𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 23

2.4K 44 1
                                    

DWIGHT'S POV

4 am nung umalis kami sa hotel at sinundo kami ng tour guide namin para pumunta sa first destination namin ngayon araw. Hindi kumpleto ang Sagada trip niyo kung hindi mo iyon mapupuntahan.

Forty-five minutes rin kaming nag-trekking bago nakarating sa Marlboro Hills.

"Oh, at last!" sabi ni Kiera nung makarating kami doon at halata ang pagod sa mukha nito. "Nakakapagod!"

"Pagod ka na?" Hinihingal rin na tanong ko. Tumango lang siya.

Nginisihan ko nga siya, "sumuko ka na."

Umirap lang ito sa hangin saka nagsalita. "Piskot!"

Natawa lang naman ako saka siya inalalayan umupo sa upuang kahoy roon at nag almusal muna kami dahil hindi na kami nakapag almusal sa hotel dahil sinabi naman ni Mang boy-ang tour guide, namin na may almusalan naman dito sa tuktok ng bundok

"Mabuti at kakaunti lang ang tao ngayon." Saad ni Mang boy saka ininom ang kape na binigay ko sa kaniya. Napatango naman ako doon. Kaya laging weekdays ako nagha-hike kapag naisapan kong mag-hike para hindi crowded yung lugar na pupuntahan ko.

Dahil papausbong pa lang ang araw at puno pa ng hamog ang paligid. Isinet up ko na ang tripod ko at inilagay ko ang DSLR ko doon para makuhanan no'n ang sea of clouds saka namin ipinagpatuloy ang pag aalmusal.

"Ang taray vlogger yarn?" Kantiyaw ni Kiera nung makita niya yung ginawa ko doon sa DSLR ko. Natawa lang ako.

"Gusto ko lang kumukuha ng mga pictures and videos para may remembrance ako," sabi ko saka ipinagpatuloy ang pag higop ng kape. "Kasi naniniwala ako na moments come and go, but memories will last forever."

Ngumiti lang siya saka tumango sa sinabi ko.

"Mang boy, saan po kaya ang magandang spot dito para makakuha ng drone shots?" Pagkuwan ay tanong ko kay Mang boy.

"Doon ho, Sir," turo nito sa hilagang bahagi no'n, "Pero mag iingat ho kayo kasi medyo madulas." Tinanguan ko ang sinabi niya.

"Magpapalipad ka ng drone?" Manghang tanong sa akin ni Kiera.

"S'yempre naman." Sabi ko saka binuksan ang rucksack bag ko para kunin ang drone ko. "Hindi kompleto ang hiking ko kapag wala akong drone shots."

"E di ba may place na restricted ang pagkuha ng drone shots?" Muling tanong nito.

"Yes, but Sagada is not included in that. Actually, you can fly a drone anywhere in the Philippines except within 10 kilometers of an airport." Hinarap ko siya at nasa mukha niya ang pag aalala kaya nginitian ko siya. "Don't worry, beh. Aside from being a neurosurgeon and a medical director, I'm also a pilot," biro ko pero binawi ko agad iyon dahil baka seryosohin niya. "License drone pilot."

She just pouted at hindi ko napigilan ang sarili ko na pinisilin ang pisngi niya dahil ang cute niya, sumimangot lang ito.

Pagkatapos tumayo na ako dahil tapos na rin akong mag almusal at nagtungo nga doon sa hilagang bahagi na sinabi ni Mang boy.

Unti-unti nang lumiliwanag kaya isinet-up ko na rin ang mga dapat kong i-set up.

"Saan ka natuto magpalipad ng drone?" tanong ni Kiera nung makalapit siya sa akin.

"Kay Von," sagot ko. "He's a pilot."

"Woah," rinig kong manghang sabi niya at hindi ko alam kung bakit ako nainis doon. "Gusto ko tuloy siyang makilala."

Oo, gusto ko silang magkakilala pero ayoko ng ideya na humahanga siya kay Von dapat sa akin lang.

"Manghang mangha?" Mapait na sabi ko at napansin niya agad iyon.

"Luh," tumawa ito. "Natuwa lang ako kasi piloto pala siya, ano kayang pakiramdam na makita mo yung langit, yung ulap nang malapitan gano'n.."

"'Yon lang pala," umismid ako. "Sabihin mo lang kung kailan mo gusto, kaya rin naman kitang dalhin sa langit kahit hindi ako piloto."

Kumunot ang noo nito sa sinabi ko. Mabuti na lang at mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi kong iyon. Hindi niya na lang rin iyon pinansin at pinanuod na lang ako sa pag aayos ng mga gamit ko.

Binantayan namin ang paglabas ng haring araw at nasa tabi ko siya. Kumukuha na rin siya ng videos mula sa cellphone niya at katulad kahapon nakita kong nasisiyahan siya kaya napangiti ako.

Sana nga masaya talaga siya.

Muli kong itinuon ang mata ko sa unti unting pagpapakita ng haring araw. Mabuti at maganda ang panahon ngayon at hindi umuulan.

Huminga ako ng malalim saka pumikit para mas maramdaman ko ang kaginhawaang dala ng Sagada.

Nakahinga rin.

"Ang ganda," sambit ni Kiera, kaya muli akong nagdilat at nilingon ko siya kaya ko nakita na may ilang butil ng luha ang nakatakas sa mata niya-tears of joy.

Kaya naman inabot ko siya gayong hindi naman siya gaanong malayo sa akin saka siya inakbayan at bahagya akong nagulat nung ipalibot niya ang kaliwang kamay niya sa baywang ko.

"Thank you, kasi sinama mo ako dito," sabi niya habang pinupunasan ang luha niya gamit ang kanang kamay niya.
"Ang ganda pala dito, parang ayoko nang umuwi."

Natawa ako sa sinabi niya saka sumagot. "Ako rin."

Ilang minuto lang kami sa ganoong posisyon at naghiwalay na lang kami nung magsalita si Mang Boy.

"Sir Dwight, kuhanan ko ho kayo ng litrato ng nobya mo." Agad kaming ngumiti ni Kiera sa suhestiyon niya at agad kong ibinigay ang cellphone ko sa kaniya.

Agad rin kaming pumwesto at nagsimula na si Mang boy na kuhaan kami ng litrato. Hindi mawawala ang peace sign, wacky at jumpshot pose.

"Ma'am," tawag ni Mang Boy kay Kiera, "usog ho kayo ng kaunti kay Sir Dwight."

Bago pa siya makagalaw marahan ko na siyang hinila sa baywang at pinalapit sa akin dahilan para magdikit ang katawan namin. Naramdaman kong nagulat siya doon, pero agad rin siyang kumalma.

Muli kaming kinuhanan ni Mang Boy, pagkatapos nagsalita si Kiera. "Mang boy, okay lang po ba kung kuhanan niyo pa ho kami?"

"Opo ma'am," agad na sagot ng huli.

Tinignan ako ni Kiera na ipinagtaka ko saka siya muling nagsalita, "masyado nang common 'yang mga pose natin, ibahin naman natin. Yung pang couple kunwari inlove tayo sa isa't isa."

"Huh?" Hindi niya ako sinagot bagkus tinignan muli si Mang Boy.

"Mang boy, pasuyo po, i-click niyo lang po ng i-click yung camera."

Tumango naman si Mang boy. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi wala akong ideya sa sinasabi ni Kiera na dapat mukha kaming inlove sa isa't isa.

Ngumiti sa akin si Kiera saka ito bahagyang tumingkad at niyakap ako na siyang ikinagulat ko pero sino ba naman ako para hindi ibalik ang pabor sa kaniya.

"Smile," bulong niya na sinunod ko. Pagkatapos bahagyang inilayo niya ang mukha niya sa akin.

Nagtaka naman ako sa kaniya kasi nakangiti lang siya sa akin, doon ko naalala yung sinabi niya kay Mang boy na i-click ng i-click ang camera para magmukhang stolen picture ang kuha namin.

Kaya naman sinabayan ko siya. "Gusto mo pala ng pang prenup picture look, hindi mo agad sinabi."

Natawa lang siya, kaya naman binuhat ko siya na ikinagulat niya.

"Itaas mo yung paa mo." Sambit ko, naguluhan siya, pero sinunod niya iyon. "Then look at me and smile."

Sinunod niya iyon at narinig namin ang muling pag click ng camera na sunod sunod.

Pagkatapos ibinaba ko na siya at aalis na sana siya nung pigilan ko siya at agad kong sinenyasan si Mang boy na mag stay muna sa kinatatayuan niya.

Tinignan lang ako ni Kiera, kaya naman ginawa ko ang rare pose ng mag-couple, hinalikan ko siya sa noo na muling ikinagulat niya.

Pagkatapos umalis na ako sa harapan niya dahil nahiya rin ako sa ginawa ko at pinuntahan na ang nakangiting si Mang boy.

"Salamat po." sabi ko nung i-abot niya sa akin ang cellphone ko.

Sumunod sa akin si Kiera at napangiti lang kami nung tignan namin ang picture namin dahil ang galing kumuha ni Mang boy. May tip ka sa'kin mamaya.

"Bakit may paghalik sa noo?" Kantiyaw ni Kiera sa akin nung makita namin yung huling picture.

Ngumiti lang ako. "Sabi mo di ba dapat mukhang inlove, there, pang FAMAS pa."

Mahina akong pinalo nito sa balikat. "Baliw, kahit naman maganda kuha natin dyan, hindi naman p'wedeng i-upload."

"Why?" tanong ko lang.

"S'yempre," bahagya itong lumapit sa akin saka hininaan ang boses. "Nagpapanggap lang tayo."

Doon ako nagising sa sinabi niya. Bakit ba minsan nakakalimutan ko 'yon?

"As if they will know na nagpapanggap lang tayo, ang sweet kaya natin dito." Sabi ko na lang para makaiwas sa katotohanan na iyon.

May dumaan na emosyon sa mata niya, kaya naman umayos ako at tinignan siya. "'Wag mo muna isipin 'yon, tanggalin mo muna sa isip mo na nagpapanggap lang tayo. Nasa lugar tayo na hindi tayo kilala ng ibang tao. Isa pa nandito tayo para mag-relax at hindi muna isipin ang realidad."

Huminga ito ng malalim saka tumango at ngumiti. Hinawakan ko ang buhok niya saka bahagya itong ginulo.

Muli siyang ngumuso na ikinatawa ko natigil na lang iyon nung may couple na dumaan sa harap namin at mukhang nagtitiktok ito at ginagawa ang couple kiss trend sa Tiktok.

Natawa na lang kami ni Kiera nung makita namin iyon.

"Yung mga trend ngayon pahirap na ng pahirap," tawa ko. "By partner na pala dapat."

Siniko nga ako ni Kiera, kasi baka daw marinig ako nung couple. "Ang cute nga e parang gusto kong gawin."

Mas lumakas ang tawa ko doon.

"Huy, 'wag mo akong tawanan. Piskot! Seryoso ako." Pinigilan ko nga ang tawa ko.

"Kung p'wede lang e." Sabi ko nung kumalma ako. "Papayag ka ba hahalikan kita?" ngisi ko.

"P'wede naman e.." Mabilis na sagot niya na siyang makapagpatigil sa akin. "Pero yung ibang trend," dugtong niya. Hindi ako napagsalita.

"Yung uso rin ngayon na love story trend." Sabi niya. "Yung magbi-video kayong couple sa bawat place na pinupuntahan niyo."

Napaisip ako sa sinasabi niya hanggang sa ipinakita niya na sa akin ang video na dinownload niya daw kahapon sa cellphone niya habang tulog ako at doon ko naintindihan yung sinasabi niyang lovestory trend.

"Sayang naman kung hindi natin gagawin. Marami tayong pupuntahan ngayon di ba?" Tinignan ko siya sa mata at alam ko na ang ibig sabihin ng mga mata niya. Gusto niyang gawin namin iyon.

Napaisip ako. Why, not?

Kahit mahiyain ako sa camera. Hindi ko alam kung bakit napapayag niya ako gamit lang ang mata niya.

"Saan ba tayo pupwesto?" tanong ko sa kaniya kaya agad siyang ngumiti.

Yesterday, I asked her what her prayers would be, and she said she just wanted to be happy, so I want to fulfill that prayer since I also pray for her happiness.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon