Chapter One

19.6K 238 4
                                    

CHAPTER 1

Keira's POV

"Seriously?? What the fuck is this?" Tanong ko sa mga abnormal kong kaibigan at aba, nagpacute lang sila.

"Come on Kei, it's beautiful. And sexy too. Pare-pareho naman ang itsura ng mga damit natin. Manipis lang talaga ng konti itong sayo." Sabi ni Daisy habang ginagalaw-galaw ang suot kong damit.

"I don't give a damn whether it's thick or thin pero bakit kailangan na buhulin pa dito sa harap? We might as well just wear our brassieres."

"That's enough. Wag ka ngang mag-inarte jan, Keira. Let's practice." – Von.

"Tigilan mo nga ako, Von. Kayo na magpraktis, alam ko na naman yung mga steps eh."

"Come on, girls!!" Sabi ni Erin sabay palakpak. Feel na feel nya eh.

Nagpraktis na sila habang nagbibihis ako. Nakakainis kasi ang naisip nilang isuot namin para dun sa performance para Christmas Cheers. Kung ako lang, ayoko talagang sumali dun eh, kaya lang sabi ng subject teacher namin, kailangan magperform lahat ng nasa star section. At dahil nasa star section kaming lima, no choice ako mga dre. Napilitan na nga akong sumali tapos idadagdag pa nila yung isusuot. Ayos na sana yung panlalaking long sleeves na polo kaya lang itong si Claire, nag suggest na itali daw sa unahan hanggang sa makita ang tiyan. Hindi naman ako mataba, wala nga akong bilbil eh. Pero naman, Christmas Cheers yun – ibig sabihin, maraming tao ang manunuod. Ayoko ng maraming nakatingin sakin kasi ang awkward lang.

"Boss, pakita mo nga ulit yung step dun sa second song." Tinignan ko muna si Claire ng masama bago ako tumayo at lumapit sa kanila.

"Stop calling me boss at isa pa, tinatamad na ako. Hoy Erin! ikaw na nga ang magturo dito kay Claire, total mas magaling ka naman sakin eh."

"Whatever, your highness." Nginitian ko lang siya tapos umupo na ako sa gilid at kinuha yung phone ko sa bag. Pagbukas ko, may dalawang text messages. Inuna ko yung kay Drake since siya naman ang naunang magtext.

~ Hon, whatcha doin'? Samahan mo ako magsimba. Please? ~

Yan yung message niya. Hon/Honey ang tawagan namin pero hindi kami magsyota. Basta isang araw, naging tawagan na lang namin yan. Crush ko siya. Yep, crush ko siya sa loob na ng tatlong taon. Crush ang tawag ko kasi crush lang naman talaga eh. Hindi ko siya mahal. Bwahahahah.

~ Can't. May praktis pa kami. Yung syota mo na lang ang isama mo. ~ – Text ko sakanya. At oo ulit, may syota ang lalaking yan. Si Lexie – nasa ikalawang section siya habang nasa ikatlong section naman si Drake. Hindi naman homogeneous ang pagse-section mula pangalawa hanggang last section dito sa school namin pero ang mga nasa star section eh yung mga pili lang talaga. Hindi ko pa nakikita ang girlfriend niya o hindi kaya ay pwedeng nakita ko na pero hindi ko lang alam na siya yun. Kahit na nasa iisang eskwelahan lang kami, mga kaibigan ko lang talaga kasi ang palagi kong kasama tapos wala na akong pakialam sa ibang estudyante kahit mga kaklase ko mismo. Sa totoo lang, hindi ko kilala lahat ng kaklase ko dahil tinatamad akong kilalanin sila. Sa mukha kilala ko pero hindi sa pangalan kasi mahina ako sa pagmememorya ng mga pangalan kaya sa mukha na lang. Habang di pa siya nagrereply, binuksan ko muna yung isa pang text. Galing kay Nathan. Nasa third section din 'to tulad ni Drake.

~ Oi! Simba tayo. ~ – Yan yung text niya.

Yung totoo, bat parang ang banal ng mga tao ngayon?

~ May praktis kami. Sa susunod na lang. ~ – Reply ko sa kanya. Tapos biglang nag-ingay yung mga babae dito. Lima kaming magkakaibigan at lahat kami, biniyayaan ng talent sa pagsasayaw kaya kami-kami rin lang ang magkakasama sa performance. Andito pala kami sa bahay nila Claire. Dito kami nagpapraktis o di kaya ay sa bahay nina Daisy.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now