𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 29

2.4K 40 13
                                    

KIERA'S POV

Napangiti ako nung mahawakan ko ang bouquet of red roses na pinabigay daw sa akin ni Dwight. Agad na sumaya ang puso ko kasi bukod kay Papa may ibang lalake na rin na nagbibigay sa akin ng ganito kagandang bulaklak.

Inamoy ko ito at binasa ang sulat na naroon sa maliit na papel kasama no'n.

'Just like these beautiful red roses I picked from Mom's garden, may your lips be red and be beautiful like them kahit maganda ka naman na talaga. Nag pick up lines pa 'ko. Ang cringe! XD

Hope you like it. Enjoy this day, beh.'

Natawa naman ako sa sinabi niya sa sulat pero mas natawa ako sa penmanship niya. Doctor talaga siya ang panget ng sulat e.

Itinabi ko ma muna iyon at huminga ako ng malalim saka tumingin sa salamin na nasa hotel room dahil dumating na ang araw ng birthday ng best friend ni Dwight.

"You look wonderful," saad sa akin ng personal make up artist ni Tita Devy na nagngangalang Lira-na nasa tabi ko matapos niya akong make upan.

"Thank you po," nagpasalamat na saad ko.

"Your welcome," simpleng sagot lang nito saka ako muling sinulyapan sa salamin. " Anyway, I need to go to the misses to assist them. If you don't mind me going now?" nagmamadaling saad nito.

Tumango lang ako at hindi na uli ako nakapagpasalamat dahil umalis na ito.

I pouted.

Natawa na lang ako saka muling tumingin sa salamin.

"Oh, sino ka d'yan girl!" Pagkausap ko sa sarili ko. Hindi ako mukhang bruha ngayon. Umikot ako saka kinikilig na muling tingin sa salamin at nagmirror shot.

"Gwapa kaayo ka!" muling salita ko. Ang ganda ganda ko!

Nag picture picture pa ako doon at pagkatapos isinend ko iyon sa GC namin ng pamilya ko.

Mother Earth : Aba! Ang ganda ng anak ko. Di ko nakilala. Pwede na pang miss universe! 😍

Natawa ako sa sinabi ni Mama. Nagreply nga ako.

Ganda : Mana sayo Ma. 🥰

Klay : Ganda ate. Mine yung gown after ng event. 😍

Kent : Ang ganda naman ng ate ko na 'yan, penge pera 'te para mas lalo kang gumanda sa paningin ko. 🧛

Natawa ako sa mga reply ng kapatid ko saka nag sad emoji sa chat ni Kent at hindi na nag-reply dahil kailangan ko ng pumunta sa event hall ng hotel dahil late na kaming dumating ni Dwight dahil na traffic kami kanina.

Hindi na kami sabay pupunta ni Dwight sa event hall dahil nandoon na siya dahil kailangan niya nang mauna doon para samahan si Tito Ethan para pag usapan ang negosyo nila kasama ang ibang negosyante, siguro gano'n talaga kapag event ng mayayaman.

Ayos na rin naman sa akin iyon para surprise kapag nakita niya na ako.

Ano kayang magiging reaksyon ni Dwight? Magagandahan kaya siya sa'kin? Ano rin kaya ang itsura niya ngayon? Siguro mas pumogi siya ngayon.

Namula ang pisngi ko.Excited na akong magkita kami.

Hindi ko alam ang itsura niya dahil dito na rin siya nagbihis sa hotel. Hindi rin siya nagsend ng picture niya sakin.

Sa huling pagkakataon muli akong bumaling sa salamin na naroon, ang simple lang ng black sexy scoop neck mermaid prom with high slit dress ko pero hapit na hapit ang hubog ng katawan ko. Bahagya ring nakalabas ang pisngi ng dibdib ko at ito rin ang unang beses na nagsuot ako ng ganito kagandang damit kaya gandang-ganda ako sa sarili ko ngayon.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon