𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 11

2.6K 68 7
                                    

KIERA'S POV

"Thanks," Sabi ni Dwight nung tanggapin niya ang kape na ibinigay ko sa kaniya. Nginitian ko lang naman siya.

Tagumpay ang naging operasyon ni Papa, pero hindi pa siya nagigising dahil sa anesthesia, pero baka mayamaya daw ay magising na rin ito.

"Thank you." Sabi ko kay Dwight. Uminom muna ito ng kape bago nagsalita.

"Wala 'yon," then stopped, when he remembered something. "Ano nga pala yung sasabihin mo?"

Ngumiti ako nung maalala ko 'yon, hindi na kasi kami nakapag usap pagkatapos ng operasyon niya dahil kailangan niya daw umattend ng meeting nila para sa medical mission nila next first week of the month.

Hindi ko na nga rin naipakilala si Daero sa kaniya kasi may kailangan pa daw siyang gawin at dumaan lang siya para kamustahin si Papa.

"Tungkol sa-"

"Ate! Si Papa, gising na!" Naputol ang sasabihin ko sa kaniya nung marinig namin si Kent kaya agad kaming nagtungo sa gilid ng hospital bed ni Papa.

"Salamat sa diyos at gising ka na." Nag aalala pa ring sabi ni Mama.

Nakatingin lang si Papa sa kisame.

"Hello po, Tito. Ako po si Doc Dwight, yung nag opera po sa inyo." Sali ni Dwight, "nandito po kayo sa ospital." Paliwanag pa ni Dwight nung hindi pa ring tumutugon si Papa.

"Dwight, anong nangyari? Bakit hindi nagsasalita ang Tito mo?" Tanong ni Mama.

Huminga ng malalim si Dwight saka sumagot. "Nagkaroon po si Tito ng aphasia, madalas po talaga mangyare 'yon sa mga pasyenteng naoperahan yung left side ng utak."

Nakaramdam ako ng lungkot. Kasi alam ko na ang nangyari kung bakit hindi nagri-response sa amin si Papa. Hindi niya kami maalala, nawala na ang memorya niya.

"Tito, naiintindihan niyo po ba kami? Tumango po kayo kung oo." Pagkausap ni Dwight kay Papa.

Mabagal lang naman ang naging pagtango nito.

Muling bumaling si Dwight kay Mama. "Broca's aphasia po ang nangyari kay Tito kung saan naiintindihan niya po tayo pero nahihirapan siyang magsalita."

"Dwight, pang matagalan ba 'yon o hindi naman?" Tanong ko.

Bumaling siya sa akin, "Depende. Puwedeng long term, puwedeng short term lang."

Huminga ako ng malalim.

"S-sino kayo." Bakas kay Papa na nahihirapan siyang magsalita. Halos tumigil ang hininga ko nung tanungin niya kami ng gano'n.

Nag iwas ako ng tingin para hindi nila makita ang nagbabadyang luha sa mata ko. Nakalimutan niya na kami.

Walang sumagot sa tanong ni Papa, kaya si Dwight ang gumawa no'n. Lumapit si Dwight kay Mama, at inalo ito saka ngumiti bago tumingin kay Papa. "Ito po ang asawa niyo, si Tita Klaire, you're so lucky to have her; she loves you so much."

Gumalaw lang ang mata ni Papa para tignan si Mama.

Pagkatapos binitawan ni Dwight si Mama at sunod na ipinakilala sila Kent, "Ito po yung bunso niyo at Klarisse naman po yung middle child niyo."

"Papa," Mangiyak ngiyak na sabi ni Klarisse.

Pagkatapos bumaling sa akin si Dwight at marahan na hinila ako saka ako ipinakilala kay Papa. "Ito naman po yung panganay n'yong si Kiera, iyakin po siya pero napakabait po niya, mahal na mahal niya po kayo katulad ni Tita."

Tinignan ko si Dwight na nakangiti lang kay Papa pagkatapos bumaba ang mata ko sa kamay namin na magkahawak.

Gumaan ang loob ko dahil doon. He really knows how to comfort someone.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon