𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 22

2.5K 51 2
                                    

DWIGHT'S POV


Alas dose ng tanghali nung gisingin ako ni Kiera para kumain ng tanghalian. Hindi pa sapat ang apat na oras na tulog ko, pero bumangon na rin ako. Pagkatapos lumabas na kami at kumain doon.

Mabuti na lang at may mga sini-serve silang lutong pagkain dito dahil walang gaanong fast food dito dahil bundok nga. Kaya lahat ng kakainin mo sariwa.

Mabilis lang naming tinapos ang pagkain namin dahil sinabihan ko si Kiera na may pupuntahan kami pagkatapos namin kumain at dahil malapit lang iyon dito naglakad lang kami, nakakatuwa nga siya at sanay na sanay siya maglakad.

Lakad at tanong ang ginawa namin para makarating kami sa Ganduyan Museum. Ganduyan is the traditional name of Sagada.

Nakatingin lang ako kay Kiera, may saya sa mukha nito nung mapag-aralan namin ang history at kultura ng Sagada pati na rin ang mga artifacts na naroon.

Tama nga si Howard puro aral si Kiera at nakakatuwa iyon.

Para may remembrance kami. Kinuhaan ko siya ng picture gamit ang DSLR na dala ko ganoon rin siya sa akin. Naturuan ko na siya kung paano gamitin iyon, kaya hindi na rin siya nahirapan sa pagkuha sa akin ng litrato.

"Ang galing naman na-preseve nila yung culture nila. Ang ganda lang." Sabi niya, may pagkamangha sa boses nito kaya napangiti ako at napansin niya agad iyon.

"Bakit?" Tanong niya.

"Wala. Natutuwa lang ako sayo kasi na-appreciate mo yung ganda ng lugar kahit nandito lang tayo sa pilipinas." Nagkibit balikat lang ito saka nagsalita. "Oo naman, marami kayang magagandang lugar dito sa atin."

"Pati ikaw maganda din."

"Talaga." Tumawa ito. Pagkatapos naglakad na kami patungo sa St. Mary's Church, ang second destination namin.

Katulad sa Ganduyan museum kumuha kami ng litrato doon at nung matapos kami sa pagkuha ng litrato nagsalita ako.

"Beh, anong prayers mo right now?"
Nakita kong natigilan siya at nag isip.

"Hmm, a clear mind and a happy heart."

Napatango ako sa sinabi niya. "Bakit mo natanong?"

"May naisip kasi ako e," isinukbit ko na ang DSLR ko sa balikat ko. "Why don't we pray for each other?"

Tinitigan ako nito nang may pagkamangha saka ngumiti. "P'wede. Ano bang prayers mo?"

Huminga ako ng malalim saka sumagot. "Sa ngayon wala naman na 'kong hinihiling kung hindi ang mahalin lang ng tama saka maging masaya ka nga."

"Masaya naman ako e." Sagot nito habang nakangiti. Nagtataka lang ako, paano siya nakakangiti ng ganiyan kaganda gayong alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon.

"Hindi ba ako boring kasama?" tanong ko bigla.

Agad itong umiling. "Hindi. Bakit mo naman naisip 'yan?"

Lumingon ako sa entrance ng simbahan. "I tried to date someone several times for the past 2 years, but after I dated them, may times na nauulit 'yon, may times na hindi na. They say that I'm too good for them and they don't want that." I sighed. "That I'm boring."

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon