𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 41

2K 33 23
                                    

𝐘𝐕𝐎𝐍𝐍𝐄'𝐒 𝐏𝐎𝐕

    “Mommy Doc!” Nakita ko ang matamis na pag ngiti ni Noah saka bumitaw kay Dwight at maingat na tumakbo patungo sa akin. Agad ko siyang sinalubong ng yakap, hinigpitan ko pa ang pagyakap  ko sa kaniya dahil hindi ko pa alam kung mauulit pa ito o hindi na lalo na at legally adopted na siya ni Dwight.

    Tinignan ko ang reaksyon ni Kiera at wala iyong emosyon o sadyang magaling lang siya magtago ng emosyon niya o baka naman nasasaktan siya sa nakita niya na ako pa rin ang hanap ni Noah, dapat lang naman dahil ako ang Mommy niya.

    “Can I borrow him for a while?” Namiss ko ang anak ko. Tanong ko kay Dwight at nakita kong bumaling muna ito kay Kiera at nag usap ang mga mata nila. Hindi ko alam ang maramdaman ko nung makita ko iyon dahil para silang mag asawa.

    “I’ll go with you.” Nagulat ako ng sabihin ni Dwight iyon at the same time napangiti ako dahil alam kong napipikon si Kiera.

    Marahang hinila ko na si Noah para dalhin sa office ko.

    “Noah, baby.. how are you?” tanong ko sa anak ko nung mapaupo ko siya sa visitor chair ko.

    He giggled like he love to talk about what happened since I leave him and Dwight pero kulang ang araw para doon.

    “Marami po akong ikukwento sa‘yo Mommy Doc,” simula niya. I can see his eagerness to talk to me mas lalo pa akong napangiti nung tawagin niya akong Mommy Doc.

    I missed that.

    Nagsimula siyang magkwento at pinagmasdan ko lang siya, habang nakikinig ako sa kaniya tinititigan ko rin siya at doon ko napagtanto na maling mali ang ginawa kong pag iwan sa kaniya. Bata lang siya at may sakit pa, wala siyang kasalanan.

     Magkatulad rin sila ng mata ng ama niya na pinili akong iwan dahil may asawa pala ang gagong iyon at kasal ito sa ibang bansa. Paano niya nagawang itago sa akin iyon sa loob ng apat na taon naming pagsasama? Ang tanga ko rin dahil hindi ko nalaman iyon, magaling magtago ang hayop. Nung nalaman niyang buntis ako at sinabi ko sa kaniya, saka ko lang nalaman na may asawa pala siya at inaayos na nila ang relasyon nila dahil buntis na rin ang asawa niya. Balak niya pang ipa-abort si Noah sa akin nung malaman niyang buntis ako kay Noah na siyang hindi ko ginawa dahil mas malaking kasalanan sa diyos iyon kahit pa nga minsang pumasok sa isip ko iyon dahil sa ginawang panloloko ng ex-boyfriend ko dahil sobra akong nasaktan. Buti nakapag isip pa ako kahit papaano.

    After I found out that I’m pregnant I forget all of them. Nakipaghiwalay ako sa ex-boyfriend ko. Pinalabas ko sa mga kaibigan ko o nakakakilala sa akin dito sa pilipinas na uuwi ako sa states ng ilang buwan dahil kailangan ako ng parents ko. Hindi ko pinaalam sa magulang ko para tuloy tuloy ang allowance ko. Lumayo ako sa kanila at pumunta sa lugar kung saan walang nakakakilala sa akin at doon ko ipinagpapatuloy ang pag aaral ko hanggang sa magpa-check up ako one time at nalaman kong may sakit sa puso si Noah.

    Hindi ko na alam ang gagawin ko nung malaman ko iyon kaya sinabi ko na sa magulang ko na nasa ibang bansa nung mga panahon dahil sa negosyo namin, mas mahalaga sa kanila ang negosyo. Napauwi sila ng pilipinas dahil doon kaya umuwi rin ako ng maynila. Sinaktan pa ako ni Daddy nung makita niya ako dahilan para mapaanak ako ng wala sa oras at magalit sa ginawa nila sa akin dahil ganoon pa ang tinrato sa akin kung kailan kailangan na kailangan ko sila.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon