CHAPTER 20

2.7K 85 0
                                    


~~~

KEIRA'S POV

This is the second part of my mission. After I sneaked out of my room, sumakay ako sa taxi papunta sa lugar kung saan malapit lang sa Colony. Nilakad ko ang distansya mula sa pinagbabaan sakin ng taxi papunta sa Colony dahil hindi naman pwedeng padiretsohin ko sa Colony yung taxi driver. I need my Hecate kaya pumunta ako dito. I'll just use one of the cars outside para makapunta ako sa kailangan kong puntahan ngayong gabi. Halatang nabigla ang mga taong nadatnan ko dito sa Colony. Hindi siguro nila inaasahan ang pagpunta ko dito. Sigurado din akong malalaman ni Ran na pumunta ako dito since mga miyembro ng Tenebrous Unit ang palaging mga nakabantay dito.

By the way, Ran is seriously pissing me off. Gusto niyang palagyan ng CCTV camera ang kwarto ko so I gave him a piece of my mind. He's overreacting about everything and it's fucking annoying. I'm thankful that Yan is around. He deals with his twin most of the time. Nagpumilit si Ran na magmonitor ng camera feeds galing sa surveillance cameras na nakakalat sa mansion para daw mabantayan niya ang mga kilos ko. Umoo na lang si Yan sa gusto niya. Wala naman akong pakialam eh. Malalaman at malalaman din naman nila ang ginagawa ko. I just want to keep it from them as long as possible.

I just finished my tour inside Rodrigo Reyes' hotel room. Yes, he's my second target and he's in a hotel too. For some reasons, all the members of The Grim Reapers stayed here. Hindi sila mga Pilipino. Actually, isa lang ang Pilipino sa kanilang apat. Kung anong rason at nanatili sila dito ay hindi ko pa alam.

This one is a freaking womanizer, that's why I chose not to touch or go near him until he's dead. I'll just give him a quick death. He should be grateful for that because that is more than what he deserves. Kasalukuyang nasa rooftop ako ng katapat na hotel ng Enchanted Hotel – ang hotel na tinutuluyan ni Rodrigo. Pinapanood ko ang ginagawa ng target ko gamit ang kinabit kong camera sa loob ng kwarto niya kanina.

Kadarating niya lang at may kasama siyang babae. Ayokong masaksihan ang kababuyan nila kaya papatayin ko na siya agad kapag nakapunta na siya sa tamang pwesto. Kung makaiwas man siya sa una kong patibong, wala siyang kawala sa Hecate ko. Hindi ko na kailangang magtanong pa sakanya dahil malakas ang kutob ko na wala din akong mapapala sakanya. I'll do the questioning sa leader nila.

As soon as they entered the room, nagsimula na silang magkainan ng mga mukha nila kaya inalis ko ang tingin ko sa laptop ko. So fucking disgusting. Nilaro ko na lang ang Hecate ko at nag-intay pa ng ilang minuto. Halos mga tatlong minuto na ang nakalilipas simula ng makapunta sila sa tamang pwesto. Pinatay ko na ang laptop ko at pumwesto na para makita ko sila gamit ang scope ng Hecate at saka ko pinindot ang detonator ng nilagay kong maliit na bomba na nakakabit sa engrandeng chandelier na nakasabit sa tapat ng kama ng hotel. Tama lang ang lakas ng bombang yun para kumalas ang koneksyon ng chandelier sa kisame ng hotel room ni Rodrigo. Dahil sa abala sila sa pinag-gagagawa nila, hindi na sila nakaiwas pa nang bumagsak sa mga katawan nila ang chandelier. Pinagmasdan ko pa sila sa loob ng ilang sandali para makasiguradong wala na silang malay habang dahan-dahan silang nauubusan ng dugo gawa ng maraming tusok sa mga katawan nila. Sigurado akong hindi gagawa ng commotion ang ginawa ko dahil sound proof ang lahat ng kwarto sa Enchanted Hotel. Kinalas ko na ang mga parte ng Hecate at nilagay na ito sa lalagyan niya tsaka ako bumaba ng rooftop. Nilagay ko muna sa gamit kong kotse ang Hecate bago ako dumiretso sa hotel room ni Rodrigo. Tinanggal ko muna lahat ng mga kinabit kong camera sa loob at saka ko siya binaril ng apat na beses. Hindi sapat ang chandelier na yun para makontento ako. I also branded him just like what I did to Lucy. Umalis na ako kaagad ng hotel dahil tapos na ang pakay ko sa lugar na yun.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now