CHAPTER 12

3.5K 108 0
                                    

CHAPTER 12

~~~

KEIRA'S POV

"Mallows, sigurado ka bang okay na ang pakiramdam mo?" Tumango lang ako kay Clyde at pinagpatuloy na ang pagkain ng chichiria.

Dalawang araw akong hindi nakapasok dahil dun sa lagnat ko. Sa dalawang araw din na yun, si Yan at Ran lang ang nakakausap ko dahil silang dalawa lang ang nagbabantay sakin sa bahay kasi kailangang umalis ni Uncle. Most of the time, si Yan ang kausap ko tapos tahimik lang si Ran pero kahit hindi siya nagsasalita, hindi niya ako iniiwan mag-isa sa bahay.

"Mabuti naman. Sama ka sakin this Christmas break. Call?"

"Oiiii. Meet the family na ba kayo? Hindi niyo kami sinasabihan ah. Nakakatampo naman." – Erin.

"Ikaw Clyde huh!" – Daisy.

Binato ko silang tatlo ng kinakain kong chips. Nakatambay kami ngayon dito sa lobby kasi may ginagawa nanaman daw yung mga prof. Palagi nga silang busy nitong nakaraang linggo eh.

"Wag ka ngang magsayang ng pagkain, Kei." – Claire.

"Yes, ma'am!" Sumaludo pa ako sakanya kaya tumawa yung iba naming kasama.

"Mallows! Ano na? Sasama ka ba?"

"Hindi."

"Bakit??" Sabay-sabay na tanong nina Clyde, Daisy, Erin, at Claire.

"Magbabakasyon din kami nina Uncle eh."

"Sayang naman. Ipapakilala pa naman sana kita kina Mommy."

"Yieeeee..."

"Tumigil nga kayo jang apat. Hambalusin ko kayo jan eh." Kanina pa kasi sila. May saltik nanaman sa mga utak nila.

"Yung totoo, ano ang status niyong dalawa?" Tanong ni Von kaya nagkatinginan kami ni Clyde.

"Bestfriends." Sabay naming sagot tapos nag-apir pa kami samantalang parang nalungkot naman yung apat. Hindi ko na lang sila pinansin.

"San nga pala ang punta niyo ngayong Christmas Vacation?" Sila naman ang tinanong ko kasi wala pa silang nasasabi sakin.

"Tokyo." – Von.

"Seoul." – Claire.

"Paris." – Erin.

"London." – Daisy.

"Wow huh. Mga sosyal talaga kayo kahit kelan. Ikaw, Clyde?"

"Well, may photoshoot ako sa Palawan next week kaya dun ang first stop ko tapos susunod ako sa parents ko sa Canada."

"Bat kailangan lumabas kayo lahat ng bansa?"

"Parents." Sabay-sabay nilang sagot. Sige, sila na ang may parents. Hindi na lang ako nagsalita.

"San kayo, Kei?"

"Huh? Ahh, hindi ko pa alam. Ewan ko kay Uncle pero sa tingin ko, hindi kami ngayon aalis ng bansa. Hindi pa ba tayo aalis? Mall tayo." Nagkatinginan yung apat tapos parang nagkaintindihan na sila dun. Hay naku, boy hunting nanaman ang nasa utak ng mga ito.

"Clyde, tayong dalawa ang partner ah. Ayokong makisabay sa apat na yan." Tumawa lang si Clyde habang nakabusangot naman yung apat.

"Maghanap ka na kasi bunso ng boyfriend mo."

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now