𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 16

2.6K 44 6
                                    

KIERA'S POV

Nailang ako nung nakangiting pasadahan ako ng tingin ni Dwight kaya nag iwas ako ng tingin saka nagsalita.

“Sama niyo naman ako sa picture,” sabi ko nalang dahil naabutan ko silang nagpipicture.

“Halika,” sabi ni Dwight, saka ako marahang hinila palapit sa kaniya at muling ibinigay ang cellphone kay Kent. “Pa point-five, Kent,” utos ni Dwight na siyang sinunod ni Kent.

Bigla akong nahiya kay Dwight, kasi ang bango niya.

Nag selfie kami kasama ang pamilya ko. Napangiti ako nung makailang shots kami at aalis na sana ako sa tabi ni Dwight nung magsalita si Kent, “ate, kayong dalawa lang ni Kuya Dwight.”

Dahil nahihiya nga ako kay Dwight, dahil pakiramdam ko amoy cracklings ako. Tumanggi ako na siyang ikinagulat ni Dwight, kaya nagbiro ito. “Papicture ka na sa akin hanggang hindi pa ako sikat.”

Natawa ako sa sinabi niya pero nandoon pa rin ang hiya ko kaya siya na ang gumawa ng paraan, marahan niya akong hinawakan sa balikat ko at idinikit sa kaniya. Wala na akong nagawa kundi ngumiti na lang.

Pagkatapos no‘n kumilos na kami at nagpaalam na kila Mama saka lumabas ng room ni Papa.

“Dwight,” tawag ko sa kaniya habang naglalakad kami. Agad siyang lumingon.

“Hmm?”

“Ayos lang ba ‘tong suot ko?” tanong ko.

Ngumiti lang siya. “Oo naman, ang ganda nga e, ang linis tignan. Simple lang, pero bagay sa‘yo.”

Napangiti ako sa sinabi niyang ‘yon saka nagsalita. “Bagay din sa‘yo ‘yang suot mo.”

Naka white polo shirt with american eagle logo sa kaliwang parte no‘n—lang kasi ito dahilan para makita ko ang biceps niya na nakita ko na rin kagabi pero mas sexy pala iyon sa personal. Kadalasan kasing naka business attire siya dito sa ospital kaya hindi ko madalas makita ‘yon. Pinaresan niya iyon ng navy blue golf shorts at white shoes.

Sumakay na kami ng elevator at pinindot niya ang close button.

Mas lalo tuloy siyang pumogi.

“Mas lalo akong pumogi?” Biro nito.

“Matagal ka naman nang pogi.” Nakangiting sagot ko at ako ang unang lumabas sa kaniya dahil bigla akong nahiya nung sabihin ko ‘yon.

“Ikaw din mas lalo kang gumanda,” sabi naman nito sa akin nung masundan niya ako.

Tinusok ko nga ang tagiliran niya, “bolero.”

Tumawa lang ito at naglakad na kami palabas ng ospital at pumunta sa parking.

“Pansin ko lang hindi ka gaano‘ng nagsusuot ng mamahaling damit?” Sabi ko sa kaniya.

Pinagbuksan ako nito ng pinto ng kotse niya bago nakangiting sumagot. “Dapat ba mamahalin ang mga sinusuot kong damit? Gusto mo ba ‘yon?”

Umiling lang ako kaya tumango na lang siya saka dumiretso sa driver seat pagkatapos tinignan niya kung nakaseat belt na ako at nung makita niyang nakasuot na sa akin iyon, muli siyang ngumiti at nag seat belt na rin

“Ingat sa atin.” Sabi ko bago niya paandarin ang kotse niya.

Tahimik lang kami sa byahe nung mapadaan kami sa isang drive-thru at dahil alam kong hindi na naman siya nag almusal, sinabihan ko muna siya na huminto muna kami doon para umorder.
 
Napalingon ako sa kaniya nung ilabas niya ang wallet niya para sana siya ang magbayad ng inorder namin nung pigilan ko siya.
 
"Ako na, beh." Sabi ko. Ikinagulat niya iyon, pero hinayaan niya na lang ako. Pagkatapos naming makuha ang order namin umalis na rin kami at tumigil sa tabi ng daan para kumain.
 
"Thank you dito." Sabi niya saka kinagat ang burger.
 
"Maliit na bagay lang 'yan kumpara sa mga bagay na ginawa mo para sa amin ng pamilya ko." Ngiti ko saka nagsimula na ring kumain.
 
"Hindi lang kasi ako sanay na babae ang gumagastos para sa akin." Sabi nito nung malunok niya ang kinakain niya.
 
Doon ako nagtaka, "bakit? Hindi ka ba ginagastusan ng ex mo?"
 
Umiling lang ito at nalungkot ako para doon. "Hindi ba dapat sa relationship, give and take?"
 
Tumango ito bago sumagot. "Okay lang naman sa akin 'yon. We, men, are the providers."
 
"And you deserve to be treated right too." Natahimik siya sa sinabi ko saka ako tinitigan at ngumiti siya sa akin.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon