𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 24

2.3K 43 5
                                    

KIERA'S POV

"Ang lamig pala." Sabi ni Dwight pagkalabas niya ng CR. Nakapagbanlaw na ito at nakauwi na rin kami ng hotel.

"Ginusto mo 'yan e." Biro ko sa kaniya saka ako naman ang pumasok ng CR para maligo. Pinauna ko na siya dahil natuyo na siya byahe. Mahirap na magkasakit pa siya gayong malamig ang klima dito.

Madali lang rin naman akong natapos at naabutan ko siyang nagaayos na ng mga camera niya.

"Ang dami nating kuha," sabi ko sa kaniya nung makaupo ako ng kama at nagpatuyo ng buhok.

Tinignan niya ako saka ngumiti pagkatapos binitawan niya ang camera niya saka lumapit sa akin at tahimik na tinulungan ako sa pagpapatuyo ng buhok ko.

Pinigilan ko ang kilig ko dahil sa ginagawa niya. Ang sweet talaga ni crushycakes!

"Thank you," sabi ko nung matapos siya muli lang siyang ngumiti saka ako iniwan at muling inayos ang mga camera niya, kaya naman kinuha ko na ang damit ko sa travel bag ko dahil nakarobe lang ako at napili ko yung dress ko. Nagtataka nga ako bakit may dress ako dito e.

"Si Mama naglagay ng dress dito sa travel bag ko, para saan naman kaya 'to?" bulong ko.

"Bukas mo na lang 'yan isuot beh." Napalingon ako kay Dwight nung sabihin niya iyon.

"Bakit?" tanong ko. Narinig niya pala ang sinabi ko.

"Sa Northern Blossom tayo pupunta bukas, then dadaan tayo ng bagiuo bago tayo umuwi," simpleng sagot niya.

"Northern blossom?"

Tumango ito.

"Sa Atok, Benguet. 3 hours ang byahe no'n mula dito. Maganda do'n parang ikaw." Kindat pa nito.

Nag make face lang ako, kasi kinikilig ako. Giatay. Ngayon lang ako kinilig ng ganito sa buong buhay ko.

Para makaiwas sa kaniya, tumayo na ako para magbihis sa CR at tulad ng sinabi niya, pinalitan ko ang suot ko ng leggings at t-shirt na manipis pinatungan ko rin iyon ng cardigan saka ko iyon. Nung matapos ako lumabas na rin ako.

"Halika na beh," aya niya sa akin. "Kumain muna tayo bago tayo pumunta ng South Park."

Tinanguan ko lang iyon at lumabas na kami para kumain. Napangiti naman ako nung marealized ko na hindi talaga ako ginugutom ni Dwight. Palagi niyang sinisigurado na busog ako pakiramdam ko tuloy hindi na kakasya sa akin yung gown na napili namin nung nakaraan araw.

Akala ko mga pasyente niya lang ang kaya niyang alagaan pati pala ang mga naging girlfriend niya. Paano pa kaya kapag asawa niya na ang inaasikaso niya?

Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain kami kasama sila Mang boy at yung newlywed couple na nakasabay namin kanina sa Bomod-ok falls na siyang nakausap rin pala ni Dwight about sa swapping ng hotel room accommodations namin, si ate Lea at kuya Fred. They're both a 34-year-old couple from Pangasinan.

Napangiti ako kay ate Lea na asikasong asikaso si kuya Fred. Nasa katabing room lang rin namin sila, kaya nakita ko kung gaano kaasikaso si ate Lea.

Ang sweet.

Nakita ko ring pinaghihiwa ni kuya Fred si ate Lea ng steak. Napaisip tuloy ako, kung mag-aasawa ako sana katulad ni kuya Fred.

Napailing ako. Ang bata mo pa para mag-asawa Kiera. Tamad ka pa nga gumising ng maaga paano mo pagsisilbihan yung magiging asawa mo? Hindi ka rin naliligo minsan, hindi mo pa nakukuha yung tamang timpla ng menudo ni Mama.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon