𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 17

2.6K 50 5
                                    

DWIGHT'S POV

 

“Excuse me, Dwight,” pang aasar ni Chastine matapos niya akong batukan.
 
Minsan nakakainis talaga itong si Chastine. Madalas palpak ang entrada. Nandoon na e. Malapit na.
 
Bahagya akong napailing saka umalis sa likod ni Kiera dahil nakaramdam ako ng hiya at naramdaman ko rin na naiilang siya sa akin.
 
“If you’re going to do something romantically here, please get a room, guys,” pabirong sabi pa ni Chastine saka kinuha ang ilang gamit sa cabinet para sa hair treatment. “There’s a table in my office at the etiquette room. You can sex over there. Huwag lang dito and be quiet, please,” dagdag nito. Pagkatapos  ay lumabas na rin siya.
 
Katulad ni Von wala ring filter ang bibig ni Chastine kahit sabihin mong babae siya. She’s bold, and she’s proud. Ganoon talaga siguro kapag laking amerika. Half Spanish at half filipina kasi siya. Chast is my ex-girlfriend from way back when I was in Canada.
 
5 months lang nagtagal ang relasyon namin pero masaya ako na naging girlfriend ko siya bago si Yvonne, dahil she’s true to herself, hindi maarte, she can also finance herself, naghiwalay lang kami dahil I’m too good for her daw that I don’t deserve her and she doesn’t deserve me. I’m a man who believes in marriage—a man who has a date to marry mindset at hindi pa daw siya handa sa seryosohan.

She cheated on me, but okay lang sa akin ‘yon kasi hindi ko rin naman siya nakikita sa future ko. We’re not compatible with each other.
 
Despite the fact that we were exe’s, we became friends. Hindi ko alam kung may boyfriend siya ngayon kasi hindi naman na kami nag uusap since naging girlfriend ko si Yvonne dahil nagkaroon sila ng away dahil masyado ngang vocal at liberated si Chastine—pero mukhang wala dahil hindi niya naman ako hahalikan kung may boyfriend siya. Hindi ko lang sure.
 
Huminga ako ng malalim at hindi ko alam kung paano ba ako aalis doon mabuti na lang at may tumawag sa akin.
 
“Sir Nathan,” ani ng staff kaya napalingon kami doon. “May food delivery po sa labas sa inyo daw po nakapangalan.”
 
Nangunot ang noo ko dahil wala pa naman akong inorder, magsasalita na sana ako nung magsalita si Kiera, “akin po iyon.”
 
Napatango ako sa sinabi ni Kiera at lalabasin ko na sana iyon para ako na ang magbayad nung tumayo siya at inunahan niya ako at siya muli ang nagbayad no’n kaya ako na lang ang nagdala no’n.
 
Napangiti ako dahil doon, pagkatapos humarap siya sa akin saka nagtanong, “saan natin pwedeng kainin 'to?”
 
Ngumuso ako sa isang automatic sliding door kung nasaan ang etiquette and development center na katabi lang rin ng beauty and spa salon ni Mamá.
 
Naglakad na kami papasok doon, pero bago kami pumasok, iniwan muna ni Kiera ang isang paper bag na naglalaman ng pagkain sa reception desk—para daw kay Chastine.
 
Muli akong napangiti. Sa lahat kasi ng naging girlfriend ko si Kiera ang pinaka friendly. Sana nga totoo na lang na girlfriend ko siya.
 
Pumasok na kami sa EDC, may ilang tao doon dahil may lesson si Chastine ngayon, tinignan ko kung sino ang tinuturuan niya nung makilala kong anak iyon ni Senator Delgado.
 
Hindi ko na lang pinansin iyon at naghanap na kami ng mapupwestuhan kung saan kami pwedeng kumain. Dahil may mga tao nga sa EDC iginaya ko na lang si Kiera sa mini office ni Mamá na siyang ikinamangha nito nung makita niya ang lugar.

 Dahil may mga tao nga sa EDC iginaya ko na lang si Kiera sa mini office ni Mamá na siyang ikinamangha nito nung makita niya ang lugar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon