𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 10

2.8K 53 10
                                    

KIERA'S POV

"Handa ka na ba?" Tanong ni Mama kay Papa habang hawak niya ang kamay nito.

Tumango lang si Papa at ngumiti. "Ikaw handa ka nang makalimutan kita?"

Mahinang tinapik ni Mama ang balikat ni Papa dahil sa biro niyang 'yon.

"Hindi mo ako makakalimutan," Sabi ni Mama.

Muling ngumiti si Papa at hinalikan ang ulo ni Mama.

Napangiti ako. Sana hindi niya malimutan na mahal na mahal namin siya.

Bumaling sa akin si Papa at pinalapit niya ako sa kaniya. Kaming magkakapatid.

Nakakahiya man dahil bago pa lang ako, nagleave na ako sa trabaho ko. Dahil ngayon ang operasyon niya. Pumayag naman si Ma'am Celine dahil sinabi na rin ni Aulhexa.

Isa isa lang kaming tinignan ni Papa at kinabisado ang mukha namin habang nakangiti.

Mayamaya pa, nanghingi ito ng yakap mula sa amin na siyang unang ibinigay ni Kent at Klarisse. Dahil hindi ko na rin kinaya at ako ang pinakamalapit kay Papa, dahil ako ang panganay, hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak sa harap nila.

Inalo lang ako ni Mama.

"Huwag kayong magsi-iyak." Sabi ni Papa. "Hindi naman ako mamamatay, magaling si Doc Dwight 'di ba?"

Hindi naman 'yon ang iniiyak namin kundi yung posibilidad na mawala ang alaala niya sa amin.

"Huwag mong kakalimutan yung maganda mong anak." Biro ko sa kaniya kahit na sumisinghot na ako.

Natawa ito at umiling saka muling ngumiti. "Sinabi ko sa inyo, maaring makalimot ang isipan ko, pero hindi ang puso ko."

Mas lalo naming hinigpitan ang yakap namin sa kaniya habang hinihiling sa diyos na sana huwag mawala ang alaala niya.

Mayamaya pa, napatigil kami dahil may kumatok sa pintuan ng room ni Papa at pumasok si nurse Jessa, kaya kumalas kami sa pagkakayakap kay Papa.

"Good morning po." Nakangiting saad nito nung makalapit kay Papa. "Pasensiya na po kung nakaabala po ako."

"Hindi naman ho," Sagot ni Mama, habang nagpupunas ng luha.

Ngumiti lang ito at bumaling kay Papa. "Nandito po ako para sabihin na ipapasok ko na po kayo sa OR."

Tumango si Papa saka nagsalita. "Pero gusto ko muna sanang makausap si Doc Dwight, kung pupuwede."

"Pasensiya na po Sir, parating pa lang po si Doc Dwight pero ibinilin niya po kayo sa amin na asikasuhin na po kayo." Paumanhin ni nurse Jessa.

"Ganoon ba?" Tila dismayadong sabi ni Papa.

"Na-explain na rin po sa inyo ni Doc Dwight yung gagawin sa inyo ano ho?" Sabi ni nurse Jessa na siyang tinanguan ni Papa.

"Handa na po kayo?" Bumaling si Papa sa amin saka sumagot na handa na siya.

"Kaya niyo po 'yan Sir, nandiyan ang diyos at si Doc Dwight, hindi po nila kayo pababayaan."

Napangiti ako sa sinabi ni nurse Jessa, kaya bumaling ako kay Papa at nginitian siya.

"Kaya natin 'to, Papa." Sabi ko. Ngumiti si Papa at muli kaming nagyakapan bago siya dalhin sa OR.

Mayamaya pa, nagsimula nang pangunahan ni nurse Jessa ang pag assist kay Papa para madala na nila ito sa OR pagkatapos nung nasa harap na kami ng labas ng OR, nagsalita ako. "Ma, punta po muna ako ng chapel."

Huminga ng malalim si Mama saka sumagot. "Sige. Ako, dito na muna ako."

"Dito na lang rin muna kami, Ate." Sali ni Klarisse na siyang tinanguan ko. Maganda na rin na may kasama si Mama.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon