CHAPTER 3

5.6K 117 4
                                    


~~~

KEIRA'S POV

Madali lang lumipas ang mga araw. Hindi ko na masyadong nakita sina Drake at mabuti yun kasi parang naguguilty talaga ako sa away nila ni Lexie, pero tinitxt pa rin naman niya ako, hindi ko nga lang nirereplyan kasi ayoko lang. Si Nathan naman, parang ewan pa rin pero sabi sakin ni Yvonne, may nililigawan na daw yun na nasa ibang section. Mabuti yun at ng tigilan niya na ako sa pangungulit niya and guess what? Ngayong gabi na kami magpeperform. Hindi na nga kami magkandaugaga kasi hindi kami pinapalabas ng campus para mag practice o kaya ay mag-ayos ng mga gagamitin namin mamaya. Alas tres na ng hapon. 5:15 binubuksan ang gate nitong school tapos 6:30 ang simula ng Christmas Cheers. Masyadong maikli ang oras na yun para mag-ayos kami at isa pa, kailangan ko pang umuwi kasi hindi pa ako nakapag paalam kay Uncle. Kailangan ko pa siyang pilitin na palabasin ako ng gabi dahil dun sa mga lalaking umatake sakin.

~FLASHBACK~

"Bakit ngayon ka lang?! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na dalhin mo ang cellphone mo kapag lalabas ka at bakit iba na ang suot mong damit?!?" Sunod-sunod na tanong sakin ni Uncle pagkapasok na pagkapasok ko ng main door. Geez.

"Kasi Uncle..." Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba yung nangyari kanina o hindi kasi parang mangangain ng taong buhay ngayon si Uncle eh.

"What is it?" Pinanliitan niya ako ng mata kaya napalunok ako ng wala sa oras.

"Uhh, may ano, may umatakeng dalawang lalaki sakin kanina." Pinaglaruan ko ang kamay ko habang nakayuko. Hinihintay ko ang sigaw sakin ni Uncle na "Ano?! Bakit hindi mo ako agad tinawagan?!" o kaya naman ay "Namukhaan mo ba sila? Ipapakulong ko ang mga siraulong yun!" or something along that line. Eh kasi, yun naman ang karaniwang nagiging reaksiyon ng magulang kapag may nangyayaring ganito diba? Well, technically, hindi ko magulang si Uncle pero who cares? I see him as one. Nakakatakot siya kapag galit kaya ayokong tumingin sakanya. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat kaya napa'aray ako. Inalis niya din naman agad ang mga kamay niya sa pagkakahawak sa balikat ko.

"Who did this to you?" This time, tumingala na ako at tinignan ang mga mata ni Uncle. He's calm. Too calm.

"Hi-hindi ko po sila kilala, Uncle. Basta ang sinabi lang nila, taga-Apocalypse daw sila at kailangan kong sumama sa kanila kaya nanlaban ako kaya yun, nasaksak ako nung isa nang nakatalikod ako sakanya. Nakita ko rin na pareho silang may tattoo na parang star na may anim na sulok sa pulso nilang dalawa." Sumbong ko kay Uncle. He really brings out the kid in me kaya nagiging sumbongera ako kapag siya ang nagtatanong.

"Pano ka nakawala sa kanila at sinong gumamot sayo?" Pumunta siya sa likod ko at tinignan ang sugat ko na may benda.

"Nakita ako ni Drake tapos tinulungan niya ako dun sa dalawang lalaki tapos siya din ang nagdala sakin sa HQ daw yun ng mafia niya. Ano ngang pangalan nun? Lepra- Lepre-"

"Leprechaun." Singit ni Uncle sa sinasabi ko.

"Yun! Alam mo yun Uncle? Kanina ko lang yun narinig eh. Tsaka sa tingin ko talaga, niloloko lang ako ni Drake." Tumawa lang siya. Wala na yung galit na mukha niyang nadatnan ko kanina.

"Bakit naman?"

"Sabi niya kasi, Leader daw siya nun. I mean, mafia yun eh. Diba mga illegal na gawain ang mga pinag gagagawa ng mga ganun? At isa pa, bata pa siya para maging criminal."

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now