CHAPTER 33

2.4K 69 0
                                    


~~~

KEIRA'S POV

Nagising ako dahil may nararamdaman akong kung ano sa leeg ko at kinikilabutan ako. Agad kong inilayo ang ulo ko sa kung ano man yun at may narinig akong tumawa kaya tinignan ko kung sino yun. It's Jacob. Siya yung nakipag drag race kay Clyde noong birthday ni Von. Tinignan ko siya ng masama.

"You were out for a good 15 minutes already kaya naisipan kong gisingin ka na. Your neck tastes heavenly." Naikuyom ko ang mga kamay ko dahil sa ginawa at sinabi niya at dun ko lang namalayan na nakaposas ang mga kamay at mga paa ko sa kinauupuan ko. May lumapit sakanyang isang lalaki at lumayo sila ng konti sakin para mag-usap kaya inilibot ko ang paningin ko. Nasa isang lumang building kami. Amoy na amoy ang alikabok sa paligid. Hindi ko pa rin makita kahit na isa kina Erin at Daisy. Kinakabahan ako ng sobra para sa kanila. Natatakot ako ng sobra sa kung ano ang pwede nilang gawin sa dalawa kong kaibigan. Pumikit na lang ako at pinakalma ang sarili.

Lord, please, wag mong hayaan na may mangyaring masama sa kahit na sa isa sa kanila. Ako na lang. Huwag Mo po sanang hayaan na madamay ang mga kaibigan ko sa gulong nasasangkutan ko.

Humarap na ulit sakin si Jacob dahil umalis na yung kausap niya. Hindi ako takot sakanya kahit konti at ipinakita ko ito sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata niya na nakatitig din sakin na para bang aliw na aliw. Ano bang tumatakbo sa utak ng isang 'to? Lumapit siya sakin at hinawakan ang pisngi ko pero agad kong inilayo sakanya ang mukha ko.

"Feisty as ever, aren't you?" sabi niya ng nakangisi.

"Bastard as ever, aren't you?" sagot ko ng nakangisi rin. Biglang nawala ang ngisi sa pagmumukha niya at sa loob lang ng isang segundo, isang malutong na sampal ang dumampi sa pisngi ko. Fuck! Ang sakit nun huh. Pero di ko pinakitang nasasaktan ako at nginitian ko pa siya na mas lalong ikinainis niya. Napangiti tuloy ako lalo.

"You won't be smiling for long, my dear. Do you want to see your friends now?" Nawala ang ngiti ko at inalis ko muna lahat ng emosyon sa mukha ko. Kailangan kong mailabas sina Erin at Daisy dito.

"Where are they?" Malamig kong tanong sakanya.

"Oh! My boys are still preparing them for the show that I've prepared just for you. So, you just wait here, sit back, and enjoy the show. I'm sure you're gonna love it." Hindi ko gusto ang ngiti niya pero di na lang ako umimik baka pagbuntunan nila ang mga kaibigan ko.

"Aren't they ready yet?" Tanong ni Jacob dun sa lalaki na malapit sa pinto.

"They're coming, boss."

"Good. You ready, Keira?" Tapos may sinenyasan siya sa bandang likod ko at may dalawang lalaking lumapit sakin at itinali nila ako sa upuan. Itinali nila ang dalawa kong braso sa magkabilang hawakan ng silya at pati na rin ang dalawa kong paa. Hindi pa sila nakontento at pati ang bandang tiyan ko ay itinali pa nila. Yung totoo? Parang sobra naman yatang pagkakatali itong ginawa nila sakin at hindi rin nila inalis ang posas sa mga kamay ko.

"Bring them in." Napatingin ako nung nagsalita si Jacob at bigla din akong kinabahan. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako.

Nanlumo ako sa kinauupuan ko nung inilabas nila si Erin at si Daisy sa pinto. Wala silang ibang suot kundi ang mga panloob nila. At ang masaklap pa ay nakatali ang mga kamay nila sa likuran. Biglang nandilim ang paningin ko at napuno ng sobrang puot ang sistema ko. Gusto ko silang patayin lahat. Nagpumiglas akong makaalis sa pagkakatali ko pero hindi man lang nalalamatan ang plastic wire na nakatali sakin. Dumudugo na rin ang braso at paa ko sa pagpupumiglas pero walang nangyayari.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now