𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 19

2.4K 45 14
                                    

KIERA'S POV


Pinagmasdan ko si Dwight na kumaway sa amin at binuhay ang makina ng sasakyan niya para umalis pagkatapos humarap ako kay Mama saka siya agad na niyakap at inilabas ang bagay na kanina ko pa gustong ilabas.

"Anak.." pag aalo sa akin ni Mama may pag aalala sa boses nito.

"Ma.." hindi ko na napigilan ang sarili ko. Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko. "Sorry, ma.. hindi ako pumasa.. sorry po.."

"A-anak.. bakit ka nagso-sorry.." Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at hinarap sa kaniya, "okay lang 'yon, may susunod pa naman."

Ngarag na ang boses ko pero pinilit ko pa ring magsalita, "g-gusto ko na po kasi na mabigyan ko na kayo ng magandang buhay.. sorry ma.."

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko, "mangyayari naman 'yon hindi nga lang siguro ngayon."

"Hindi ko alam kung saan ako nagkamali.. anong hindi ko nagawa.." mas lalong lumakas ang iyak ko kaya sinabihan ako ni Mama na pumasok na kami sa loob bahay at umupo sa sofa.

"Ang tanga ko, Ma.." Iyak lang ako ng iyak at agad niya akong sinaway.

"'Wag mong sabihin 'yan, anak.. ano ka ba.. hindi ka tanga.."

Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko at hindi ko mababago ang result ng exam na iyon, niyakap ko na lang si Mama na siyang tinugon nito.

Mayamaya pa, "'wag mo na munang isipin 'yan, anak. Natural lang na may papasa at hindi papasa sa mga ganiyang exam ang mahalaga magpatuloy ka lang. Makukuha mo rin 'yan. Kung hindi ngayon, baka bukas o 'di kaya sa mga susunod na araw."

Dahil sa sinabi niyang iyon bahagya akong kumalma at bahagyang tumigil ang pag agos ng luha ko.

"Ang mahalaga ngayon, 'nak, maganda ka." Sabi ni mama, "ang ganda mo ngayon ah."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya, "matagal na akong maganda, Ma."

Tumawa lang rin ito at inayos ko na ang sarili ko saka muling nagsalita, "kaso dapat with brain din."

"Beauty and brain ka naman ah. Anak, hindi nasusukat sa isang pagbagsak ang talino ng isang tao, gawin mo na lang inspirasyon yung nangyari ngayon.." sabi ni Mama na siyang ikinangiti ko.

Sa wakas ay kumalma na ako. Pinatigil ko na rin ang sarili ko sa pag iyak, "nga pala Ma, may pinapabigay po pala sa inyo si Dwight."

Tila naguluhan siya nung sabihin ko iyon. Kinuha ko yung mga paper bag na dala namin at ibinigay sa kaniya.

"Naku! Pakisabi kay Dwight, salamat dito." Kita ko ang saya sa mukha ni Mama nung mabuksan niya ang iniabot ko sa kaniyang paper bag. Pagkatapos, ibinigay ko na rin sa kaniya yung para sa dalawa kong kapatid at para kay Papa.

"Nakakahiya naman," sabi ni Mama. "Mukhang mga mahal pa 'tong mga 'to."

"Sobra po Ma, kaso nagpumilit po si Dwight, sabi niya pilian ko rin daw po kayo.."

Napatango si Mama, "napakabait talaga ng batang 'yon 'no?"

Napangiti ako sa sinabi niya saka tumango.

"May pag asa ba siya sa'yo, anak?" Pagkuwan ay tanong niya kaya naguluhan ako.

"Po?"

"Hindi ba nililigawan ka niya?"

"Ah," sagot ko. "Opo."

"Nakikita ko naman na mabuti siyang tao.." Sabi niya at nakita ko sa mata niya na gustong gusto niya para sa akin si Dwight, hindi dahil mayaman si Dwight o may magandang propesyon kundi dahil alam niyang mabuting tao ito. Kaya inasar ko siya.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon