CHAPTER 18

2.9K 79 0
                                    


~~~

KEIRA'S POV

Pinatay ko na ang alarm ko at nag-unat na muna ng katawan ko. Pumunta sa may paanan ko si Kookie kaya nilaro ko muna siya bago ako magbihis ng pang-jogging. Mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas nang mag'debut ako pero naiisip ko pa rin ang mga pinag-usapan naming magkakaibigan pero I let the topic aside at binuhat ko na si Kookie para mag-almusal na kami.

"Good morning, milady!!!" Tinignan ko kung sino ang maingay na yun kahit ang aga-aga pa. Nag-alarm ako ngayon ng 4:00 am dahil parang ang tagal ko ng hindi nag-eexercise. Mahirap na at baka kalawangin ako. Nakita kong nasa paanan lang ng hagdan si Tristan at si Justin. Si Tristan yung sumigaw kanina.

"Morning. Bakit andito kayo? Ang aga pa huh." Nagkatinginan sila na parang nag-uusap gamit lamang ang mga isip nila. Nakalampas na ako sa kinatatayuan nila pero hindi pa rin sila nagsasalita kaya hinayaan ko na lang. Dumiretso na ako sa kusina para mag-almusal, sumunod din sila sakin. Una kong hinanda ang pagkain ni Kookie at pagkatapos ay yung akin naman.

"Nasan yung kambal? Dapat gising na sila ng ganitong oras eh." Kumuha na ako ng isang malaking mangkok at nilagyan ng oatmeal tapos kumuha ako ng malaking tasa para pagtimplahan ng gatas na ilalagay ko dun sa mangkok.

"May kailangan lang silang puntahan kaya pinaiwan nila kami dito. Nasa labas din sina Carl at Xev." Tumingin ako kay Justin at tinaasan siya ng kilay.

"Saan naman sila pupunta ng ganito kaaga?" Binalik ko na ang atensiyon ko sa ginagawa kong almusal. Hindi nanaman nagsalita yung dalawa. Bahala nga sila sa buhay nila. Naglakad na ako papunta sa sala bitbit ang almusal ko para manuod ng TV. Narinig ko nanaman na nakasunod yung dalawa.

"Wag nga kayong sunod ng sunod sakin. Andito lang naman ako sa loob ng bahay, para kayong mga ewan." Nakita ko sa center table ang remote ng TV kaya kinuha ko na at binuksan na ang TV. Ililipat ko na sana ang channel pero biglang nanigas ang katawan ko ng rumehistro sa utak ko kung ano ang nakita ko sa screen ng TV. Nakasulat ang salitang AMBUSH sa malalaking titik pero hindi yun ang nagpatigil sa mundo ko kundi ang mga sasakyan na wasak na wasak na. Ang mga sasakyan na halos araw-araw kong nakikita sa garahe namin. At ang particular na kotseng paborito ni Uncle. Lahat yun ay basag ang mga salamin at may yupi sa iba't-ibang parte.

"Milady, gagawa ka ba ng salad mamaya?"

"Punta tayo ng park, mi-" Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya, nabitawan ko na ang hawak kong mangkok.

Hindi ko maialis ang mga mata ko sa balita. Isa-isa na nilang nilalagay sa mga stretcher ang mga katawan na narerecover sa loob ng mga kotse pero may biglang pumatay ng TV and as if on cue, biglang gumalaw ang katawan ko patakbo sa kwarto ko, kinuha ko ang susi na una kong nakita at tinakbo ko ulit ang hagdan pababa. Pero habang ginagawa ko iyon, iba ang nasa utak ko. Si Uncle. Parang naka auto-pilot ang katawan at utak ko. Isa lang ang utos ng utak ko at yun ay puntahan si Uncle ngayon din. Kailangan ko si Uncle. Kailangan ako ni Uncle.

KYRAN'S POV

Nagawa naming marecover ang mga katawan ng mga kasamahan namin ng hindi nakakakuha ng kung ano-ano mang katanungan galing sa mga nakapaligid na media. Habang papalapit ako sa kotse ng Boss kanina, bumibigat ang kalooban ko sa bawat hakbang. At nang marating na namin ang paborito niyang kotse, parang gumuho ang mundo ko. He was like a father to me and my brother. Leo, as one of his Royal Guards, is with him when the tragedy happened and shared the same fate as the Boss. Magbabayad kung sino man ang gumawa nito. Kasalukuyan na kaming nakasunod sa mga ambulansya para idala sila sa Colony. They'll take care of their bodies there. Bigla kong naisip si KZ, pano ko ito sasabihin sakanya? She will be devastated. Natigil ang pag-iisip ko nang mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko yun at agad na sinagot.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now