CHAPTER 29

2.6K 76 0
                                    

~~~

Andito kami ngayon sa bahay nina Von kasi 19th birthday niya. Dalawang oras na din ang nakalipas nung dumating kami dito. Yung mga lalaki, nag-iinuman na. Kaming mga babae, nagkakantahan lang pero karamihan, nagpipicture. Ayokong magpapicture kaya hindi ako nakikisali sa kanila.

Two weeks na ang nakakalipas matapos ang laban ni Clyde at Drake sa Black Zone. Nagpapagaling pa rin si Clyde ng mga sugat niya at nabalitaan ko na ganun din si Drake. Nakakatxt ko kasi minsan sina Gerome, Nathan at Dominic tapos sinasabi nila sakin.

Simula nang laban nila, hindi ko na ulit nakita si Drake at maging si Lexie which I am very thankful for dahil wala ng nagpapakulo ng dugo ko kapag nasa school. Hindi nakapasok si Clyde sa loob ng ilang araw dahil sa mga natamo niyang sugat kaya kapag uwian na ay pumupunta ako sa condo niya para ibigay sakanya ang notes ko para naman hindi siya maiwan sa lessons namin pero syempre may kasama akong guardians dahil na din sa pamimilit ni Ran. That guy is really stubborn sometimes.

Lumabas si Clyde ng bahay nina Von kasi ang init daw. At dahil nao'OP ako sa mga tao sa loob dahil panay selfie sila, sinundan ko na lang sa labas si Clyde. Pumunta siya sa motor niya. Nasabi ko na bang ang astig ng motor niya? Kung hindi ako nagkakamali, MTT Turbine Superbike Y2K 'to. Pero hindi ko pa din ipapatalo si Chase ko na regalo sakin ni Uncle. Ang pinakanagandahan ko sa motor na yun ay ang kulay. Pure white. Syempre maliban lang sa goma ng motor. I'challenge ko kaya siyang makipag race sakin sa Black Zone? Hmm, sounds good. Siya pa man din ang record holder dun.

Lumapit ako sakanya kasi nakatalikod siya sakin. Parang ang lalim ng iniisip ng isang 'to. Tinapik ko siya sa balikat para malaman niya na andito ako.

"Mallows, ikaw pala. Bat lumabas ka?" Tinapon niya agad yung sigarilyo niya nung makita niya ako.

"Bakit mo tinapon? Meron ka pa ba jan?"

"Meron. Mamaya na lang ako magyoyosi pag pumasok ka na sa loob."

"Pinapaalis mo na ba ako?"

"Hindi."

"Whee? Pa'try nga ako."

"Ng?"

"Hay naku. Pa try manigarilyo. Penge ng isang stick." Sabay lahad ko ng kamay ko sa harapan niya. Tinignan niya lang ako ng matagal.

"No."

"Bakit?!?"

"Kasi ayoko."

"Tss. Damot mo. Bibili na nga lang ako." Naglakad na ako paalis pero naabutan niya ako at kinaladkad ako pabalik sa may motor niya.

"Tumigil ka nga, Mallows. Anong pumasok jan sa utak mo at bigla bigla ka na lang maninigarilyo?!"

"Bakit mo ako sinisigawan?! Kainis ka! Gusto ko lang namang subukan eh." Huminga siya ng malalim na parang kinakalma ang sarili niya. Oh, did I piss him off?

"Tsk! Listen here, kapag nalaman kong nanigarilyo ka kahit isang beses lang at kahit hindi ko nakita basta may nagsabi sa akin na nakita kang nanigarilyo, I'll kiss you." Napakaseryoso ng mukha niya kaya hindi ko mapigilang tumawa.

"At sino naman ang magsusumbong sayo?"

"I know a lot of people, Kei. A lot." Ngumisi pa siya. Ang yabang. Inirapan ko lang siya.

"Peram na nga lang ng motor mo. Ang ganda eh. Sisirain ko lang." Tumawa siya ng malakas habang nilalabas sa bulsa niya yung susi.

"Do you know how to drive this one?"

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now