𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 35

3.1K 65 40
                                    

𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀‘𝐒 𝐏𝐎𝐕

    “Natulog lang kayo? Pinagluto lang n‘ya kayo?” Usisa ni May sa akin nung matapos kong ikwento yung naging buong rest day ko kasama si Dwight at Noah habang naglalakad kami palabas ng ospital dahil out na namin.

    “Oo, masaya nga e kasi napaka masunuring bata ni Noah.” Ngiti ko.

   Kumurap-kurap si May. “Anong masaya  do‘n?”

    “Na nag-bonding kami.” Simpleng sagot ko.

    “Hindi man lang kayo nagkainan?”

    “Kumain nga kami, sabi ko nga ‘di ba ang sarap magluto ni Dwight.” Lumapad ang ngiti ko dahil iyon ang totoo. He‘s really independent.

    She looked at me flatly. “Hindi ‘yon ang kainan na sinasabi ko.”

    Napahinto kami para mag-abang ng jeep.

    “Eh, ano pala?”

    Bumagsak ang balikat nito sa tanong ko.

    “Ang inosente mo girl, samantalang nagkainan na kayo. Kung nag-sex ba kayo! ‘Yon ang ibig kong sabihin.”

    “Uy, pinagsasabi mo.” Gulat na saad ko, nag init din ang pisngi ko.

    Grabe talaga ‘tong babae na ‘to.

    “So, hindi kayo nag-sex?”

    Umikot lang ang mata ko. “Hindi nga.”

    “Kawawang Doc Dwight, ‘di mo man lang pinabaunan,” natawa ako sa sinabi niya.

    “Affected ka masyado girl,” sabi ko saka kami sumakay ng jeep nung may tumigil sa harapan namin.

    “It‘s not being affected it‘s about consideration. Hindi mo ba ma-mimiss ang jowa mo? Two days din s‘yang nasa medical mission.” Inabot ko ang bayad ko sa kaniya na pinasuyo niya rin sa ibang pasahero. “Hindi mo man lang s‘ya hinayaang makapagdilig at makapag-araro.”

    Nilakihan ko siya ng mata dahil ang lakas ng boses niya nakakahiya sa mga nakakarinig, baka anong isipin nila.

    “Totoo naman girl, saka hindi ka ba  natatakot? Magkasama si Doc Yvonne at Doc Dwight s‘yempre may time na makakapag usap sila dahil wala rin namang ka-close na doktor si Doc Yvonne do‘n kundi yung jowa mo lang.”

    Bahagya kong nayakap ang tote bag ko dahil may katotohanan ang sinasabi niya. Pero naisip ko wala namang masama na mag usap yung dalawa.

    At the same time parang may kumukurot sa puso ko dahil sa sinabi ni May lalo na‘t walang messages o chat sa akin si Dwight magmula kaninang umaga.

    “Ay, basta hayaan na lang natin sila.” Sabi ko na lang.

    “Ang bait mo talagang girlfriend. Di na lang ako mag-talk, hindi malabong magkalapit uli si Doc Dwight at si Doc Yvonne.” Sarkastikong sagot niya lang.

    Pagkatapos nag usap lang kami tungkol sa iba pang bagay hanggang sa bumaba na kami ng jeep at maghiwalay kami sa MRT station.

    Uuwi muna ako ng bahay para kumuha ng kaunting gamit namin hanggang sa makalabas si Papa ng ospital.

    Naglakad lang ako paakyat ng MRT saka bumili ng card at hinintay ang tren habang nagsi-cellphone.

    Nanunuod lang ako ng videos at nung dumating ang tren sumakay na ako. Siksikan man doon ay nakaupo pa rin ako dahil may tumayo na babae para bumaba sa susunod na istasyon.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon