𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 7

2.8K 55 7
                                    

DWIGHT'S POV

Alas onse ng umaga natapos ang meeting ko. Naglabasan na rin ang mga doktor sa conference room at nahuli kaming lumabas ni Dr. Argus Alcaraz, our psychiatrist here at HMC.

"What's bothering you?"Tanong niya habang naglalakad kami patungong elevator.

He was my friend and classmate when we were in medical school. So he knows me too.

"I just had a bad dream."Simpleng sagot ko.

"And what kind of a dream?"He asked.

We are now in front of the elevator, waiting for it to open.

I didn't answer it but asked, "What does it mean when you dream about kissing someone you just met?"

Dr. Alcaraz chuckled and said, "Interesting."

Nagbukas na ang elevator at nakita ko si Yvonne na lulan rin non pero wala doon ang atensyon ko, kundi sa magiging sagot niya sa tanong ko.

Doc Argus also noticed Dra. Licauco.

Pumasok na kami sa elevator kasabay ang iba pang nurses at doktor. Agad napuno 'yon, kaya nasiksik kami sa dulo.

Binati ako ng mga doktor at nurses na siyang nginitian ko lang naman.

"Was it rough?" Tanong ni Argus, knowing na nasa likod lang namin si Yvonne, sinadya niyang iparinig 'yon sa ex ko.
Since he knew her-that Yvonne was my ex-girlfriend.

So, yeah, he's teasing me.

Dahil doktor at nurse ang narito hindi ako nagdalawang isip na sumagot dahil open-minded kami dito. And I'm not the kind of doctor who takes all matters seriously.

"Kind of."Sagot ko.

"Then it's good. Why bother?"Argus smirked. "I like it rough."

Natawa ako sa sinabi niya.

Napansin niya rin ang dalawang nurses na nasa unahan namin na pinipigilan ang tawa at kilig dahil naririnig ang usapan namin.

Kinalabit ito ni Argus at biniro. "Tawa kayo ng tawa diyan, ah."

"Hindi naman po Doc."Sagot ng mga ito habang tumatawa saka lumabas ng elevator pagkabukas nito.

Binigyan ko ng daan si Yvonne na hindi ko mabasa ang emosyon-but I know she's curious about what we are talking about.

Dalawang taon naging kami, kaya alam niya rin kung paano ako kumilos when we became intimate, kahit ang mga babaeng naikama ko, alam 'yon.

Lumabas na siya, ganoon rin kami.

"I think gumana naman sa kaniya yung mga pinarinig ko. She looks curious about what we are talking about."Natatawang hinuha ni Argus.

Hindi ko na lang iyon pinansin at namulsa ako saka muli siyang tinanong. "But seriously, what does it mean?"

Naglakad kami papasok ng cafeteria dito sa ground floor para maglunch bago siya sumagot. "Maraming dahilan kung bakit,"

Tumingin ako sa food showcase at namili ng pagkain. Pagkatapos pumila na kami.

May kahabaan ang pila kaya nung makita ako ng mga taga ospital pinauna nila kami pero tumanggi ako.

Naalala ko ang palaging sinasabi ni Mama, 'Laging mong isipin kung anong tama at makakabuti.'

I smiled.

"Sometimes dreaming of someone you just met symbolizes harmony, intimacy, and emotion towards that person,"Sabi nito.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon