𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 5

2.9K 67 11
                                    

KIERA'S POV

Bumaba na ako ng jeep at naglakad na papasok ng ospital. Binilisan ko na ang paglalakad ko dahil nakakahiya kay Doc Dwight.

As per Klarisse nasa lobby daw sila ng upper ground floor kaya agad akong nagtungo doon.

Pagkasampa ko ng upper ground floor, huminga muna ako ng malalim para ikalma ang sarili ko dahil sobra akong kinakabahan sa resulta ng CT scan ni Papa.

Ang daming pumapasok sa isip ko. Parang sasabog ito.

Mula sa malayo natanaw ko na sila Mama na may kausap na doktor at nakatalikod sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Pero sigurado akong si Doc Dwight 'yon. Pamilyar rin ang pangangatawan nito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa direksyon nila.

"He has a brain abscess due to tooth infection and he needs to undergo a brain surgery as soon as possible."Rinig kong saad ni Doc Dwight.

"Brain surgery?"Reaksyon ko kaya napalingon sa akin si Doc Dwight at bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko ang mukha niya.

"Ate-"Sambit ni Klarisse. Pero hindi ko lang ito pinansin dahil pa rin sa pagkabigla.

Tumayo ito at inilahad ang kamay para makipagkilala na para bang hindi kami nagkasagutan kanina.

"Dr. Nathaniel Dwight Hernandez."Pakilala nito sa sarili niya, nakatulala lang naman ako. "Aulhexa's brother."

Totoo ba? Kuya ni Aulhexa 'tong tukmol na 'to?

Ilang minuto ko pa siyang tinignan, bago ako nakabawi at tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"Kiera,"Pakilala ko. Agad rin akong bumitaw at nag iwas ng tingin dahil naiilang ako.

"Anak, mabuti nandito ka na. May sinasabi si Doc Dwight."Magpag aalalang saad ni Mama.

Tahimik lang ako dahil wala na ako sa konsentrasyon kaya itinuloy niya na ang iba niya pang gustong sabihin.

Muli itong bumaling kay Mama. "Mabuti nga po at naassess ng maaga si Tito Gener kaya nakita agad 'yon."

Sa wakas nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magsalita kahit nanlalambot ang tuhod ko. "Bakit po may brain surgery akong narinig?"

Bumaling ito sa akin nang may pag aalala.

"Kailangan kasi 'yon para mawala ang mga nana sa utak ni Tito, dahil kung hindi, kakalat pa 'yon, puwede siyang macomatose or worst-"Hindi na nito itinuloy ang sasabihin nito dahil naintindihan na agad namin iyon at kitang kita na niya kung paano kami manlambot.

Nakita ko si Mama na nakahawak na sa tuhod niya at nilalabanan ang paglabas ng luha niya pero huli na ang lahat. "Ano ba itong nangyayari sa atin."

Mabuti na lang at katabi ni Mama si Klarisse kaya agad siyang inalo nito.

Dahil ayokong makita siyang nagkakaganon at ayoko ring makita nila akong nanghihina, nagpaalam ako sa kanila.

"Ma, labas po muna ako. Magpapahangin lang."Paalam ko. Hindi ko na rin hinintay ang sagot nila at tumalikod na ako at walang lingon lingon na umalis doon.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon