CHAPTER 25

2.6K 78 1
                                    

CHAPTER 25

~~~

"Zeph? Ayos ka lang ba? Bakit ang pula ng mukha mo?" Umiwas ako ng tingin kay Yan at Xander na naglalaro ng cards sa living room. Dumiretso na ako agad sa kwarto ko. Ang walanghiyang Kyran na yun! Did he just confess to me?? At gusto niyang magtapat din ako sakanya?? My God! Oo nga at crush ko siya pero 'love' ang tinanong niya eh. Hindi ko naman alam kung love na ba ito o ano. Kung ang tinanong niya sana ay 'do you like me?' edi sana umoo ako since totoo naman. Aish! Ewan! Nakakainis pa kasi bago ako makapasok sa kwarto ko kanina, rinig na rinig ko pa ang pagtawa ni Cloud at Clark. Oo, ang minsan lang magsalita na si Clark ay halos mamatay na sa kakatawa.

*knock!* *knock!*

Nagising ako dahil sa pagatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako. Kumatok nanaman kung sinuman yun.

"KZ? Nasa Black Zone na daw ang karamihan sa kanila. You should get ready." Ran?!? Bigla akong napabangon nang marinig ko ang boses niya.

"Uhh, si-sige, magbibihis lang ako."

"Okay. I'll wait for you at the living room." Narinig ko na ang paglakad niya palayo sa kwarto ko kaya nagsimula na din akong magbihis. I totally forgot about the meeting. Shit.

"Nauna na ba yung apat?" Agad siyang napatingin sakin at pinatay niya na yung TV.

"Uhh, yes. Tinawagan nila ako kanina at sinabing nauna na raw sila kaya ako na lang ang mage'escort sayo papunta dun at kasama natin ang ilan pang guardians na nasa labas." Tumango ako at naglakad na kami papunta sa private garage dahil nandoon na din ang mga sasakyan nilang lima. Walang nagsasalita sa amin kaya ang awkward tuloy. Ano ba naman yan.

"KZ, about what I told you a few hours ago." Napigil ko ang paghinga ko dahil sa sinabi niya at tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako dahil nasa harapan ko siya.

"I mean it." Seryoso siyang nakatingin sakin at naramdaman ko nanaman ang pag-init ng mukha ko.

"Ran, kasi, parang masyadong magulo ang sitwasyon ngayon -"

"I understand." His face fell. Well, that actually looked cute.

"No, you don't." Tumingin siya ulit sakin with the same expression.

"Ran, I like you, okay? I'm sure of that pero -" Hindi niya nanaman ako pinatapos sa sinasabi ko at bigla niya ding hinawakan ang kamay ko.

"That's enough for me, KZ. Knowing that you like me is more than enough. I'm not rushing you or anything. I just want you to know how I feel." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumango na lang ako.

"Let's go?" Nagsimula na siyang maglakad ulit habang hawak ang kamay ko kaya sabay na kaming lumapit sa kotse.

"Hindi ka magdadala ng kotse mo?"

"No. I'll drive. Give me your keys." Binigay ko naman sakanya at pumasok na kami.

The whole ride papunta sa Black Zone, isang kamay niya lang ang nakahawak sa manibela habang yung isa ay nakahawak sa kamay ko. Nung tinanong ko siya kung anong trip niya, sabi niya ay masaya lang siya at gusto niya lang yung gawin. Hinayaan ko na lang siya dahil ayos lang naman sakin na hawakan niya ang kamay ko at isa pa, ngayon ko lang siya nakita na parang bata umasta and I like this side of him.

Nakarating na kami sa Black Zone at naabutan ko doon ang sobrang daming tao. Tama nga na hindi kami kakasya sa isang floor ng Colony. May ginawa silang parang stage sa harapan at doon ako pinadiretso ni Ran habang nasa mismong ibaba naman silang lima nakatayo at nasa likuran nila ang ten high-ranking officials ng Genesis. Nang makatayo na ako sa unahan, tumigil na ang ingay nila at pinagmasdan ko muna silang lahat bago ako nagsalita.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now