𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 28

2.5K 47 11
                                    

KIERA'S POV

Kasabay ng pagkawala ng bagyo ay ang pag ayos rin ng lagay ni Dwight. Nakauwi na rin siya ng Maynila kahapon matapos ang tatlong araw simula nung makauwi kami sa galing Sagada.

To: Doc Pogi

'Sigurado kang ayos na ang lagay mo?'

Mabilis lang rin itong nag-reply.

'Oo naman. Uy, beh sabay tayong kumain ah. I'm coming. Tapos na ang meeting namin e.'

Napanguso ako dahil do'n.

'Hindi ba maging issue 'yon? Empleyado ako, tapos may ari ka ng ospital.'

'So? Girlfriend naman kita saka 'wag mong isipin ang sasabihin ng mga tao. The truth is no one cares about what's going on our lives. Aapoy lang 'yan saglit tapos mawawala rin. Ang issue, parang siga lang 'yan, namamatay kapag hindi mo na ginagatungan.'

Natawa naman ako sa sinabi niya.

Nakausap na rin ng magulang ko si Dwight dahil nga sinabi kong boyfriend ko na si Dwight, katulad ng ibang magulang pinagsabihan ni Papa si Dwight na umayos at huwag akong lolokohin habang si Mama naman ay tuwang-tuwa, gustong gusto niya para sa akin si Dwight.

"Ay ang laki!" napalingon ako kay May na nasa likuran ko lang tumatawa ito. Si May ang bookkeeper namin dito sa accounting department. Bago lang ako pero masasabi kong mabait siya, siya kasi ang nag-orient sa akin kahapon nung magsimula ako dito.

"Ke, tignan mo 'to," hinila nito ang swivel chair na inuupuan ko patungo sa kaniya at ipinakita sa akin ang tinitignan niya. "Ang laki, nako! Titikman!"

Natawa ako nung ipakita niya ang zoom out picture ni Dwight, nakasando ito at naka sweat short, mukhang kuha iyon nung isang araw na nagbasketball sila ni Von nung nasa Tagaytay pa siya. Ngayon lang siguro in-upload nung kung sino man ang nagpost no'n at tinag si Dwight.

Isi-noom out pa ni May ang picture ni Dwight sa parte ng short nito at para bang tinitignan ang bakas ng pagkalalaki ni Dwight kaya nag iwas ako ng tingin.

"Hala ang laki!" kinikilig pa na sambit nito. I know she's just appreciating Dwight's sex appeal and handsomeness.

"Ang swerte ng girlfriend ni Doc Dwight. Gwapo na, matalino, mabait, mukhang mahaba tapos malaki pa, warak siguro si ate mo girl. Eme!"

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko basta natatawa ako sa lumalabas sa bibig niya.

Hindi rin alam ng mga narito na ako ang girlfriend ni Dwight ngayon. Hindi ko sinasabi kasi hindi naman dapat ipagmalaki 'yon saka nagpapanggap lang naman kami.

"Ikaw Ke, yung boyfriend mo ba malaki rin?"

Nginitian ko lang siya saka iniba ang sagot ko. "Matangkad naman."

"Edi malaki 'yon, masarap ba?" tumatawa pang dagdag nito. Hindi ko na napigilan ang tawa ko.

"Piskot!"

Tumawa lang ito saka itinuloy ang pagtingin sa mga picture ni Dwight bakas rin sa mukha niya ang pagkagusto kay Dwight kaya nakaramdam ako ng konting selos na hindi naman dapat kasi alam kong biro-biro niya lang naman ang bagay na iyon.

"Sino kayang girlfriend nitong si Doc Dwight?"

"Ako," mas naunang gumana ang bibig ko kaysa sa pag-iisip ko kaya nagulat rin ako nung masabi ko iyon. Babawiin ko pa sana iyon pero huli na dahil narinig na iyon ni May.

"Magkakasundo tayo, delulu ka rin e." Pagsasawalang bahala nito.

Naiiling na natawa na lang ako saka hindi na siya pinansin dahil nilinis ko na ang desk ko para ihanda ang baunan ko.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon