CHAPTER 11

3.3K 102 0
                                    

CHAPTER 11

~~~

KEIRA'S POV

*CRIIIIIIING!!!!*

*CRIIIIIIING!!!!*

*CRIIIIIIING!!!!*

*CRIIIIIIING!!!!*

*CRIIIIIIING!!!!*

*CRIIII-*

"Aish!!!" Ang ingay! Leche talaga sa buhay ko ang alarm clock kahit kelan. Tinalukbong ko ang kumot ko para matulog ulit pero may narinig akong naglalakad dito sa loob ng kwarto ko kaya medyo nagising ang diwa ko.

"Princess, bumangon ka na jan at mag-almusal. Late ka na sa unang subject mo kaya habulin mo na lang ang second period mo."

"Uncle~ pwede bang mamayang hapon na ako pumasok? Ang sakit ng katawan ko eh."

"Are you okay? Dadalhin ba kita sa ospital?" Napabalikwas ako ng bangon kasi ayoko sa ospital.

"Ay hindi na po, Uncle. Papasok na lang po ako. Ayos na po ako."

"Are you sure?" Tumango lang ako kahit hindi naman talaga ayos ang pakiramdam ko.

"Oh siya sige, bumangon ka na at aalis na ako."

"May lakad kayo?"

"Nagkaproblema sa construction site ng bago nating building sa Cavite kaya kailangan kong pumunta dun. Papupuntahin ko yung iba mong bantay dito sa bahay para may kasama ka mamayang gabi dahil baka bukas o sa susunod na araw pa ako makauwi. Tumawag ka lang sakin kung may problema, okay?"

"Bakit ba kasi ang yaman mo, Uncle? Tsk. Sige, ingat po kayo." Bumaba na ako sa kama ko at humalik sa pisngi niya.

"Sayo naman mapupunta lahat ng yaman na ito kaya wag ka ng magreklamo." Napabusangot naman ako sa sinabi niya.

"Hindi naman ako nagrereklamo ah at tsaka hindi ko naman hinihingi ang yaman mo, Uncle."

"I know, silly." Sabi niya habang tina'tap ang ulo ko.

"Aalis na ako. Tandaan mo lahat ng mga sinabi ko kanina." Hinalikan niya ang tuktuk ng ulo ko at lumabas na ng kwarto ko. Pinagmasdan ko lang siyang lumabas at napaisip ako kung andito ba ang Papa ko, kasing bait din ba siya ni Uncle? Erase, erase. Hindi dapat ako mag-isip ng mga bagay na nakaka'stress dahil may kailangan pa akong gawin.

Bumaba na ako at nag-almusal muna at nagsipilyo bago ako naligo. 7:30 na at 8:30 ang second subject ko kaya ibig sabihin, may 50 minutes pa ako para mag-ayos at 10 minutes naman para sa byahe papuntang school. Magpapahatid ako gamit ang kotse para naman mabilis lang ang byahe. Naabutan ko nga pala yung MIB ni Uncle sa baba pero hindi ko na lang sila pinansin dahil nagmamadali ako.

"Fuck! The hell Keira! Bakit ba ang shunga mo kahit kelan?!?" Inis na sabi ko sa sarili ko habang lakad-takbo ako papunta sa building namin. Third floor pa man din ang destinasyon ko. Late na ako ng 10 minutes sa second subject ko dahil nakatulog ako kanina sa bath tub. Ang shunga ko, diba? Nung nasa third floor na ako, nakita ko ang mga kaklase ko na nasa labas ng room at nagkukwentuhan kaya binagalan ko na ang paglakad-takbo ko.

"Hey, Chad!" Tawag ko dun sa isa kong kaklase na nasa labas nung makalapit ako. "Wala si Ma'am?"

"Wala daw eh. May biglaang seminar daw na pinuntahan at next week pa ang balik." Napamura na lang ako dahil sa sinabi niya.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant