𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 30

3.5K 55 23
                                    

KIERA'S POV

"Oh, sino ka d'yan, girl?" manghang saad ni Aulhexa nung ipaubaya ako sa kaniya ng Kuya niya. "Ang ganda mo!"

Dahil hawak ako nito madali lang sa kaniya na paikutin ako para makita ang buong kabuuan ko.

"Picturan kita Ke!" Sabi nito nung maharap niya ako sa kaniya.

"'Wag na nakakahiya," sagot ko.

"Anong nakakahiya d'yan sa suot mo? Ang ganda nga e kasi bumagay sayo yung damit mo." Itinaas na nito ang cellphone niya at napansin kong pareho kami ng cellphone brand at pati ang kulay. Hindi lang sweet na boyfriend si Dwight, sweet rin siyang Kapatid.

"Ang sexy mo tapos ang puti mo pa. Dali na aura na girl!" utos nito.

"Pano ba?" pakikisakay ko sa kaniya. Inilabas ko ang hita ko slit ko para ma-emphasize pa ganda nito at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko papunta sa likod ng tainga ko. "Ganito ba?"

"Gan'yan nga, girl! Pakita mo kung sino ka!" Tawa ni Aulhexa kaya natawa na rin ako.

"Biglang lingon pose naman girl, then smile." Sinunod ko lang inutos niyang pose.

"Ikaw naman, girl!" Sabi ko naman sa kaniya at nagpalit kami ng pwesto. Hindi ko na kailangang sabihan si Aulhexa mag-pose dahil alam niya na ang gagawin niya kaya natawa lang ako.

Itinaas ko na ang cellphone niya na hawak ko at nilitratuhan siya nung may mapansin ako sa bandang likod niya na hindi kalayuan sa kaniya.

Si Dwight iyon kausap ang isang babaeng maikli ang buhok pero hindi ko makita ang mukha nung babae dahil nakatalikod ito mula sa amin.

Hindi ko rin muna pinansin iyon. Baka business partners lang.

"Main character era!" Sabi ko kay Aulhexa, natawa lang si Aulhexa saka nagsakit ulo pose. Kahit naka simpleng black single shoulder longgown lang ang suot ni Aulhexa, bumagay iyon sa kaniya bigla tuloy akong nahiya kasi agaw pansin pala yung suot ko.

"Venus! Zild!" napatigil naman ako sa pagpi-picture sa kaniya kasi tinawag niya ang pangalan ni Venus at Zild kaya bumaling ako sa likuran ko kung saan nakita ko si Zild at Venus.

"Ke! Aulhexa!" Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nung maingat na tumakbo si Venus-suot ang black turtle neck long gown with high slit-papunta sa amin at niyakap kami. After 5 years nabuo rin kaming trio.

"Kamusta?" Tanong sa amin ni Venus.

"I'm good!" Si Aulhexa iyon.

"Same here!" Sagot ko saka binalingan ang kasama nitong si Zild na gwapong gwapo rin sa suot niyang tuxedo.

"Zild, kamusta?" Hindi sumagot si Zild bagkus umakto itong may hawak na baseball bat at iwinasiwas niya iyon sa amin at agad namang sinalo ni Aulhexa iyon kaya naintindihan ko ang ginagawa nila. Yung trend sa TikTok na aggressive dance challenge.

Naging dahilan rin iyon para makuha namin ang atensiyon ng mga taong naroon kaya agad na sinaway ni Venus si Zild at agad rin itong sumunod ganoon rin si Aulhexa na tinatanaw nila Tita Devy.

Natatawang natahimik kami.

"Para ka talagang baliw," saway ni Venus kay Zild.

Hindi lang pinansin ni Zild iyon at ngumisi lang.

"Sabi ko sa'yo babe nandito si Aulhexa e," bumaling ito sa akin. "At hindi ko inaasahang pati si Kiera."

"Oo nga buti pala sumama ako sa'yo." Sangayon ni Venus.

"Palaban ngayon si Kiera natin ah," biro ni Zild sa akin nung pasadahan niya ako ng tingin.

"Oo nga ang ganda mo girl, sexy pa." Sang ayon ni Venus.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon