𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 38

2.4K 47 31
                                    

𝐘𝐕𝐎𝐍𝐍𝐄'𝐒 𝐏𝐎𝐕

    Huminga ako ng malalim pagkababa ko ng eroplano. After two years nakabalik rin ako at kakabalik ko pa lang pagod na ‘ko.

    “Ingat Doc,” sabi ng mga doktor na kasama ko. Tumango lang ako dahil hindi ko naman sila kilala at wala akong balak kilalanin sila.

    Tumingin ako sa relong pambisig ko. 6:33 PM.

    “So, you‘re back..” napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang walang emosyon na mukha ni Von.

    “Von,” lumapit ito sa akin habang hila ang maleta niya.

    “I was your pilot on your flight,” saad nito nung makahinto siya sa harap ko.

    “I know,” I just said.

    “So, you accepted Uncle Ethan‘s favor to you?” nauuyam na saad nito. “For what?”

    “For work of course,” pagtataray ko. “At para na rin sa utang na loob ko sa kanila dahil tinulungan nila ang Mommy ko.”

    Natatawang napailing ito saka hinawakan ang vape na nakasabit sa leeg niya at inithit iyon pagkatapos ay ibinuga sa akin.

    Agad kong itinaboy ang usok na dala niyon at agad siyang inirapan na ikinatawa niya lang. Lunatic. Kaya hindi nito kasundo si Drake e.

    “Mabuti naman kung gano‘n, pambayad mo na rin sa mga kasalanan mo.”

    I crossed my arms. “Wala akong kasalanan sa inyo.”

    “Two years na ang nakalipas wala ka pa ring character development. You‘re still a brat.”

    “Yes I am,” pagmamalaki ko. “A brat that your friend can’t get over with. The unforgettable ex.”

    “Slash low class, pumapatol sa best friend ng ex mo.”

    Hindi ko pinahalata na naasar ako sa sinabi niya. Fuck him for calling me that.

    “‘Wag mo nang sisirain ang buhay ni Dwight. Mahiya ka naman.”

    Pagak akong natawa. “I don’t understand bakit ba bitter ka? You’re not my ex. Kung naiinis ka sa’kin dahil pinagtakpan ko ang best friend ko, natural ‘yon dahil pinoprotektahan ko lang rin s‘ya at ang career n‘ya sa katulad mong playboy.”

    “Oh, fuck that Yvonne!” Muli itong humithit ng vape. “Proud kunsintidora ka naman pala.”

    Umirap na lang ako sa hangin.

    “Mana ko na lang ang iniisip ko sa ngayon ikaw yung pagiging bitter ko pa rin kamo sa naging relasyon namin ng best friend mo na akala mo maganda.”  Ngisi nito alam kong napipikon na rin siya.

   Naiinis ako sa kaniya dahil hindi naman siya ganiyan dati, magkasundo kami. Bakit ko nga pala kinakausap ‘to?

   Hindi ko na lang siya pinansin at hinawakan ko na ang maleta ko saka hinila para makalayo na sa kaniya at makauwi na sa condo ni Drake. I don’t have time to deal with him ang dami ko nang iniisip at hindi dapat s’ya kasama do’n.

    “Wala kang sundo ‘no? Ang galing kasi ng boyfriend mo nasa kandungan na naman ng iba.” Mas lalo akong nainis sa narinig ko pero hindi ko na siya pinansin at lumayo na sa kaniya.

    Pumara na ako ng taxi saka ako sumakay doon, tahimik lang ako sa byahe dahil sa nalaman ko kay Von.

    Napahawak ako sa sentido ko.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon