CHAPTER 4

3.7K 105 4
                                    



~~~

Mabilis na lumipas ang mga araw at eto kami ngayon, nagpaparty sa bahay namin dahil we officially graduated from high school. Yehey!! *clap* *clap* Dito na din matutulog ang apat na ito dahil magpapakalasing daw kami. Ganun daw ang tunay na nagce'celebrate. Nagpaalam na ako kay Uncle na mag-iinuman kami. Akala ko talaga, hindi siya papayag at pagagalitan pa ako pero na'shock ako ng pumayag siya at nagpresinta pa na siya na daw ang bahala sa alak. Pero sinabi niya din na may mga darating daw na tao dito sa bahay pero wag lang daw naming pansinin dahil bisita niya daw yun lahat. Sa ngayon, nandito kami sa sala. Dito ang gusto nila para malaki daw ang space kesa daw sa kwarto. Oo na lang ako sa kanila. Nasa kusina si Daisy at si Von, nagluluto ng popcorn. Movie marathon din daw kami habang nag-iinuman. Andami nilang alam.

Nanunuod kami ng Interstellar nung may nag doorbell kaya kinuha ko yung remote at pinindot ko ang pause button. Nagreklamo agad yung dalawa kaya binehlatan ko lang sila at pumunta na ako sa may pinto para buksan ito dahil baka yung mga bisita na yun ni Uncle. Nakita ko si Manang na papunta sa pinto.

"Manang, pakitawag na lang po si Uncle. Ako na ang magbubukas ng pinto."

"Sige, hija." Dumiretso na ako at binuksan ko na agad yung pinto. Nanlaki ang mata ko sa nakita kong mga tao sa labas.

"Holy shit!" Hindi ko napigilang masabi. Hindi pala nagbibiro si Uncle nung sinabi niyang marami ang bisita niya. Lumabas na lang yun bigla sa bibig ko.

"Good evening, milady." Sabay-sabay nilang bati at nag-bow pa. Nganga lang ako. Lumingon ako sa likod kasi narinig kong tumawa si Uncle.

"Now, now. Don't scare her like that." Pumunta siya sa likod ko at ipinatong ang dalawang kamay sa balikat ko.

"Sila ba ang mga bisita mo, Uncle? Bakit parang sobrang dami naman ata nila??"

"Don't mind them. May pag-uusapan lang kami. Bumalik ka na dun sa mga kaibigan mo." Tumingin lang ako sa mga lalaking nasa labas. Karamihan sa kanila ay naka itim na formal suit tapos konti lang ang mga hindi naka itim. May mga kung anong wire pa nga sila tapos nakakabit sa tenga nila. Weird. Para silang yung mga nakikita ko sa movie.

"Sige po. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka, Uncle." Nginitian niya ako at tumango. Humarap naman ako sa mga bisita niya.

"Good evening, everyone. I'm really sorry for my rude behavior a while ago." Nag-bow din ako sa kanila tulad ng ginawa nila kanina. I heard them gasped kaya tumayo na ako ng tuwid at tinignan sila.

"Milady, you don't need to do that. Seriously." Sabi nung bumati sakin kanina. Nginitian ko siya kasi parang bigla siyang bumait pero umiling din ako.

"I was rude to you and I have to apologize for that. Again, I'm sorry and please, enjoy your stay here." Nag-bow ako ulit tapos naglakad na ako pabalik sa sala pero narinig ko pang tumawa si Uncle.

"Bilisan mo oi! Antagal ng naka'pause nyan." Salubong sakin ni Erin.

"Oo na po. Di makapaghintay?" Pinagpatuloy na namin ang panunuod at pag-iinuman. Habang nanunuod kami kanina, pumasok na yung mga bisita ni Uncle pero yung mga hindi lang nakaitim ang kasama niya. Tinanong ako nina Von kung sino ang mga iyon pero sabi ko, hindi ko kilala, which is totoo naman.

Pagkatapos naming manuod ng Interstellar ay isinunod namin yung The Maze Runner: The Scorch Trial at ang ikatlo ay ang Strange Magic. Habang nanunuod kami ay nagkukwentuhan lang kami ng mga walang halagang bagay sa mundo. Nasa kalagitnaan pa lang kami ng movie ng makita kong tulog na pala ang apat kong kasama. Pinatay ko na ang TV at humanap na rin ako ng komportableng pwesto para dito na lang kaming lima matulog sa sala. Malapit na ako sa dreamland nung maramdaman kong parang binubuhat ako kaya minulat ko ang mata ko. Siguro epekto ng alak kaya masyadong malabo ang paningin ko at hindi ko rin pala suot yung salamin ko kaya hindi ko makilala kung sino ang bumubuhat sakin.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now