𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 18

2.6K 45 28
                                    

KIERA'S POV

Mabilis na tinapos ni Dwight ang pagkain niya, nakatulong rin yung pinaghimay ko siya ng hipon. Sinabihan ko kasi siya na humanap muna kami ng makakainan bago kami pumasok sa Enchanted Kingdom dahil gabi na rin, para busog kami at hindi lalamya lamya kapag nagrides na kami.

Luckily, nakahanap naman kami ng tapsilugan at palutuan ng mga filipino dishes, umorder kami ng sinigang na hipon at nalaman ko na paborito niya iyon. Oo ako pa rin ang gumastos no'n kasi walang wala pa iyon sa mga bagay na ibinigay sa akin ni Dwight ngayon.

Pinagmasdan ko siyang bumili ng ticket. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan at natutuwa ako na nakikita ko siyang masaya kaya naman palihim ko siyang kinuhaan ng picture.

Napangiti ako. Kahit sa picture, ang pogi niya.

"Tara na, beh!" excited na sabi niya saka ako marahang hinila papasok ng EK. Nagpatianod lang ako sa kaniya habang natatawa.

"Mamaya na tayo mag extreme rides kapag pauwi na, kasi sasakay tayo do'n oh." turo niya sa jungle log jam.

"Naku! Sa totoo lang Dwight, takot ako sa mga extreme rides, ferris lang ang sinasakyan ko." sabi ko.

Nakita kong nalungkot siya. "Gano'n?"

Tumango ako saka nagkibit balikat.

"Kasama mo naman ako e, hindi ko hahayaan na mahulog ka sa iba." natawa ako sa sinabi niya pero umiling ako. Takot kasi talaga ako sa mga extreme rides.

He pouted then nodded, "Sige, ako na lang mag isa, pero saan mo gustong sumakay muna?"

Natutuwa ako dahil hindi siya nagpumilit, pero at the same time nalungkot din ako dahil siya lang mag isa ang sasakay sa mga rides.

Inilibot ko ang paningin ko saka ko tinuro ang carousel na siyang tinanguan niya, dahil weekends, maraming tao kaya pumila kami. 15 minutes rin kaming pumila doon.

"Akin yung red horse," natawa ako sa sinabi niya habang tinuturo yung isang kabayo doon.

Sumampa na kami doon at dahil mataas ang pagsasakyan ko, binuhat niya ako dahilan para maagaw namin ang atensiyon ng mga tao roon. May ilang tumili, pero hindi lang namin pinansin iyon.

Nung makasakay ako, sumakay na rin siya at habang umaandar iyon, kinukuhaan niya ako ng picture at nagpicture din kami.

Pagkatapos naming magcarousel pumila na rin agad kami sa wheel of fate at sumakay doon.

Magkaharapan kami ni Dwight dahil doon ako komportable, kinuhaan niya ako ng picture at video. Ginawa ko rin iyon sa kaniya. Pagkatapos vinideohan ko na rin ang paglubog ng haring araw nung magsalita si Dwight pambawas na rin sa kaba na nararamdaman ko.

"Sabi nila, kapag sumakay ka daw sa ferris wheel, tapos huminto sa pinakatuktok, magkikiss daw dapat para hindi na maghiwalay."

Natawa ako sa sinabi niya. "Saan mo na naman nalaman 'yan?"

Nag iwas ito ng tingin saka tumawa, "narinig ko lang."

Natawa lang ako, pero agad na natigil iyon nung biglang huminto yung sinasakyan namin sa pinakatuktok.

Napatingin ako sa ibaba at agad akong nalula. Sumikip ang paghinga ko at pinasok ng takot ang dibdib ko na agad namang napansin ni Dwight, kaya bahagya siyang lumapit sa akin at tumabi ng upo dahilan para kumalma ako.

Napapikit ako dahil sa takot. Bakit nagkakaroon ng aberya ngayon, hindi na talaga ako uulit.

Hinawakan ko nga si Dwight.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon