𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 9

2.8K 57 3
                                    

KIERA'S POV

"Let's make a deal. I will operate your father but you have to pretend as my girlfriend.."

Nakipagtitigan lang ako sa kaniya at hinihintay na bawiin niya yung sinabi niya pero hindi 'yon nangyari.

"Don't worry, I'll pay you rin. I just want to separate my ex girlfriend and her current boyfriend because they don't deserve each other." Dagdag niya. "I want her back."

Seryoso nga siya.

Hindi na siya nagsalita at nakatitig lang siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko. May pakikiusap sa mata nito.

Nag iwas ako ng tingin saka huminga ng malalim dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

Kaya naman muli kong inayos ang medical kit para makaiwas sa kaniya saka ako tumayo ako para ibalik ito sa blood bank specialist. Nagpasalamat ako kaniya na siyang nginitian niya lang.

Pagkatapos no'n ay bumalik na ako ng tahimik sa upuan.

Piskot! Wala nga siyang girlfriend pero gusto niya naman bumalik sa ex-girlfriend niya.

Natawa ako sa isip ko.

"Sorry," paghingi nito ng pasensiya saka nag iwas ng tingin. Tila naguguluhan siya ngayon. "Hindi ko dapat sinabi 'yon."

"Seyoso ka doon?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango ito. Tila nabuhayan ng pag asa. Lasing na nga 'to.

"Don't worry, babayaran rin naman kita. Half a million. Kahit magkano.. name your price." Dagdag pa niya.

Bahagyang napaawang ang bibig ko dahil doon at nainis ako bigla. Bakit pakiramdam ko binibili niya ang prinsipyo ko?

Natahimik ako pero agad rin naman akong nakabawi dahil seryoso siya sa sinasabi niya. "Mahirap yung favor mo. Kahit ano.. huwag lang 'yon at para lang alam mo-I'm priceless."

"Bakit?"

"Kasi hindi puwede.."

Nagtatanong pa sana ito nung may tumawag sa kaniya. Tinignan namin kung sino iyon.

"Thank god you're here, Doc Laurice," Sabi niya saka siya tumayo at hinarap ang doktor na nasa late 50's na.

"What happened to you?" Nag aalalang tanong nito saka siya inamoy. "You're a mess. Let's go to the ER, I'll just put my bag in our call room."

Tumango lang si Dwight kaya naglakad na si Doc Laurice patungo doon sa call room na sinasabi niya.

Nagkatinginan kami ni Dwight pero agad itong nag iwas ng tingin.

"Forget what I said." Walang emosyong sabi niya.

Tumayo ako at tinignan ko lang siya. Napansin ko ang lungkot sa mata niya at panghihina, dahil na rin siguro sa lasing siya at sugatan pa.

I sighed.

Kawawa naman siya,

"Anyway, next week I'm going to operate Tito Gener." Sabi niya.

Tumango ako saka ako napatingin sa braso niya, napuno na kasi ng dugo ang gasa niya.

Agad niya namang napansin na nakatingin ako doon. "Don't worry, I'll be okay by tomorrow. I'll just need to rest."

Sana nga.

Dumating na si Doc Laurice at pinasunod niya na si Dwight. Nagpaalam siya sa akin na siyang tinanguan ko lang.

Pinagmasdan ko siyang maglakad hanggang sa sumakay sila ng elevator.

Ano kayang nangyari sa kaniya?

Napabuntong hininga ako saka hinubad ang jacket ko saka ako naglakad na rin patungong elevator para bumalik na sa room ni Papa.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon