𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 31

2.9K 57 77
                                    

KIERA'S POV

Bumalik na ako sa table namin na parang walang nangyari at naabutan kong kausap ni Dwight ang mga kaibigan niya pero agad itong tumigil at binigyan ako ng atensiyon nang makita ako.

Pero hindi siya ang binigyan ko ng atensiyon kundi si Doc Yvonne na umiinom ng wine, mataray na tinignan niya lang ako.

Huminga ako ng malalim at hindi na siya pinansin kahit nakakapikon yung ginawa niya sa akin.

Isusumbong ko siya kay Dwight.

Dwight being gentleman again, ipinaghila niya ako ng upuan para makaupo ako saka nakangiting nagsalita.

"Kinuhaan na kita ng pagkain mo," tumingin ako sa pagkain na nasa pinggan ko.

"Thank you, beh." Sagot ko habang in-emphasize ang endearment namin dahilan para umirap na naman si Doc Yvonne sa hangin at kantiyawan si Dwight ng mga kaibigan niya.

"Beh pa nga," sabi ni Chef Evo habang natatawa.

Tila naguluhan naman si Dwight nung banggitin ko sa kaniya ang salitang iyon dahil alam niyang hindi naman ako palabanggit ng endearment namin na ginawa niya.

Oh, bakit gusto ko lang inisin si Doc Yvonne!

"Welcome.." may pagtataka pa rin sa mukha ni Dwight.

Napaisip tuloy ako. Ano kayang endearment nila Dwight at Doc Yvonne nung sila pa?

Gusto ko sanang malaman kaso nagugutom na ako at alam kong may oras naman para tanungin ang bagay na iyon.

Dahil nagugutom napagdesisyunan ko nang kumain pero bago iyon umusal muna ako ng munting panalangin.

Naramdaman ko pa ang ilang pares ng mata ng mga kalalakihan na naroon na nakatingin sa akin. Muli ring tumayo si Doc Yvonne at umalis sa upuan niya, sinundan pa nga ng tingin ni Dwight iyon e. Pero hindi ko na lang pinansin iyon at kumain na.

"Ang sarap.." hindi ko napigilang hindi magkomento nung matikman ko ang pagkain. Natawa lang naman si Dwight.

"S'yempre, Andrada's cuisine 'yan e." Saad ni Sir Howard.

Nakangiting bumaling lang ako kay Chef Evo na umiinom lang ng wine at nakangiti sa reaksiyon ko.

Andrada's Cuisine is a well-known fine dining restaurant all over the world pero mas kilala sila sa Asya. They are serving different world-class foods-actually, they are the pillar from government functions such as APEC luncheons and presidential fares to cultural events like Miss Universe. Kilalang kilala ang restaurant nila Chef Evo.

"Dati Chef Evo, akala ko eme lang ng mga artista yung sinasabi nila na masarap yung luto n'yo. Hindi pala, kasi masarap talaga s'ya, masarap po ang luto n'yo.." puri ko rito nung malunok ko ang kinakain ko.

"Hindi eme 'yon, masarap talaga s'ya magluto.." napabaling kami kay Ms. Luanne na bumalik na sa upuan niya at tumabi kay Chef Evo, sa akin ito nakangiti at ako ang kinakausap nito na siyang nakapagpasaya sa puso ko. It looks genuine.

Pagkatapos, itinukod nito ang siko sa mesa at nangalumbaba gamit ang isang kamay saka may kislap sa mata na pinagmasdan si Chef Evo saka nagsalita.

"Masarap din.."

Tila nabingi ako nung marinig ko iyon, tama ba nga ba ang narinig ko?

"Dito pa talaga.." si Sir Howard iyon.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Doc Kevin at Dwight.

Nakangiting umiling lang si Chef Evo saka muling sumimsim ng wine at nagsalita. "Thanks to Dad. He trained me to be the best and well-known Chef all over the world."

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon