𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 6

2.9K 60 14
                                    

DWIGHT'S POV

"Pasensiya na Doc Dwight kung naabala ka pa namin." Paumanhin ni Tita Klaire.

"Huwag niyo na pong isipin 'yon. Wala po 'yon. Ang mahalaga nadala po agad dito si Tito Gener."Saad ko na siyang tinanguan lang nito.

Tinignan ko si Kiera na kinakausap si Tito Gener. Mabuti at nagkamalay na ito kaya nagkakilala na kami.

He seems like a good father to them. He's listening to their families opinions. Marami naman talaga mabuting ama. Kasama na doon si Papa.

Napangiti ako.

"Magpapaopera ako pero hindi dito," Narinig kong bulong ni Tito Gener. "Mukhang mahal naman dito. Wala tayong pera pang gastos. Kukulangin yung medical insurance na bigay ng pinapasukan ko."

Tumikhim ako saka bahagya pang lumapit sa hospital bed ng room na pinareserve ko sa kanila kung saan nagpapahinga si Tito.

"Papa, hindi puwedeng sa iba ka magpa opera kasi magagaling naman ang mga doktor dito, isa pa nandiyan si Doc Dwight." May kompyansang saad ni Kiera.

Hindi ko alam pero nakaramdam ng kasiyahan ang puso ko.

"Siya ang pinakabata at pangatlo sa pinakamagagaling na neurosurgeon dito sa Pilipinas. Actually, genius siya kasi natapos niya na yung college degree niya at the age of sixteen. Nakuha niya na rin yung AANS Cushing Award for Technical Excellence and Innovation in Neurosurgery ba 'yon, last year. Yung award na 'yon binibigay lang daw sa mga neurosurgeon na may natatanging serbisyo sa larangan ng neurosurgery. Kaya alam kong magaling na doktor siya. Hindi ka niya papabayaan." Nilingon niya ako. "Di ba Doc Dwight?"

I was a little bit shocked. Saan niya nalaman 'yon? Did she asked?

Ngumiti ako para itago ang pagkabigla kong 'yon. Muli niyang nilingon si Tito.

Namulsa ako. "Opo, Tito. Kami na rin po ang bahala sa gastusin dahil mayroon naman po kaming foundation dito. Wala na po dapat kayong ipangamba."

"Nakakahiya." Bakas sa mukha niya ang hiya.

"Hindi ho, Tito. Kulang pa nga po 'yan sa ginawa niyong kabutihan sa kapatid ko."

Napangiti ito nung mabanggit ko ang pangalan ng kapatid ko. "Napakabait rin kasi ng kapatid mo sa amin kaya tinuring ko na rin siyang parang anak. Madalas nga kasama na namin siya sa budget ng pamilya namin," Nagtawanan sila. "Syempre hindi ko rin kayang makita na nagugutom siya, kaya pinapadagdagan ko yung baon ni Kiera kapag napasok siya noon kasi wala namang pakealam yung madrasta ni Aulhexa sa kaniya."

Nanlalambot ang tuhod ko sa narinig kong 'yon.

My little sister doesn't deserve that. Kung nagawa ko lang siyang protektahan noon. Hindi niya sana nararanasan lahat ng 'yon. Pero nagpapasalamat ako kasi may pamilya Abrenica na nandiyan nung panahong wala pa kami.

"Pang apat na anak namin 'yang si Aulhexa." Dagdag ni Tita Klaire.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang nanunubig na mata ni Kiera. She tried to hide it by glancing to the other side of the room.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon