na si Mama.

    Lahat gagawin ko para umayos ang buhay namin dahil ginawa rin nila ang lahat para mapatapos ako ng pag-aaral ko.

    Nung matapos kaming magtiklop tumayo si Mama dahil kailangan niya na daw mamili ng hapunan pero pinaupo ko muna siya uli at kinuha ko yung huling sahod ko sa wallet ko. Sobrang thankful ako kasi hindi nagtagumpay yung magnanakaw kanina na makuha yung pera ko.

    Nagtira lang ako ng four thousand at binigay ko na sa kaniya ang tira.

    “Ma, ito pong five thousand pang gastos natin ngayon, bumili ka na rin po ng gamot mo,” muli akong nagbilang ng sampung libo at inabot sa kaniya. “Ito naman po yung bayad sa mga hiniram natin. Siguro unahin po muna natin yung mga may due date ngayong buwan.”

    Tinanggap niya ito ng nakangiti. “Salamat anak ah. Pasensiya ka na rin wala akong magawa sa buhay natin ngayon.”

    Tumayo ako at niyakap si Mama. “Ano ka ba, mother, mahirap kayang gawing yung trabaho mo. Maging hands on Mama sa amin.”

    Ngumiti ito at niyakap rin ako. “Hayaan mo ipagdadasal kita. Ipagdadasal ko kayo. Alam kong magtatamgumpay kayong mga anak ko sa mga buhay niyo.”

    Ngumiti lang ako habang yakap siya. “Sana nga po.”

    Mayamaya pa, kumawala na ako sa yakap niya. “Sige mother, ilalagay ko na po itong mga damit natin sa drawer.”

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon