𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 42

2.2K 52 86
                                    

𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀'𝐒 𝐏𝐎𝐕

    “Ang ganda naman dito!” sabi ko nung pagmasdan ko ang kabuuan ng isang branch ng beach resort nila Dwight dito sa Siargao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


    “Ang ganda naman dito!” sabi ko nung pagmasdan ko ang kabuuan ng isang branch ng beach resort nila Dwight dito sa Siargao.

    “Mas maganda ka,” akbay sa akin ni Dwight kaya napangiti ako saka sinulyapan si Doc Yvonne na kabababa lang ng Van na naghatid sa amin dito kasunod nito si Luanne.

    Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagbaba ang tingin nito sa kamay ni Dwight na nasa beywang ko na kaya simpleng ngiti lang ang itinugon ko doon at hindi ko alam kung tama ang nakita ko sa mga mata niya na pagsiselos? Katulad ng dati hindi ko na pinansin iyon at inalala yung araw na magkatabi kaming nagising ni Dwight sa kama isang linggo na ang nakakalipas kung saan iniwan na ako nila Dwight matapos naming mag agahan dahil sa kaniya. Bumabalik na naman yung sakit na naramdaman ko nung umagang iyon.

    Sa itsura ni Dwight nung magkita kami matapos ang araw na umalis sila ay mukhang mabigat ang pasaning iyon ni Doc Yvonne. Hindi na ako nagtanong kung anong nangyari at hinayaan ko na lang iyon dahil wala naman akong karapatan but it makes Dwight busy. Mukhang seryosong usapin iyon.

    Pagkatapos niyon at nagpunta na sila Noah at Dwight sa Brazil para samahan si Aulhexa sa concert ni Taylor Swift at nagtagal sila doon ng isang linggo, nung nakaraang araw lang rin sila nakauwi.

    “Thank you dito, beh.” Sabi ko habang suot ang memorabilia shirt ni Taylor Swift kung saan may pirma mismo niya. Pasalubong niya sa akin iyon.

    “You’re welcome beh,” alam kong maling kiligin ako pero kinikilig ako! “It looks good on you, actually,” ngumiti lang ako sa sinabi niya.

    “Dagaaaaat,” napalingon na lang kami kay Angeli na kalalabas lang rin ng Van saka walang pakialam na tumakbo patungo sa pampang at dahil nakatsinelas lang naman siya madali niyang natanggal iyon saka nagbasa sa dagat. She looks cute while playing with the shore. Her happiness is so genuine. I can say she’s a thalassophile; a person who love sea and oceans.

    Natawa lang kami sa kaniya. Kung makikita siguro siya ng ibang tao iisipin nilang isip bata si Angeli kahit pa 28 years na siya pero para sa akin ay hindi siya isip bata kundi may pusong bata kasi siya yung taong hindi ka mahihirapan pakisamahan, she’s easy to go with. Paano ko nasabi? Siya ang kadaldalan ko habang sakay kami ng eroplano papunta dito sa Siargao.

    “Pasensiya na kayo sa kan’ya, she just love the beach.” Sabi ni Haely nung makababa rin siya ng van kasama si Sir Howard na dala ang gamit niya. Nakasunod rin dito si Doc Kevin at Chef Evo.

    “Dati sigurong galunggong ‘yan.” Tawa ni Von nung makababa ito ng Van at matanggal niya ang sunglasses na suot niya. Nakabalik na rin siya galing sa bakasyon niya at kinailangan niya talagang bumalik dahil hindi siya puwedeng mawala lalo na at birthday ni Dwight bukas kaya kami nandito dahil dito namin isi-celebrate ang birthday ni Dwight. 3 days at 2 nights rin kami rito. Si Von rin ang nagpalipad ng private plane nila Dwight na naghatid sa amin sa airport.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon