CHAPTER 9

3.5K 97 1
                                    



~~~


KEIRA'S POV

Simula na ngayon ng 2nd semester and guess what? Wala akong kaklase kina Claire, Daisy, Erin, at Von. Halos mangiyak-ngiyak nga silang apat nung malaman na ako lang ang nakabunot ng ibang block nung enrollment eh.

~~FLASHBACK...

"Wahhh!! Ano ba yan, Kei!!!" – Erin.

"Bunso naman!! Bat yan ang binunot mo?!" – Daisy

"Ayaw mo na ba kaming kaklase??" – Claire.

"Nagsasawa ka na ba saaming apat at sinadya mong mapunta sa ibang block?" – Von.

"Tumahimik nga kayo. Alam niyo naman na ang malas ko sa mga bunutan eh. At isa pa, para namang lilipat ako ng eskwelahan eh magkaibang block lang naman tayo. Bat ba ang OA niyo??" Kanina pa nila ako tinatalakan tungkol sa nabunot kong papel. Magkakasunod kasi kaming nag'enroll so, magkakasunod din kaming bumunot ng papel na naglalaman ng block namin. Huli ako sa pila kaya yung nabunot ko ang huli naming nakita. Nagce'celebrate na sila kasi magkakapareho ang nabunot nilang apat tapos pagdating sakin, para silang pinagsakluban ng langit at lupa. Oo, ganyan sila ka'OA.

"Ayos lang sana kung yung twin block ang nabunot mo pero hindi eh." – Erin.

"Ano naman ngayon?" Seriously, kelan sila mauubusan ng problema sa blockings na 'to?

"Ibig sabihin, kabaliktaran ng class schedule namin ang class schedule mo." – Claire.

"Which also means na kapag half-day ang pasok namin, whole day ang sayo at kapag whole day ang samin, half-day sayo." – Daisy.

"Well, shit!"

~~~END OF FLASHBACK~~~

Ang tanging nakapagpakalma lang sa apat kong baliw na kaibigan ay nung malaman namin na sabay ang P.E. class namin. At ngayon, papunta na kami sa gym. Magkakasama kaming lima at nakisabay na rin samin si Clyde – who is by the way, kaklase ko nanaman.

"Half-day kayo ngayon, di ba?" Tanong ko sa kanilang apat habang kumakain ako ng marshmallows na binigay kanina ni Clyde. Tinutupad niya yung promise niya na araw-araw niya akong ililibre ng marshmallows. Papunta na kami ngayon sa gym para I'meet ang bago naming professors.

"Oo. Pupunta kami ng mall mamayang hapon kasi may binigay na agad na gawain samin yung prof. namin sa isang subject. Wala siyang patawad. First meeting, meron na agad ng gagawin. Kainis!" Padabog ring sinubo ni Erin yung popcorn tapos bumusangot.

"Pfft! Bat ang panget mo, Erin?" Don't get me wrong, walang panget sa mga kaibigan ko. Tinatanong ko lang talaga sila niyan minsan kapag trip ko silang inisin.

"Eh bat ang bully mo?!?"

"Sagutin mo muna ako kung bakit ang panget mo."

"Nagiging panget ako kasi palagi mo akong binubully."

"Okay. Palagi kitang binubully kasi ang panget mo." Binelatan ko pa siya para mainis lalo. Ang sarap niyang pagtripan eh. Kumuha siya ng mga popcorn at binato papunta sakin pero nakaiwas ako kaya tumama sa mukha ni Claire at kumalat sa mukha niya yung cheese. Uh-oh.

"WHAT-THE-FUCKING-HELL!!!" Napalunok si Erin nung tignan siya ng masama ni Claire.

"Kasalanan yun ni Keira, Claire. Promise, siya talaga ang binato ko pero umiwas siya kaya sayo napunta." Sabi ni Erin habang lumalakad papunta sa likod ni Daisy at umiiling-iling pa.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now