𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 36

3.5K 65 43
                                    

𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀'𝐒 𝐏𝐎𝐕

    Doc Pogi

    ‘Beh, gusto mong sumabay sa amin maglunch?’

    Napanguso ako sa message ni Dwight. Nakauwi na sila nung nakaraang araw galing sa medical mission nila at katatapos lang ngayon ng meeting nila kasama ang ibang pang doktor.

    Kiera Abrenica

    ‘Hindi na siguro beh, nahihiya ako.’

    Agad itong nag reply. ‘Okay, pasensiya na hindi kita masasabayan kumain may mga pag uusapan pa kasi kami. Eat well. 🤗’

    ‘Oki lang.’ Yon lang at hindi ko na siya ni-replyan.

    Hindi na rin siya nag message.

    “Halika na girl. Let‘s eat. Gutom na ako!” Masayang saad ni May habang dala ang lunch bag  niya.

    Tumango lang ako saka tumayo at kinuha ang lunch bag ko para sabay na kumain sa canteen.

    “Hindi natin makakasabay kumain si Doc Dwight?” Tanong ni May nung makalabas kami ng office at naglakad.

    “Inaaya niya ako kaso tumanggi ako kasi kasama niya yung mga doktor.”

    “Dapat girl pumayag ka na lalo pa at napansin kong close na naman yung mag ex..”

    “Sinong mag ex?”

    Bumagsak ang balikat nito saka umikot ang mata.

    “Si Doc Dwight at Doc Yvonne, hindi mo ba nakita ‘yon simula makabalik sila galing sa medical mission?”

    “Hindi..” hindi ko lang pinansin. Pero alam kong may nagbago kay Dwight pagkabalik nila galing ng medical mission.

    They become close. Nag usap kaya sila?
   
    “Hala s‘ya, maaagaw na lang sa‘yo si Doc Dwight ng hindi mo alam.”

    Napanguso ako sa sinabi niya. “Nasa sa kaniya naman ‘yon kung magpapaagaw siya.”

    “Bakit okay lang sa‘yo?” Tanong niya uli saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

    “Hindi naman okay lang sa‘kin ‘yon pero dahil iyon ang totoo kung umayaw na sa‘kin l, eh di umayaw s‘ya, kung bumalik s‘ya sa ex n‘ya, eh di bumalik s‘ya. Kasi hindi ko naman kontrolado ang lahat.”

    “Hindi ka masasaktan?”

    Natigilan ako sa tanong niya saka sumagot. “Masasaktan pero handa na ako. Inihanda ko na ang sarili ko simula nung mahalin ko s‘ya.”

    Tila naguluhan si May sa sagot ko pero hindi na niya pinansin iyon at pumasok na kami sa canteen saka naghanap ng mauupuan.

    Dahil nagluto ako ng ulam kong afritada si May na lang ang bumili ng ulam sa canteen. Agad rin naman siyang nakabalik kaya umusal ako ng simpleng panalangin.

    “Oh girl, mag gulay ka para may lakas ka kapag iniwan ka.” Tinawanan ko ang sinabi ni May saka niya ako bibigyan ng chopseuy na ulam niya at magkaharap na kumain at nagkwentuhan.
    
    “Girl,” mayamaya pa, nginusuan ako ni May at sinenyasan na lumingon ako sa likuran ko na siyang ginawa ko at nakita ko ang mga doktor na papasok sa canteen. Huling pumasok si Dwight kasama si Doc Yvonne.

    Parang may kumurot sa puso ko nung makita kong nakangiting nag uusap si Dwight at Doc Yvonne at parang may pumisil sa puso ko.

    Pagkatapos nang makarating sila sa uupuan nila ay pinaghila pa ni Dwight ng upuan si Doc Yvonne na siyang ipinagpasalamat nito matapo no‘n nang-aasar na tinignan ako nito saka ngumiti ng nakakapanloko at hindi iyon nakita ni Dwight dahil busy na ito sa pagtanaw sa food showcase na nasa canteen.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon