CHAPTER 10

3.1K 98 0
                                    


~~~~

KEIRA'S POV

Nagwawarn-up kami ngayon dahil practical performance namin sa volleyball mamaya-maya lang. Kasama ko sina Claire, Daisy, Erin, Yvonne, at isa pang kaklase nila na si Ella. Si Clyde naman, sa mga lalaki din nakikiwarm-up. Actually, mga kaklase din nina Daisy ang kalaro niya ngayon kasi mga members daw yun ng gang niya at mas komportable siyang maglaro kung mga kilala niya ang kalaro niya. Okay, point taken.

Napagkasunduan daw ng mga professors namin na sabay-sabay na lang daw ang practical performance namin para daw mas lalo naming ma'enjoy. Sinong niloloko nila? Hayy naku.

"Spiking tayo!! Line up!" Kailangan kong sumigaw para magkarinigan kami. Kaliwa't-kanan ang mga nagwawarm-up kaya sobrang ingay dito sa loob ng gym. Iniwan muna kami ng mga professors namin para daw makapaghanda kami sa loob ng 30 minutes. Tapos na kaming mag'stretching kaya spiking naman para alam namin kung ano ang mga kayang gawin ng isa't-isa. Nagsimula na akong mag-toss ng mga bola sa kanila. Buti na lang at dito kami banda sa pinakagilid malapit sa stage.

"Isang round pa!" Bumalik ulit sila sa line nila at nagsimula na ako ulit mag-toss. Pagkatapos namin sa spiking ay nag-praktis naman kami ng receiving. So far, medyo maalam naman kaming anim sa volleyball kaya makakapasa naman ata kami dito. Nga pala, hinati na kami sa dalawang team. Pinagsama nila ang isang block ng engineering at ang isang block ng business administration samantalang pinag-isa na din ang dalawang block naming education students. Kaya kaming anim na talaga ang sa isang team ng education students. Syempre, girls vs. girls at boys vs. boys din. Mayroon na lang kaming 10 minutes bago bumalik ulit yung mga professors.

"Dito tayo!" Napalingon ako kay Erin at nakitang papunta siya sa bleachers at naupo dun kaya sumunod na din kami.

"Anmeron?" Tanong ni Ella.

"May 10 minutes pa tayo para magplano at mag-aasign kung sino ang nasa aling posisyon." Sabi ni Claire kaya tumango ako.

"Bunso?"

"What?"

"Ikaw ng bahala."

"Saan ba?"

"Sa pag-aassign sa mga posisyon natin mamaya paglaro."

"Tsk! Bat ako?"

"Ikaw ang magaling sa mga ganyang bagay eh. Bilis na." Inirapan ko lang si Von at pumunta ako sa kung saan nakatambak yung mga bag namin at kumuha ako ng lapis at isang notebook para sulatan ko ng kung ano man ang mapagkasunduan namin.

"Okay. Let's start this shit." Tinignan ko sila isa-isa at nireplay sa utak ko ang mga pinag-gagagawa nila kanina habang nagwawarm-up kami.

"So, isang game lang naman ang lalaruin natin pero sasabihin ko pa rin kung ano ang role na magagampanan niyo ng maayos base sa nakita ko kanina." Nagsitanguan lang sila and I saw Daisy grinned from ear to ear. Mukha siyang abnormal.

"Ella and Claire. Kayo ang blocker natin since kayong dalawa ang pinakamatangkad satin pero kapag nagba'block kayo ng bola, i'slant niyo ang mga braso niyo papunta sa harapan para mas may pwersa." Tumayo pa ako at pinakita ko sa kanila kung paano ang sinabi ko at sinubukan naman nila sa mga braso nila kaya umupo na ako ulit.

"Pero hindi lang yun para sa kanilang dalawa. Kailangan lahat tayo ay ganun kapag nagba'block since hindi naman tayo steady sa isang posisyon lang throughout the game. Teka nga pala, wala ba sainyong gustong magvolunteer sa kahit na anong role?" Sabay-sabay silang umiling kaya napailing na lang din ako. Pambihira talaga.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now