CHAPTER 7

3.5K 104 1
                                    

CHAPTER 7

~~~

KEIRA'S POV

Nagising ako sa kwarto ko. Bigla kong naalala yung mga lalaki kagabi kaya bigla akong napabangon.

"Fuuuuckkk!!" Shit! Parang nagkaroon ng bitak ang bungo ko. Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at may pumasok na dalawang lalaki.

"Who the hell are you?!?" Sila ba yung mga lalaki kagabi? Wahhh!! Dahil sa taranta ko, automatic kong tinawag si Uncle.

"Uncleeeeeeeee!!!!!" Mukhang nataranta naman yung dalawang lalaki tapos may pumasok pang tatlo pang lalaki kaya mas lalo kong nilakasan ang sigaw ko. The hell is happening here?!?

"Keira?! Calm down, princess. I'm here." Tumingin ako sa may pinto at pumasok sa kwarto ko si Uncle. Tumabi siya sa akin at hinagod ang likod ko.

"Sino sila, Uncle? Sila ba yung mga lalaki kagabi?" Biglang tumigil si Uncle sa paghagod sa likod ko kaya tinignan ko siya.

"Uncle? Are you okay?" Hindi ko maintindihan ang emosyon sa mata niya. Galit ba siya? Kanino?

"I'm fine, princess. Mga tauhan ko sila. They won't hurt you. Tell me what happened last night."

"Sigurado ka ba, Uncle? Kukuha ba ako ng tubig? Parang hindi ka okay eh." Napabuntong-hininga siya.

"Halika, dun tayo sa baba. Mag-uusap tayo." Tumango lang ako at bumaba na sa kama ko. Sabay kaming bumaba ni Uncle at naabutan ko ang mga lalaking nagkalat sa mansion.

"Lahat ba sila, tauhan mo? Bat ang dami nila dito?" Nginitian niya lang ako. Unconsciously, kumapit ako kay Uncle kaya nilagay niya ang kamay niya sa balikat ko. Naglakad na kami papuntang kusina. Hinintay ako ni Uncle na matapos maghilamos habang ipinagtimpla niya ako ng hot chocolate.

"Salamat po. Anong meron, Uncle?" Tanong ko sakanya habang tinitignan ko isa-isa ang mga lalaki dito sa bahay at iniinom ang hot chocolate ko. Sarap.

"They're here to guard you." Napatingin ako agad sa kanya.

"Why?" Umiling lang siya.

"It's not the right time yet, princess. Pero sa ngayon, babantayan ka nila when I'm not around. Pati na rin sa eskwelahan."

"Hell no, Uncle. Hindi ako papasok ng may mga nakabuntot saking men in black."

"Language, princess."

"Sorry. Pero Uncle naman, ayoko."

"Sino ba kasing nagsabing MIB ang magbabantay sayo kapag nasa eskwelahan ka?"

"Didn't you?"

"I did not."

"Eh sabi mo, 'sila'. MIB kaya sila." Sabay turo ko sa mga lalaking nasa loob ng bahay.

"Hindi sila pumapasok sa pinapasukan mong University kaya hindi sila. Ang magbabantay sayo ay mga kapwa mo estudyante din." Parang na'excite ako ng konti dun huh.

"Really? Pero teka nga, bat ba kasi ako kailangan bantayan? I'm 17 years old na, Uncle."

"Exactly. Habang nalalapit ang 18th birthday mo, mas lalo kang kailangang bantayan. Look what happened last night. Hindi na yun pwedeng mangyari ulit, Keira." Sumeryoso na naman ang mukha niya.

"What exactly happened last night? Wala naman kasi akong maalala pagkatapos nilang takpan ng panyo ang ilong ko eh. Damn! Ang baho nun, Uncle! Ano bang problema nila? Tss."

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now