𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 13

2.8K 55 13
                                    

DWIGHT'S POV

"Iba na talaga mga kaibigan ko. Mga inlababo na." Kantiyaw sa amin ni Von.

"Gago, inlababo mo mukha mo!" Iritableng saad ni Kevin. "Pinapasundo lang siya sa akin ni Mommy para doon na muna siya tumira sa amin."

“Ano? Doon mo na titirahi—” Mabilis kong ipinakain kay Von yung orange na binalatan ko para hindi niya na maituloy ang sasabihin niya. Ganti ko na rin sa kaniya sa ginawa niyang paghalik sa akin kanina.

Alam ko rin kasing magagalit si Kevin kung ituloy ni Von ang sasabihin nito. Maaring siya ay matawa sa humor niya, pero hindi si Kevin.

Minsan talaga walang filter yung bibig ni Von.

"Thank you, bhie." Baling nito sa akin saka uli tumingin kay Kevin. "Parang mas anak pa ni Tita Kendra yung Angeli na 'yon kaysa sa'yo ah."

Natawa ako doon pero hindi ko na lang pinansin iyon at bumalik na sa couch at hinayaan silang mag usap saka ko minessage si Kiera dahil kahit alas dyes na ng gabi, online pa rin ito.

Dwight Hernandez: Gabi na, hindi ka pa natutulog?

Mabilis namang nagreply ito.

Kiera Abrenica: Hindi ako makatulog.

Then another message popped up in our chat box.

Kiera Abrenica: Nga pala, nabasa ko na yung contract.

After that, she sent me a file, so I downloaded it and opened it.

I smiled when I saw her signature.

Binasa ko uli ang mga pinagsasabi ko sa contract.

RULES:

1. No one should know we're just pretending.

2. Act like a real girlfriend in front of her and others.

3. Act like a sweet couple.

4. Make her jealous.

5. Do not entertain other male species.

6. Be open to me if you're not comfortable.

7. No kissing unless it's needed.

8. No cheating, please.

9. Be a good actress.

10. Always be on each other's side.

11. Sex is prohibited.

12. We must not fall for each other.

By the time the agreement is over, I will leave Dwight'd life and return to my old life. So, It is forbidden to fall.

Ganoon rin ang pinirmahan ko kanina bago ko itong ibigay sa kaniya. Nakagat ko ang labi ko saka ko minura ang sarili ko. Tanginang kalokohan kong 'to.

Dwight Hernandez: What are your thoughts then?

Nagreply naman agad siya. Ganito sana yung keyboard warrior. 'Di yung ilang oras bago mag-reply.

Kiera Abrenica: Marami akong tanong about dito at gustong klaruhin. Okay, lang ba?

Hindi na ako nagreply sa kaniya at tinawagan ko na lang ang number niya para mas madali kaming magkaintindihan pero hindi ko nilakasan ang speaker ng cellphone ko dahil hindi pupuwedeng marinig nung dalawang kaibigan ko na nag iinuman sa bar counter ang pag uusapan namin.

"Hello," sabi ko.

"Hi," tila nahihiya nitong sagot. Hindi ko lang pinansin iyon.

"Ano pala yung gusto mong klaruhin?"

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon