CHAPTER 34

2.8K 71 0
                                    



~~~

KEIRA'S POV

Nagising ako dahil sa tunog ng malakas na nabasag na salamin followed by hushed voices. I heard a steady beeping sound. Seconds after, naamoy ko ang amoy ng ospital kaya napamulat ako bigla pero agad din akong napapikit dahil sa sobrang liwanag. Nasa ospital ba ako? Anong nangyari? And as if answering my own question, flashes of memories flooded into me. Narinig ko ang biglang pagbilis at paglakas ng mga tunog ng makina malapit lang sakin pero hindi nun naalis ang mga alaalang sunod-sunod na bumabalik sa utak ko. My head started throbbing painfully and I instinctively held it with my hands but another pain shot right on my wrists. Tinignan ko ang mga kamay ko at nakitang nababalutan ng benda ang mga ito. Another memory of my hands being tied with plastic wires flashed followed by another throbbing pain. This is too much.

"AAAAHHHHHHH!!!!" I curled into a ball and held my head tight. May mga narinig akong sumisigaw pero hindi ko sila maintindihan. Naalala ko nanaman ang pagsigaw ko na itigil na nila ang ginagawa nila kaya mas lalong sumakit ang ulo ko at napasigaw ako ulit. Tumigil ako sa pagsigaw nang may mga humawak saakin at pinahiga ako ulit at naramdaman ko ang pagturok sakin ng karayom. Ilang sandali pa, my system dramatically relaxed at nabawasan na ang sakit ng ulo ko kaya hindi na ako gumalaw dahil natatakot ako na kapag gumalaw ako, bumalik ang sakit sa ulo ko. Tinitigan ko lang ang kisame at sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari bago ako mapunta dito sa ospital. Pagkatapos ng ilang sandali, nag-uunahan nang pumatak ang mga luha ko.

"Erin. Daisy." My voice sounded hoarse. Nang maalala ko na ng mabuti kung ano ang nangyari, humagulhol na ako ng iyak. The feeling of worthlessness hit me full force and I welcomed it because that's me. I'm just a worthless piece of shit who can't do anything while her best friends are being raped in front of her.

May mga biglang yumakap sakin. Ang isa ay niyakap ang ulo ko samantalang ang isa naman ay nakayakap sa bewang ko at nakapatong ang ulo niya sa tiyan ko. I recognized their scents. Claire and Von. Kahit masakit, pinilit kong abutin ang mga ulo nila at hinaplos ko ang mga buhok nila. I need to stay strong for them but I also need to be weak at some point. Patuloy lang ang pag-iyak naming tatlo sa ganung posisyon. Walang nagsalita kahit isa sa amin. We just need each other's company. Napansin ko na habang tumatagal, bumibigat at bumibigat na silang dalawa at saka ko lang napansin na tumigil na sila sa pag-iyak pero pinagpatuloy ko pa rin ang paghaplos sa buhok nilang dalawa.

"Zeph, sa tingin ko, nakatulog na sila." Dahan-dahan akong tumingin sa bandang kaliwa ko at nakita kong nakatayo doon sina Yan, Cloud at Xander. Kanina pa ba sila dito?

"Pakibuhat muna sila at tatayo ako. Ihiga niyo sila dito sa kama ko."

"Are you sure, Big Boss?" Tanong ni Cloud.

"Oo. Mag-uusap tayo. Papuntahin niyo dito sina Ran at Clark." Tumango silang tatlo. Lumapit samin si Xander at Cloud at dahan-dahan nilang binuhat si Claire at Von samantalang lumayo ng konti samin si Yan at may kinausap sa phone. Nang mabuhat na nina Xander at Cloud sina Claire at Von, bumangon na ako pero kinailangan akong alalayan ni Yan dahil parang ang tagal kong hindi naigalaw ang muscles ko kaya nahirapan akong tumayo mag-isa.

Naupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang natutulog kong mga kaibigan. Pinunasan ko ang mga pisngi nila dahil may mga natuyo ng luha. I stayed by their side for a few minutes at naupo na kami sa mga sofa na nasa loob din ng hospital room na ito nang dumating si Ran at Clark. Nasa Buenaventura Hospital kami ngayon and this room is reserved for me only. Walang ibang gumagamit ng kwartong ito maliban sakin. Dito din ako nagising nang atakehin ang mansion namin sa Palawan.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now