𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 26

2.2K 41 11
                                    

KIERA'S POV

Napanganga lang ako habang nakadungaw sa car window ng sasakyan nila Dwight nung makita ko ang mansyon ng Hernandez.

It was a modern mansion in tagaytay highlands with white and gray exterior color design pansin ko na sila ang may pinakamagandang bahay dito-kadalasan kasi ng mga narito ay countryside house design.

Kahit madilim at umuulan kitang kita ko pa rin ang ganda ng buong lugar saka kung gaano ito kalaki dahil sila lang ang may ganito kalaking bahay dito sa Tagaytay.

Inabot rin ng ilang minuto bago kami makarating sa harap ng pinto ng mansyon nila kung saan may limang pares ng katulong ang naghihintay doon. Isang ginang na sa tingin ko ay ang mayordoma nila at ilang kalalakihang na sa tingin ko ay mga body guard nila.

Mabilis na bumaba si Dwight ng sasakyan at doon lumapit ang lalaking nasa edad singkwento pataas, may dala itong payong.

Sinundan ko ng tingin ang lalaking iyon nung ibigay ni Dwight ang susi dito.

"Kuya Reggie, pasuyo na lang po ng mga dala namin. Salamat." Ani ni Dwight na siyang tinanguan lang ng huli saka mabilis na umikot papunta sa driver seat.

Si Dwight naman ay lumapit sa akin at pinagbuksan ako ng pinto habang hawak ang payong na inabot sa kaniya ni Kuya Reggie pagkatapos ay inakbayan ako para magkasya kami sa payong na iyon dahilan para maramdaman ko ang init ng katawan niya saka kami naglakad.

Sobrang init na ni Dwight.

"Señorito, kamusta na ang pakiramdam mo?" Bakas sa boses ng ginang ang pag aalala nung makarating kami sa harap nito.

"Medyo hindi ho okay," sagot nito. "Nanang si Kiera nga po pala girlfriend ko."

Napalingon ako kay Dwight nung ipakilala niya ako na girlfriend niya. "Ke, si nanang Lolit, ang mayordoma namin."

"Simple lang pero maganda siya," nakangiting baling sa akin ni nanang Lolit. Nahiya naman agad sa sinabi niya kaya hindi ako nakasagot.

"Salamat po," ani ko nung makabawi ako. Muli lang siyang ngumiti.

"Hindi ba sakit ng ulo itong si Nathan?" Natawa naman ako sa biro niya saka sinulyapan si Dwight.

"Hindi ho, good boy po si Dwight." Natawa ang huli saka muling binigyan ng pansin si Dwight.

"Parating na nga pala ang Papá mo," agad na kumabog ang puso ko nung marinig ko iyon. Kumalas rin si Dwight sa pagkakaakbay sa akin hindi dahil nagulat siya kundi kailangan.

"Hindi sinabi sa'kin ni Papá na uuwi siya," walang emosyon na saad ni Dwight habang papasok na kami sa mansyon nila nagkibit balikat lang naman ang ginang.

"Nakahanda na yung pampaligo mo doon, aasikasuhin na kita at napakainit mo," sabi Nanang Lolit na siyang inilingan ni Dwight.

"Hindi na ho nang, sapat na po na nahanda n'yo na po yung kailangan ko, p'wede po bang si Kiera na lang po ang asikasuhin n'yo?" pakiusap niya. Agad namang tumango si Nanang Lolit.

Hinarap ako ni Dwight at naramdaman niya na natatakot ako, "Beh, they're good people. No need to be scared. Tell them anything you need, iiwan muna kita sa kanila."

Dahil nahihiya ako tumingkad ako saka binulungan si Dwight para hindi kami marinig ng mga naroon.

"Natatakot ako. Nandito ako para alagaan ka, para samahan ka kasi akala ko wala kang kasama dito, ang dami mo pa lang kasama dito. Ang daming p'wedeng mag alaga sa'yo."

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon