CHAPTER 8

3.7K 88 0
                                    


~~~

KEIRA'S POV

Naglalakad na kami palabas ng school campus. Gustong magliwaliw ng mga babaeng 'to kaya tatambay daw kami sa mall. Magbo'boy hunting daw kami. Ay mali, sila lang pala kasi di naman ako gumaganyan. Kung baga, sabit lang ako sa trip nila. Wala din naman akong gagawin kaya sasama na lang ako.

"Cute butt."

"Nice shoes."

"Sexy ass."

"Long black hair."

"Damn! Such a beautiful hair. I just want to run my fingers there while in bed."

Tapos may nagtawanan. Medyo nagpantig ang tenga ko sa usapan sa likod ko. Narinig ko lang yan habang naglalakad kami. Parang ako lang ang nakarinig dahil busy mag-usap ang mga kasama ko. Tatlo-dalawa kasi kami pag naglalakad. Usually, Erin-Yvonne at Daisy-Claire ang hati pag naglalakad kami pero nag-iiba iba din naman yan. Ako, namimili lang kung kanino ako sasabay pero kadalasan, kay Daisy ako sumasabay pero ngayon, trip ko maglakad ng walang kasabay kaya nasa pinakahulihan ako at nagkataon naman na narinig ko ang usapan ng nakasunod samin. Hindi naman sa assumera ako pero ako ba ang tinutukoy nila? Pwede kasi sakin yung nice shoes at yung long black hair. Nakalugay pa man din ako ngayon at maganda rin naman ang suot kong sapatos since marami ng pumansin dito.

"Pst! Claire! Sabihan mo nga yung dalawa sa unahan na tumigil muna sa paglalakad. Antayin niyo ako dun sa huling flower pot." Sabi ko kay Claire habang patuloy pa rin sa paglalakad. Nag-nod lang si Claire na parang nagtataka kaya tumigil ako sa paglalakad at sumandal ako sa malaking flower pot. Malalaki kasi ang flower pot dito sa University namin, nakasemento ito at abot hanggang bewang ko. Aantayin ko lang sanang makalampas samin yung mga lalaki at maglalakad na kami ulit palabas pero iba ang plano ng mga lalaking 'to dahil tumigil din sila sa paglalakad at tumabi sakin yung dalawa – isa sa kanan at isa sa kaliwa. Pito pala silang magkakasama. Nakatayo lang yung lima sa harapan ko. Pinaka ayoko sa lahat ay ang mga manyakis. Lantaran sila mambastos at confirmed na ako nga ang pinag-uusapan nila dahil wala namang ibang babaeng malapit samin. Konti na lang ang tao dito dahil kanina pa nag-uwian ang karamihan sa mga studyante. Wala din akong mahagilap sa mga bantay ko. Tss. Kung kelan may ipapabugbog ako sa kanila, saka naman sila nawawala. Madali talagang uminit ang dugo ko sa mga ganitong klaseng tao. Tumingin ako kina Claire na nakatingin din sakin mula sa ikalawang pot galing dito sa nasasandalan ko. Umiling ako dahil halata naman na gusto na nilang lumapit dito. Humakbang na papunta dito si Daisy pero tinignan ko siya ng masama. Mabuti naman at hindi na siya dumiretso dito. Good, makuha ka sa tingin. Humarap na ulit ako sa mga manyakis na kaharap ko. Well, lima na lang ang nasa harapan ko since nasa gilid ko yung dalawa.

"Problema niyo ba?" Walang gana kong tanong sa kanila pero nakatingin lang ako sa lalaking nasa gitna. Parang siya kasi ang leader eh. Actually, may mga itsura silang lahat pero kung ano man ang nakuha nilang pogi points, doble nun ang ibabawas dahil sa ugali nila.

"Wala naman, Miss. Gusto lang namin makipagkilala sayo. I'm Vince, you are?" Sabi nung lalaking nasa gitna. Nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko pero wala akong balak hawakan yan.

"Paki ko naman sa pangalan mo? And please, keep your filthy hands to yourself." Binawi niya ang kamay niya at ngumisi.

"Feisty, eh? Then, anong parte ng katawan ko ang gusto mong ilapit ko sayo?" Tanong niya at lumapit siya sakin na parang bubulong.

"Lips ba?" Bulong niya sa kaliwang tenga ko. Sobrang lapit niya sakin pero hindi ako gumalaw sa pwesto ko.

"Don't you dare touch me. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Babala ko sakanya pero tumawa lang siya.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora