CHAPTER 13

3.2K 103 0
                                    



~~~

Keira's POV


Beep...

Beep...

Beep...

Beep...

Nagising ako dahil sa tunog na yun. Ano ba yun? Dahan-dahan kong minulat ang mata ko dahil sobrang liwanag sa lugar na ito. Patay na ba ako? And as if on cue, bigla kung naramdaman ang sakit ng likod ko kaya napaungol ako. May nakatakip sa bandang bibig at ilong ko eh. Oxygen mask? May naramdaman akong gumalaw sa gilid ko pero hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Ugh! Aalisin ko sana ang oxygen mask dahil parang mas lalo akong nahihirapan huminga kaya lang may humawak sa kamay ko nung malapit ko ng matanggal yung mask.

"Don't." Tinignan ko ang nagsalita at nakita ko ang panget na version ni Ran. Ay mali, si Ran pala talaga 'to kaya lang, ang itim ng eye bags niya at parang hinang-hina siya.

"Napano ka?" Nagawa ko pang magtanong pero parang tigang na tigang ang lalamunan ko.

"Tubig." Parang naintindihan naman niya at nawala siya sa field of vision ko. Hindi ko pa rin magalaw ang katawan ko eh. Bumalik siya na may hawak ng baso pero may kasama na siyang nurse at pinagtulungan nila akong alalayan para makaupo ako pero sinigurado kong walang masyadong pressure sa likod dahil masakit oi. Pinainom na sakin ni Ran yung tubig pero siya lang ang humawak ng baso. Naubos ko lahat ng laman. Nabigla nga ako kasi hindi naman ako fan ng tubig kasi may gusto kong inumin yung mga juice.

"Gaano katagal na ba ako dito?"

"One week and six days."

"Are you serious???" Tumango lang siya. Oh, gosh.

"Nasan si Uncle? Ayos lang ba siya? Si Yan? Ikaw? Hindi ba kayo nasaktan?" Medyo napangiti siya kaya parang nagkakulay ang mukha niya.

"We're fine. Tinawagan ko na din ang Uncle mo at papunta na siya dito."

"Ilang gabi ka na bang hindi natutulog at para ka ng zombie?"

"Almost two weeks, I guess." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ran!!"

"What? I can't sleep knowing that you're not okay." Umiwas siya ng tingin. Okay, shut up na lang ako. Ano namang isasagot ko dun? Sinubukan ko na lang na galaw-galawin ang katawan ko para naman may magawa ako dito sa loob pero nanghihina pa rin talaga ako.

"Aish!! Ran naman eh!!"

"Bakit ba?"

"Ikaw kasi! Ang awkward tuloy. Magsalita ka nga o kaya naman ay matulog ka na lang jan oh!" Tinuro ko pa yung sofa para alam niya kung saan siya matutulog. Ngumisi lang siya at lumapit sakin.

"Wala naman akong ginawa ah. Bakit naman awkward?"

"Ran, isa!" Tinawanan niya lang ako.

"Okay, okay. You should rest a little more. I'm so glad that you're back, KZ." Hinawakan niya ang ulo ko at hinalikan niya ang banda sa sintido ko tapos pumunta na siya sa tinuro kong sofa kanina. Pinagmasdan ko lang siya ng ilang minuto. Nakatalikod siya sakin kaya ayos lang na pagmasdan ko siya. Maya-maya pa at bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nun si Uncle, Tito Lei, at pati si Yan. Parang nabigla sila nung nakitang nakaupo na ako kaya natawa ako ng konti sa mga reaksiyon nila.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now